Advertisement

Sunday, April 11, 2010

Shoo

Dear insansapinas,

Nakita ko yong dalawa, lovey-dovey. Binuksan ko ang glass door at kinuha ko ang aking walis ng bruha. (yong sasakyan ng mga witch). 


Walang kaabog-abog, pinalayas ko ang dalawa. Kainis, ginawang parang Ibong Adarna ang aming patio. Panay sila popo. TSEH.

Yong dalawang pigeon yon na ginawang park ang patio namin. Buti sana kung hindi mag-iiwan ng kanilang droppings. Tseh nila ulit.
Nasaan ba yong aking tirador? Mamaya kasi isang kawan na yan. Nagtsisismisan. Ang pigeons hindi dumadapo sa puno. Yong puno sa harap namin, ibang klaseng ibon naman ang dumadapo.


Pinaysaamerika 

No comments: