Advertisement

Thursday, November 05, 2009

MAGHIHIWALAY TAYO PAG HINDI KA HUMINTONG PANGRERETO

Dear insansapinas,
Hindi yan si Ruffa Gutierrez na nainis na sa pangrereto ni Kris sa kaniya kaya siya ay nagsalita na. Tingnan ang aking previous entry.

Yan ay kaibigan ko.

Noong isang Linggo, muntik ko nang malulon ang kinakain kong cashew nut (ang laking piraso) nang sabihin sa akin ng kaibigan ko na binantaan niya ang kaniyang asawang maghihiwalay sila pag hindi nito hinintuan ang pagrereto ng kaibiganslashnakatira sa kanila ng libre slash walang makuhang trabaho slash at ilang beses silang pinagastos  sa mga negosyo nitong walang pupuntahan sa kaniyang inang nagbakasyon ng isang Linggo sa kanila. Isang negosyo ay ang pagluluto ng lechon. Tinanong ko kung ilang ba ang Filipino doon na bibili ng lechon kahit isang beses, isang Linggo. Sabi eh mga lima raw. SUS. Ikalawa catering. Eh ganoon din yon. Lima lang ang magpapacacater, tutubo ba sila. Anyway punta tayo sa retohan.

Ang nanay ng kaibigan ko ay di pa man naliligawan, boyfriend na niya ang lalaki. Sixty five na siya ay may trabaho. Siya yong may nakasamang walanghiya na ginamit ang pangalan niya sa credit card at ninakawan siya sa ATM niya para lang makuha ang penitition na asawa.

Paano ko alam? Pakialamera ako. Ako ang nagbuking sa kaniya. So umalis siya sa bahay ng kaibigan ko kasama ang lalaki na pinagsama sila sa isang upahang kuwarto. Kung paano sila natulog, huwag ninyo akong tanungin. Pati ang binilin niyang van ay gamit ng mag-asawa. May mga martir na nagiging martir hindi dahil sila ay mabait kung hindi dahil sila ay tanga.AMEN.

Nagkahiwalay din pagkatapos ng ilang drum na iyakan at luha. Lumipat na ang kaibigan ko sa ibang state at naiwan ang nanay niya sa California. Ang isa niyang kapatid ang gumagamit noong sasakyan dahil hindi naman siya nagdadrive.

Sa pakikialam ko pa rin, nagsuggest ako sa aking kaibigan na pabakusyunin ang nanay niya sa kanila para magkabati na sila ng husto. Hige.

Kinunan niya ng ticket at sinundo nila sa airport. Pinakilala nila sa kanilang kasama sa bahay na Pinoy na hiwalay sa asawa at matagal nang naghahanap ng trabaho. Wala namang makita kasi wala namang skills.

Doon pumasok ang asawa niya na inireto ang lalaki sa kaniyang biyenan.

Ang aking kaibigan ay ilang beses nang niloko ng asawa pero hindi man lang ito nagbanta na sila ay maghihiwalay. Pero sa taong ito, talagang nagalit siya at binantaan ang asawa.

Tinanong ko bakit. Sabi niya ay bolero raw ang matanda at magiging pakainin lang ng nanay niya at baka ubusin ang makukuha nitong pension dahil malapit nang magretire.

Isang araw tumawag ang mother niya. Hinahanap ang lalaki at sabi sa kaniya ay payag na raw ang isa niyang kapatid na mag-asawa siya doon sa lalaki. Ekkk.

Noong sinabi niya ang kaniyang saloobin, talo pa niya si  Anita Linda na umiyak at sinabing kailangan naman daw niyang lumigaya. Araguy.

2 comments:

Lee said...

Eeeeeek hahahahaha.
sorry mam, despensa kasi sabi ng mader ko, yun daw mga ganyang babae ay di martir, yan daw yung mga tumandang di kinupasan (ng L)... yan daw ang mga babaeng di mabubuhay ng walang lawit hahahahaha.

cathy said...

totoo ang sinabi mo, lee.

yong isang naging tenant ko, inamin niya talaga na hindi siya mabubuhay kung walang lalaki.

kaya kahit pumunta siya sa bahay noong lalaki at pagkatapos itsupi siya pagkatapos nilang magpakaligaya, masaya na siya.

yong isang lalaki niya, nirape yong anak niya, hindi man lang niya hiniwalayan.

yong isa niyang lalaki, inubos lahat ng naipundar ng kaniyang asawasa bawal na gamot, okay lang sa kaniya.

pinaalis ko siya sa bahay dahil nagdadala siya ng lalaki sa bahay kahit disoras ng gabi.