Advertisement

Tuesday, November 10, 2009

Love Triangle and Love that kills

 Dear insansapinas,
Love is irrational. If it isn't, these people in the news would not commit crimes in the name of love. 

we should stop meeting like this.

 Love Triangle in Space

I am sure you have heard about the much publicized live triangle of the astronauts. Mahihiya ang romantic novel.
This is the latest:
Nowak's spokeswoman said the former astronaut will be in court, but she would not say whether Nowak will accept the plea deal.Nowak is accused of stalking Air Force Capt. Colleen Shipman and using pepper spray against her in a parking lot at Orlando International Airport in Florida on February, 2007. Before she pleaded not guilty to charges of attempted kidnapping with intent to inflict bodily harm, battery and burglary of a vehicle using a weapon.
She faces a sentence of up to life in prison.
The details of the case drew national attention. Prosecutors accuse Nowak of driving nearly 900 miles from Houston to Orlando -- wearing NASA diapers to cut down on the number of stops she needed to make -- and donning a disguise before following Shipman from baggage claim to a parking lot.
Nowak was upset at Shipman because she was dating the Nowak's former boyfriend, who was also astronaut at the time, authorities said.

This was fictionalized in the Law and Order.


Was it love who  motivated her to  harm the rival or was it jealousy? They said that if you are not jealous, you do not love a person. Hmmmm.


I do not get jealous easily  but it does not mean I do not love a person. Ang aking pilosopiya ay kung saan siya maligaya, pababayan ko siya. Bibigyan ko pa siya ng pamasahe o pangagasolina. Pero isang condition, wag na niya akong kausapin. (panyo nga).

Beltway Sniper

Nasa California pa ako noong nangyari ito. Nampappatay nang walang malamang dahilan. Ang sabi naman ng asawa niya, siya ang gustong patayin dahil nga iniwanan niya kasama ang mga anak niya nang mapansin niyang nag-iba na ang ugali nito pagkagaling sa  giyera.


May balita naman na binalak na humingi ng 10 million para hintuan niya ang terorismo sa DC, Virginia at Maryland. 


Kasama niya ang isang teenager na katulong niyang pumapatay.


Ngayong gabi ay eexecute siya sa Virginia thru lethal injection. Sinabi ng governor ng Virginia na walang clemency order na manggagaling sa opisina niya.
John Allen Muhammad, the mastermind of the 2002 sniper attacks that terrorized the suburbs of the nation's capital, is scheduled to die by lethal injection Tuesday evening at a state prison near Jarratt, Virginia.Virginia Gov. Tim Kaine denied a clemency request from Muhammad's lawyers, closing off what is likely to be his last avenue of appeal.


Pinaysaamerika 


8 comments:

Lee said...

mam, nabasa ko dati yang story na yan nyang mga astronaut, obses na yung babae talaga konsidering pamilyadang tao din sya huh!
ako ang taong walang selos sa katawan,pero pag naman nahuli kong unfaithfull sya e hiwalay ang puti sa de color kagad ang soap opera lol.
naniniwala kasi ako na once a cheater.... cheater ngang talaga hahaha.
yung mga ganyan dina selos ang tawag dyan, obses na at walang tiwala dun sa partner, aba e kung ayaw na sayo at gusto na nya ng iba e ibigay ang kaligayahan, sabay hila ng kumot waaaaaaaaa!
mam kulang ang tissue o panyo hahaha.

cathy said...

HAHAHA lee, ganiyan din ako. paano ba yong nasaiyo nga pero iba naman ang iniimagine.

gusto mo ng bed sheet. hati tayo.
wwaahhhhhh

Lee said...

hahaha bigla ko tuloy naalala yung sisteret ko eto nagkaron ako ng shock for atleast 1 minute...

buntis kasi yung sister ko, pero di rin sya selosa, so yung husb nya panggabi ss work minsan pang araw.
since buntis nga at maliliit pa yung ibang anak,hala dun samin nakatuloy muna.one night dun kami nagsiksikan sa room ni mader syempre chikahan,naglagay ng kutson sa lapag kasi di kasya lahat sa bed,habang nagiistoryahan kami nandun din sa tabi nya yung husb nya nagtetext nakahiga din, nagulat nalang kami nung my biglang lumagutok akala namin nabasag yung bungo ng bayaw ko...

hinambalos pala nung feeding bottle na bote ang kapal, yun pala habang nagkukwentuhan kami, nagtetext yung bayaw ko nakasilip yung sister ko sa ilalim e mataas kasi unan nung bayaw ko, yung pala eto ang laman ng text...

