Update para sa tanong ni Lee. Ito siya ngayon.
Ito siya noon;
hay guwapo nga.
Akala ko Japanese si Mark Dacascos, ang America's Iron Chef at naging kasali sa Dancing with the Stars. Actor siya noon at palagi siyang lumalabas sa mga may kung fu. Yon palka tatay niya ay taga Hawaii na anak ng Filipino.
Ito ang balita.
LOS ANGELES—There was no lumpia, the favorite Filipino food of “Iron Chef America” host, actor and martial artist Mark Dacascos, but there were plenty of goodwill, philanthropy and gourmet grub in the recent “Dining With the Chefs” benefit event held in LA.
Filipino-American Mark, recently seen in ABC Network’s “Dancing With the Stars,” and his wife, actress Julie Condra Dacascos, headed the guest list in the fundraising dinner for the Ayala Foundation (AF) USA’s laudable projects, especially toward helping underprivileged children in the Philippines. Edwin and Leilani Raquel and their daughters graciously opened their majestic Hancock Park mansion, where “America’s sweetheart” and actress Mary Pickford lived circa 1918, to guests who came from all parts of the US.
Pinaysaamerika
12 comments:
eeeeeeek chef na pala si dacascos?
naku mam yes, fil-am sya at peborit ko yan nung araw, cute yang si dacascos at magaling sa martial arts.
kasi naman mukha talaga syang my pagka japanese at yung mga ginagampanan nyang role e may pagka japanese aka ninja aka kungfu.
like na like ko yang si dacascos lalo na nung kabataan nya,gustong gusto ko yung mata nya, parang my mystery... ewan na lang kung anung chura nya ngayon dahil matagal na syang di nalabas sa movie e.
naalala ko na yung isang movie nya na gustong gusto ko para sa kanya yung leading lady nya na yun din ang napangasawa nya,yung crying freeman.
ang mother side yata niya ang may Japanese blood at kamag-anak niya yong Chairman ng original iron chef ng Japan.
Maganda rin ang mata noon.
ang naalala kong pelikula niya ay yong kalaban niya si jet li. eh siyempre paborito ko si jet li at kontrabida siya. kaya gustong gusto ko nang natalo siya.
pumapalakpak pa yata ako. toink.
ayan ang picture niya idinagdag ko. ang guwapo nga. mas guwapo kay jet li.
naku mam wala pa yang chura nyang yan,kung sa screen mo sya nakita haaaay nakakahimatay,di sya gwapo sa mga picture na yan,
tingin palang para ka ng malulusaw,toink!
si jet li naman gustong gusto ko rin yan,ayaw ko naman kay jacky chan.
maganda nga ang mata parang nagsusumamo.
sabi nga ng aking kaibigan, makalaglag bra. at thoink.hehehe
hanapin ko nga yong Crying Freeman.
maganda rin siyang sumayaw kaya lang nawala yong partner niya nong huli tapos yong nakapartner naman niya hindi magaling.
kainis.
pag seryosong labanan, gusto ko si jet li. pag comey, gusto ko si jackie chan. hanubayan, lahat kungfu movies ang pinanono ko.
hahaha ako kasi di mahilig sa mga palabas na drama at iyakan, anu sila hilo?magbabayad ako para lang umiyak?kaya nga ako manonood e para maentertain,kaya kung gaya ko lahat ng manonood e malulugi mga dramang wala ng ginawa kundi magiyakan.
si jet li mas magaling gumanap ng kontrabida kesa bida diba?lalo na yung bidang kontrabida.
satin naman wala akong gusto s mga action star,nung araw lab na lab ko si chiquito kahit pa sabihin nilang corny tuwang tuwa ako sa kanya,diko type si dolphy kahit nun pa di ako natatawa sa kanya,wala silang ginawa kundi magpukpukan ng ulo at pitikin yung ilong ni panchito,yun ang pampatawa nila,kaya nung mamatay si ading fernando e wala na si dolphy,si ading kasi ang utak ng pagiging comedian ni dolphy,para sakin hes not born a comedian,kaya ako corny e kasi nagmana ako kay chiquito hahaha.
nakakatawa nga kasi yung iba sabi,my nanonood daw ba ng pelikula ni chiquito e napaka corny,oo kako,ako hahaha
bukod sa idol ko yan e lab ko yang si papang.
teka, nawala nanaman ako sa topic.
ayaw ko rin si dolphy.patay na si chiquito di ba. paborito siya ng mother ko kasi yong anak niya napangasawa ng anak ng kaibigan niya.
Masipag daw si Chiquito sabi ng anak, well provided sila at maraming naipon para sa kanila. Tapos din sila sa pag-aaral. hindi kagaya ng nga anak ni dolphy na forever niyang sustentado.
gustong kontrabida si jet li sa lethal weapon.
meron din siyang pelikula na kapartner niya yong apo ni Henry Fonda.
dating hagad ng manila yang si chiquito diba? maraming nagmamahal dyan di lang dahil sa pagiging comedian nya kundi magaling makisama at mabait na talaga,matino mga anak, si portia mabait din sabi.
kasi in real life tama ka good provider sya at di gaya ni dolphy na panay lang pagkakalat ng mga anak,pag nakamatayan nya magiging kawawa kasi nagsitandang sa kanya pa rin umaasa, malaki din talaga ang nagagawa nung pagiging good role model sa publiko.
marami siyang "raket". hinete rin daw siya at naging vice -mayor ng makati.
naalala ko mother ko noon na gustong gusto niya ang dimple ni chiquito.
oo nga pala, naging vice din nga pala si papang.
tuwang tuwa ako sa kanya nung bata pako yung palabas nyang cowboy sya tapos saka lalakad ng pabalagbag hahaha.
ewan ko ba,tawang tawa sila kay dolphy pero di ako matawa sa mga patawa nya e.
kaya lang sko nanonood ng john & marsha kasi idol ko si maria nuon pa,kaya nga lahat ng style ng buhok nya ginagaya ko.
Post a Comment