Mahigit isang milyong vribs (Kuna) ang nirerecall dahil sa ito ay hindi safe sa mga bata.
Kung titingnan mo ang simple, mahal siya dahil kilala ang brand niya. ibig sabihin, kahit mahal hindi garantiya na matibay.
Pagkatapos kong magreview sa CPA, ipinanganak ko ang aking ikalawa. Bumili kami ng kuna (crib) na maganda pa ang kulay at may feature ito na puwede mo siyang i-ugoy.
So habang nagbabasa ako ng libro o magazine at nagpapatulog, tinatalian ko ang aking paa at tinatali ko ito sa crib habang inuugoy ko. Ano bang The Hands that Rock the Cradle. Sa akin, the Feet did that. ahohoy.
Sa tibay ng kuna ay naging kama pa ito ng pasaway kong anak nang matuto na siyang ibaba ang kalahati ng side nito para siya makababa. Inalis na rin namin ang nasa ibaba na ginagamit pag-ugoy.
Nagpalipat-lipat pa ito sa mga ibang kamag-anak pagkatapos hingin ng isang malayong kamag-anak sa probinsiya na sa tibay ay ginagawang boxing arena ng mga batang pinagsasama-sama doon habang ang mga ina ay masa hagdan at naghihingutuhan at nagtitsismisan. hohoho.
Noong maliit kami, ginagawa lang ng aking ama ang kuna. Pero mas gamit namin ang duyan na gawa sa abaca.
kahit saan dinadala namin. Pag medyo mahangin at maganda ang panahon, kinakabit ito sa dalawang puno o poste. Pagkatapos gumising ang bata, matanda naman ang matutulog.
Minsan parang swing na idinuduyan ito ng mga pasaway ko ring kapatid. Sa takot mo tuloy, baba ka para sila naman ang sasakay. Tseh nila.
Sa barrio naman ang duyan ay gawa sa katsa na pinambalot ng arina, pinaputi sa pagkukula at pinagtagpi-tagpi. Pag-ihi ng bata, basa, patutuyuin lang pero amoy mo ang panghe hanggang hindi nalalabhan. hehehe
Pinaysaamerika
3 comments:
uhaaaaaaaa jozme ang haba ng comment ko nawala ang connection pag send waaaaaa
uhaaaaaa ang haba ng post ko nawala huhuhu waaa kainis lol.
satin naman kasi di uso yung mga iniiwan yung bata magsolo matulog sa kwarto, ang kuna satin e tutulugan o lalaruan ng bata pero hayan at my nakabantay di gaya nung mga puti at mayayaman satin na nakahiwalay ng tulugan ang mga sanggol,no pwede yan sa kulturang pinoy lalo pa ngat wala namang kwarto ang bahay jejeje.
naalala ko tuloy yung
duyan na kinabit sa ilalim ng puno na bukod sa higad e pinapak pako ng mga hantik.
doble kasi ang entry ko kasi hindi ko maedit. pagpunta ko sa edit, nawawala yong texts. ewan ko kung anong problema.
gumawa ako ng bagong entry tapos hindi rin maedit.
tama ka kahit sa crib natutulog ang bata, kasama pa rin sa kuwarto.
Post a Comment