"honey, lyasn m n kc yng bute2ng wifey m d2 u n ma2log"

hinintay nyang reply nung bayaw ko.

"uy, db sb k dnt txt me hr, d pwd nkkhlata n misis k"


TOINK! ang kasunod sabay tadjak sa asawa at pagbaba ng hagdan habol pa ng kawali pinalayas ng bahay hahahahahahaha.
kinabukasan panay dila at alaska ko sa bayaw ko, laki ng bukol hahahahahaha.

cathy said...

lee,
yon ang mga ayaw ko sa babaeng naiinlove kuno sa may asawa. naninira ng pamilya.

kung pinili niya ang maging other woman, maghintay siya ng pasko...na palagi namang dec. 26.

Lee said...

hahahaha oo nga noh,
mahihirapan ang bayaw ko kasi yung sister ko hawak ang ATM nya, sabi sa kanya kung gusto nyang magloko e mag sideline sya para my pangastos sa babae nya, kaso twing idadahilan ng late na uwi e OT daw e inililista nung sister ko yung OT daw, kaya pagdating ng bayaran ng OT e wala syang lusot, sisingilin sya ng sister ko hahahaha.
my mga other woman kasing demanding,nakikishare na nga lang gusto ng sulohin lahat hahaha
abay other woman ka e magtiis ka kung kelan ka siputin, kaso kung sinu yung mga other woman sya pang matatapang,kaso yung sister ko sabi nga ng mader ko, umaga palang paggising e naghahasa na ng dila.(di sya bungangera,di nagger at di rin madaldal,minsan lang magsalita kaso napakatalim,nakakatakot hahaha)

cathy said...

ang tindi ng kapatid mo. hahaha

may mga other woman naman na martir. talagang in love lang talaga at ang kanlang kanta ay Sapagkat Kami ay tao lamang. prsssst. (panyo nga).

Lee said...

matindi talaga yung sister ko takot na takot yung asawa, kasi my record kaming lahat na nang iiwan ng asawa e hahaha.
takot pero maloko.

ahahahaha akala ko ang kanilang kanta e yung kanta nung araw ni susana pichay nalimutan ko na yung pamagat pero maraming kanta talaga para sa other woman hahaha.
pero kung ako siguro magiging other woman ayoko ng martir at api ako sa drama, gusto ko ako yung naka make up ng makapal, naka hi-heel, tapos naka backless at my malalaking hikaw tapos nguya nguya ng chiklet at manunugod ng bahay nung tunay na asawa at sasabihin...


"hoy, ilabas mo asawa mo,bakit inaangkin ko ba?ang damot mo, hinihiram ko lang naman ah! pag di mo inilabas ang asawa mo pauulanan ko kayo butong pakwan"

eto kumot mam.

cathy said...

ah yong asawa ng bf ng aking kaibigan (hiwalay na raw sila) tawag ng tawag sa telepono niya. nanggugulo. sabi ko iwasan niya na si lalaki (kahit kaibigan ko rin) kasi nga walng diborsiyo sa pinas.

sabi niya iniwasan niya na. nang magbalikbayan ako, sila pa rin. ahahay.

yong isa naman siya ang pinagtaksilan. hiwalay na rin naman sila pero masakit yata talaga ang iniwanan, kaya sinugod din niya ang kabit. sikat siys noon. sas labas nagtatatalak.

may PhD yan.

ako pag pinagtaksilan, kinakausap ko lang kung gusto niyang bigyan ko pa siya ng going-away gift.