Advertisement

Saturday, April 03, 2010

Bago Mag Easter Sunday

Dear insansapinas,
Bago mabuhay si Bossing Jesus, ihabol ko muna ito. Baka pagbuhay na siya, pandilatan na naman ako. *heh*


1. Baby James Yap
baby james: Am in trouble?


Intriga ni Cristy Fermin, oo Birhinya,buhay na naman ang intrigerang babaeng ito. Minsan daw sa campaign sortie ng mga Aquino tinanong ang bata kung sino ang iboboto, ang sagot daw VILLAR. hehehe


Facebook/Forum at Tondo


Nang advisan ko ang isang kamag-anak na huwag sumali sa Facebook at mga forum discussions dahil hindi lang siya pikon, ayaw ang magpatalo, kulang na lang na ipadeport niya ako sa buwan.


Pagkatapos magbreakdown at sabihan ng therapist na huwag sasali sa Facebook at Forum prinaise pa niya yong therapist. Magpabayad din kaya ako ng mga diagnosis ko para hindi tinitake for granted.


Kahapon habang nag pipitong wika ang mga simbahan, nagbabasa ako ng comment sa isang forum na hindi ako nakatiis. Na naman. Dapat pinasalamatan ko kasi ang sabi ay ang mga taga Tondo raw ay ang mga aristocrats kaya hindi siya naniniwala na totoo ang sinabi ni Villar na siya ay lumangoy sa basura.


Bakit kamo ako magpapasalamat? Tumira kasi ako sa Tondo. Noong bagong salta ang aking pader from Bicol. Sa Tondo siya pinadpad kasi nag-iisa lang naman siya at karamihan mga Bisaya ang mga nakasama niya eh marunong siyang magwaray at magcebuano.


Pero inalis kaagad kami ng father ko nanag kami ay dumating mula sa probinsiya. O binyagan ka ba ng bugbog ng mga gang doon na mga kabataan din. Hindi ako, ang mga kapatid kong lalaki na nag-aral noon sa T. Paez Integrated School.


Tapos nagliliparan ang mga palaso kahit walang Indiyan. Pinagtatawanan pa kanmi ng mga kapitbahay dahil nakakubyertos kami kahit tuyo ulam namin. May napkin pa. bwahahaha.


Daddy pa tawag namin sa aking pader.


Kaya noong sinabing mga aristocrata ang mga galing sa 
Tondo, for the first time kung narinig yon dahil ako pag tinanong ako noong bata ako kung saan kami nanggaling at sabi ko Tondo, hinahanapan ako ng tattoo.


Hindi siguro naabot ng commenter ang Smokey Mountain sa Tondo na pag pumunta ka sa malapit, didikit ang amoy sa damit at sa kotse.


Marami ring maykaya sa Tondo, ang mga Chinese businessmen at yong mga intsik sa dating Tutuban na hindi marunong ng katiting na Tagalog.


Ang mayayaman nasa Makati na, QC, Las Pinas at iba pa. Yong mga old rich at aristocratic family, nasa Visayas at Pampanga. 


Pinaysaamerika


No comments: