Advertisement

Thursday, April 15, 2010

Gloria Economists nasa kay Noynoy na

 Dear insansapinas,


Pakisapok mo nga ako. Ang mga taong nagsabi na walang nangyari sa ekonomiya ng Pilipinas ay nakangiti at nagsasabing aleluya nang naglipatan ang mga pulitikong sina Recto at si Salceda. Yan ang partido Liberal kung saan lumipat ang mga taong ire at kasama ngayon nina Roxas at Purisima na mga ekonomista rin(?)


Kung walang nangyari sa administrasyon ni Arroyo dahil sa mga ekonomista na ito, anong mangyayari pag nanalo si Noynoy. Pareho-parehong tao rin ang nandoon. Ang napalitan lang ay ang Presidente. May mangyayari ba sa ekonomiya ng Pilipinas lalo na't sinabi noong una ni Noynoy na walang bagong taxes. OOOps binawi pala yon. Hindi muna nag-isip eh. Siniko yata ni Monsod. 

Parehong sasakyan at pasahero, nagpalit lang ng driver?  


Ito ang balita.



MANILA, Philippines - Tila naubusan na ng ekonomista si Pangulong Gloria Arroyo matapos magtalunan ang mga ito sa Liberal Party ni Sen. Be­nigno “Noynoy” Aquino III.
Tinukoy ni Nacionalista Party (NP) spokesman at se­­ natorial candidate Gilbert Remulla ang pag­kumpirma ni Albay Governor Joey Salceda sa pag­kalas sa administras­yong Lakas-Kampi-CMD para sumama sa kam­panya ni Aquino na naging schoolmate niya sa Ateneo de Manila kung saan naging guro nila si Pa­ngulong­ Arroyo.
Si Salceda ang pabo­ritong kapartido ni Arroyo at pangunahing tagapayo nito sa larangan ng eko­nomiya.
Bukod kay Sal­ceda, nasa kampo rin ng LP si dating senador Ralph Recto na nagtulak upang maging batas ang 12-percent expanded VAT na lalong nagpataas sa singil sa serbisyo at mga pro­dukto ngayon.
Nasa kampo rin ng LP ang mga dating Trade and Industry secretaries ni Arroyo na sina Cesar Puri­sima at Sen. Mar Roxas II na presidente ng LP.

Pinaysaamerika 

2 comments:

biyay said...

merong phrase na angkop sa sitwasyon: "like rats deserting a sinking ship". very fitting

cathy said...

biyay,
ano pa ba. ang kakapal ng mukha. gagaspang pala.