Advertisement

Wednesday, April 07, 2010

KRIS AQUINO Nagwalk out na naman dahil sa Baby James video

 Dear insansapinas,

Balitang nagwalk-out si Kris Aquino dahil ibinalitang paulit-ulit at ipinakita ang video kung saan isinisigaw ni Baby James na ang iboboto niya ay si VEEYAR (VILLAR) Ang cute na batang ito. Habang nakaporma ng L ang kaniyang mga daliri, sinisigaw naman niya ay pangalan ng kalabang ng kaniyang Tito Noynoy.



“Nag-walkout si Kris Aquino sa taping ng Kung Tayo’y Magkakalayo. Dumating siya ng 9:00 a.m. pero umalis din ng 10:30 a.m.,” simula ng kausap ko sa kabilang linya.


“Hindi niya matanggap ang paulit-ulit na pagpapalabas ng video tungkol kay Baby James,” dagdag ng source sa kabilang linya.


“Nagtatampo siya. Pagtalikod niya, nag-breakdown. Hindi nila alam kung nasaan si Kris.


“Ayun hanggang kahapon ng hapon, nakatengga sila (production ng Kung Tayo’y Magkakalayo) pero itutuloy ang taping nila,” dagdag na kuwento ng isang witness sa pagwa-walkout ni Kris.

Ano ba siya gusto niya i-censor ang mga balitang hindi maganda sa kaniyang kapatid. Alam na ang kandidato ng ABS CBN ay si Noynoy pero balita iyon eh. Nakakatuwa naman kasi si Baby James, sinasaway na sige pa rin. 

Nabalitaan niya kayang niregaluhan ni Manny Villar ang mga anak ni Ruffa nang kantahin nito ang kaniyang jingle. Balak ngang padalahan ng regalo ni Villar si Baby James na relo. May relo naman ang mga Aquino, yong kay Tita Cory. 

Ang sarap pisilin ng pisngi ni Baby James. Bata pa mas controversial na sa nanay.

Pinaysaamerika 

No comments: