Bedbugs or surot, insan. Yong mga traidor na kakagatin ka pagkatapos magtatago. Yong mga vampirong mababaho pero aamuyin mo pa rin. Bakit nga ba bumabaho yon, ay dugo naman ng tao ang sinisipsip ng mga depuger. (hiniram ko kay lee na hindi na makapasok sa Google dahil ipinagbawal na ng mga singkit). Yong mga legal residents ng mga sinehang nagpapakita ng dalawang movies sa napakababang presyo. SUMAMA NA RIN SA GLOBALIZATION. Arghhhh
Ceglowski, 34, a computer programmer who now lives in Romania, told CNN: "I realized that there was no effective treatment for bedbugs except avoidance. I thought I could help people by warning them about the dangers and where there are bedbug infestations."
He says his Web site, The Bedbug Registry, now receives between 10,000 and 15,000 visitors daily and up to 100 reports a day of infestations in hotels and apartment blocks, mainly in New York, San Francisco, Toronto and Vancouver.
Alam ninyo naman ang mga mapupusyaw ang kulay pag kinagat, kitang kita sa kanilang balat. May bisita nga kami noong Germans, sa Pinas na nang makakita ng butiki sa bahay, sabi nag-aalaga raw kami ng maliit na dragon sa aming ceiling. bwahahaha.
Pero hindi pa yan ang kuwento. Last year may mga reports nga tungkol sa bedbug infestation kaya aside from quarterly insecticide spray sa aming mga tahanan, nirerequire rin kami noon.
Pero di natuloy. Kahapon, araw na naman ng pagbobomba para kalabanin ang mga ipis at iba pang mga peste sa bahay kaya may dumating. Akala mo detective siya na gumamit pa ng maliit pero maliwanag na flashlight at inilawan ang mga sulok-sulok ng aming kabahayan.
Hitsura niya ang mga forensic sa CSI na laging may dalang flashlight. Wala naman siyang nakita. Magaling naman magtago yon. lalo na sa may mga sink.
Tapos, yong kaayos ko lang na bed ko na normally kung ano ang pagkaiwan ko sa morning, yon pa rin ang condition noon sa gabi (bawahahaaha) ay ginulo niya at nirekesa rin ang mga sulok-sulok, yong mga edges. Naghahanap pala ng surot. Nirereport nila yon tapos nagrerecomenda ng treatment.Wala naman siyang nakita.
Sabi ko ang peste sa bahay ay yong mga ibon sa labas.
Pagkatapos ng ilang oras, ibinalik ko na yong mga gamit sa closet, sa pantry, sa cupboard,sa under-the-sink
cabinet (hingal). May fine sa county pag hindi ka nagpaspray ng insecticide. May bayad yon eh.
Kinagabihan, di ko maitaas ang aking kamay sa pagod. Nagpatay na lang kami ng baka. Yong nasa lata. Mwehehehe.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment