Advertisement

Monday, November 23, 2009

Pink Eyes

Dear insansapinas,


Hindi na ako mukhang bampira na kulang na lang ang mga pangil at ako ay tutusukin na ni Buffy, the Vampire Slayer ng kanyang kahoy na panusok. Hindi na masyadong mapula ang aking mata. Pero napunta pa rin ako sa doctor. Pareho lang naman ang sinabi na virus ang lumanding sa mata ko dahil daw baka gumagamit ako ng face towel ng iba (rolleyes left to right and right to left), o kaya nakikipagshake hands ako tapos kinakamot ko mata ko. (Nasaan ba ang magazine diyan at masampal itong aking doctor. HINDI AKO GUMAGAMIT NG FACE TOWEL ANOH. Lampin ang ginagamit ko. beh. Magaspang ang face towel. Hindi rin ako gumagamit ng sabon sa mukha ko dahil nakakadry ng skin. Kaya pinagmamalaki kong wala pa akong wrinkles sa mukha o laugh lines sa may mata. HUWAG LANG NINYONG TITINGNAN ANG BATOK KO. bwahahahah.


Turo yan ni Boots Anson Roa noong minsan naging speaker namin siya sa aming symposium tungkol sa Skin Care at Personality Development. Tingnan mo nadevelop ang personality ko. Dami kong masel. hohoho.


Hindi rin ako nakikikamay. Ano ako pulitiko. Pag bumati ako tango lang.


Ngayong hapon sa eye clinic, yong isang matandang lalaki, nagwave sa akin.Hindi ako tumango. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan at hinanap ko ang kaniyang binabati. Wala naman akong katabi. Ah ako pala. Siguro malabo din ang mata niya kaya napagkamalan siguro  akong kakilala niya.

Pinababalik ako next week pero nagdecline ako. Sumusobra na sila. Kahapon nga kahit malanbo ang mata ko natapos ko yong SWimsuit ni James Patterson at ang Confession number 8 sa Women Murder Club.


INGGit ka LEE? hahahaha


Gusto ko yong murder Club kasi ang lugar noon sa San Francisco kaya alam ko ang mga kalye at lugar. Saka maraming kasing kaso, tig-iisa sila although iba-iba ang profession nila.


Yon namang Swimsuit, parang may naipalabas na sa Law and Order. hindi mismong ganon pero ang mga perverts ay tuwang-tuwang  nanood ng murder sa website. Ayokong ikuwento, sampalin pa ako ni Lee pero siguro kung di ko napanood ang Law and Order hindi ako mapaniwalang may pervert na mga tao na nasisiyahan makakita ng pinapatay. Ngiii.


Nag-iisa pa naman ako sa bahay yesterday kasi may pinuntahan ang kapatid ko.pikit na pikit yong mata ko dahil di ko mabasa yong mga letra. Buti na lang iyong isang libro, Large Print. Yon bang sa mga katulad ko na ang tingin sa squirrel ay pusa. miyaw.



Pinaysaamerika

10 comments:

Lee said...

tawa ko ng tawa dun sa pinakahuling picture hahaahaha kawawa naman tinukluban ng paper cup ba yun?
naku mam, alam mo nmang matagal na kong atat na atat sa mga librong nasa kamay mo ngayon (inggit, tulo laway).
ganun pala story nun (nyahahaha) marami nako napanood na ganyan,yung mga pervert na nanonood ng naka video na nire rape yung batang babae tapos hanghang unti unting pinapatay
pinapakita in details,
nung araw kaya pa yan ng dibdib ko panoorin,pero
ngayon ewan ko kung kaya ko pa hahaha,kasi si mader nun ganyan din,masyadong daring yung
mga binabasa at pinapanood nya pero nung umedad na ng gaya ko
dina raw kaya ng dibdib nya.
sa SF nga yang womens murder club na yan,ang maganda natira ka dun kaya alam mo yung mga lugar.
may my dvd series dito ng murder club pero ayokong panoorin,mas gusto ko binabasa.

Lee said...

eto nga,kanina pa kami umaga sa doktor,grabe kahaba ng pilahan.
blood test, xray, buti nalang e dito 15min mo lang hihintayin yung result, from examinan e lalabas na dun sa computer nung doktor yung lahat ng result at pag niresetahan ka computerized din lalabas na dun sa pinaka botika ng hospital
swipe nalang ng swipe ng card,
ang matindi dito yung dami ng tao,kawawa ang mga doktor dina makahinga,they have to treat atleast 500 patients per day?????
my betcha by goliwow, dapat daw e mga 200-300 patients lang per doctor per day kaso sa dami ng pasyente ala silang choice,
pano kung mahkamali kakamadali?

cathy said...

kukunii rin ang doctor dito. kaya naman pagnagpappointment ka, buwan ang hihintayin mo. pag emergency kasi sa ospital ka na dadalhin.tatanggapin kanila at saka ka na lang sisingilin.

ang mga blood test dito, mga phlebotomist lang ang kumukuha, ang inagiinterpret med tech.

di ba sa atin din, ang daming pasyente sa government hospitals.

nagtrabaho sa PGH ang kapatid ko at grabe ang pasyente raw.

cathy said...

ang nasa istorya mga super rich ang nagbabayad. walang magawa.

yon namang sa law and order mga subscibers din.

noong nabasa ko ang women murder club (ginawang series ito, hindi tumagal, yong dating ADA sa law and Order and gumaganap din na Prosecutor). at nababasa ko yong mga polie chase, yong Tenderloin district at yong mission at market streets, bigla akong natakot.

pag gabi nakakatakot doong maglakad. daming mga drug pusher at mga hookers.

minsan palipat ako ng kalye doon naman sa malapit sa civic union, yon ang lugar ng mga government buildings, may dumaang humahagibis na kotse. may lalaking nakadungaw sa bintana. nanood pa ako.

mamaya may sunod na wang wang.
pagdating ko sa bahay, may news na may hostage taking. sus ginoo, huminto pala yong kotse at nangharbat ng hostage.

nakatanga pa ako.

Lee said...

ngeeee, yun ang nakakakot, kaya nga nuong my job offr ako sa NY,si mader e umaayaw na umiiling pa,kasi naman yung mga napapanood nya sa tv,sine at nababasa sa mga pocketbook nya na kahit na nga sabihing kahit saang bansa at lugar e dilikado,mas gusto parin nya ko stay asia,mas nakakatakot daw mga tao sa US hahaha

Lee said...

naku mam,dito wala ng apo apointment, sugod nalang ng sugod sa hospital, public o private ganun dito.
sa PGH suki dyan si mader,bilib sya sa mga batang doktor dyan, pero diko kaya grabe dami ng tao,pila at kung anu anu pang sikut sikot, dun sa OB ko, masundan mo lang sched nya kahit walang apointment ok lang,kahit times up na sya pag mga suking pasyente nya kahit sa canteen nagreresetahan kami hahaha,
at kahit san sya pumunta sinusundan ko,kaso e habang tumatagal e paganda ng paganda at pamahal ng pamahal yung hosp na pinagki clinican nya hahaha.

cathy said...

magaling nga ang mga nasa PGH pero haba ng waiting list para sa surgery.
minsan may in-law ako na nagpatulong paoperahan ang kaniyang anak...clef palate. nasa saudi ang bayaw ko.

lumabas sa maynila ang asawa at biyenan niya. inirefer ko sa kapatid ko noon sa pgh. nurse siya pero marami siyang kakilala na mga doctor.

naoperahan ang aking pamangkin. dumating ang aking bayaw. minura ako. bakit naman ang laki ng nagastos sa operasyon eh sa pgh lang naman. PGH lang naman niya eh kailangan ang contact mo roon ay parang tanikalang mahaba at mabigat para di ka maghintay.

wla ni isang kusing na ginastos sila. yon pala, pinagshopping ng kaniyang asawa at biyenan noong malamang libre nga ang operasyon pati ang mga naabor ng kapatid kong dree samples na gamot.

cathy said...

yong una komg father-in-law na nag-aalaga ng aking first born habang nag-aara; ako ay pinaoperahan ko rin sa glaucoma. isa sa mga professor ko ay eye doctor kaya libre ang operasyon.

cathy said...

ang mga nasa US naman takot sa Asia. jajaja

yong ex-hubby noong marinig yong patayan samindanao, akala niya dito. sabi ko sa tenderloin district at sa ghetto sa ny ganoon din kadangerous.

saka sabi ko malayo naman yon. isang parte lang yon sa pinas.

Lee said...

mas takot ako sa pinas kesa dito mam, ewan ko ba, feeling ko mas safe ako dito,kung may maayos nga alng na skul ng bata dito e dto nalang muna sila para kasama kot di ako palagi nagaalala,kaso wala e, panay panay panalangin nalang.