Dear insansapinas,
Hindi ko alam kung sinasadya lang ng mga reporters and pagsusulat ng ganitong headline.
Kagaya nito.
Guard shoots dead fisherman
The incident will be further investigated to determine the motive of the killing, said police.Ang ibig pa lang sabihin ay binaril at napatay ang mangingisda. Toinkkk
Akala ko patay na pinatay pa. Tinding galit naman yan.
Ikalawang headline:
Chinese trader killed, robbed of 3,600 pairs of shoes
Akala ko pa naman kamag-anak ni Imelda Marcos. Yon pala yon ang negosyo niya.
Bigla ko tuloy inventaryo ng sapatos. Tsssk tssk. tapos na ako sa imeldific shoes syndrome ko. Napatunayan ko kasi na marami akong hindi masusuot pag mataas ang snow.
Kagaya ng high heels, pagtusok noong heels sa snow, ang takong ay lulubog na sa soft snow o kaya dulas ka sa ice.
Pero ito ang headline na nalito ako lalo nang pag-usapan na sa mga blog. Biruin mo dala dala pa niya yong paso sa aming garden. :)
Bb. Pilipinas dethroned
Noong unang sinabi dahil daw sa citizenship dahil ang ama ay Indian.
Nababaliw ba sila? Kahit na Indian pa ang tatay niyan pag ang nanay niya ay Filipino, Filipino pa rin yan. Not unless merong batas sa Qatar na ang mga pinanganak doon ay magiging Qatarians (meron bang ganitong term)?)
Noong ikalawa ang mga bloggers naman ay nagsulat na dahil daw illegitimate.
Nalipasan ba sila ng gutom? Ang dami nating Bb. Pilipinas na illegitimate at nanalo pa sa mga International beauty contest. Si Melanie Marquez ba legitimate? Alam ko ang yumaong si Chat Silayan na naging runner up sa Miss Universe ay anak sa ikalawang pamilya ng actor na si Vic Silayan. Hindi naman nila tinanggi yon. At mayroon pa na galing sa buena familia pero hindi ko na lang babanggitin, in fairness, she brought honor to the country. Hulaan na lang ninyo kung sino. Kahit na takutin pa ninyo ako hindi ko sasabihin.
Ang alam ko yong maling information sa birth certificate ni Venus Raj ang problema. Ang siste nito, hindi naman sila ang nagpalate registration.
Wala namang kasalanan si Venus Raj kung biktima siya ng tadhana. Pero dapat siguro naiimibestigahan muna nila ang mga records nila bago dumating sa ganoong point.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment