Advertisement
Sunday, November 15, 2009
CRY
Dear insansapinas,
Last Saturday while waiting for my prescription refills, I bought Christmas songs in CDs and DVDs of Andy Williams, Johnny Mathis, Bing Crosby, Frank Sinatra and Jackson 5, Nat King Cole at iba pang artists.
Una kong narinig ang mga ito doon sa collections ng eldest kapatid ko na mga Long Playing Records na pinatutugtog namin pag Pasko.
Pagdating ko sa US, nagstart akong magcollect naman ng nasa tapes at Cds. Naiwan ko lahat sa Sanfo.
Kaya bumili ako ng bagong mga collections kahit nangako na ako sa sarili na hindi na ako mangongolekta ng kahit ano kung hindi pera na lang. ehek.
Nagustuhan ko yong kay Andy Williams kasi may fireplace siyang background sa screen kaya akala mo may maliit akong fireplace.Isa pa may isang taong malapit sa puso ko, siguro nasa aorta o right ventricle na kaboses ni Andy Williams. Pero nang magkasakit ako sa puso, sa atay at sa balunbalunan lumayo na siya. prrrsst. Totoo yan Ate Charo. promise.
Unang kanta hindi pa tumulo ang luha ko. Ikalawang kanta, may isang luhang pumatak. Aba mamaya akala mo yong gripong nakalimutan kong isara sa bath tub kaya nang dumating ang kapatid ko pinakita na malabo na yong floor to ceiling naming glass wall sa terrace. nagmist na sa tagal ng daloy ng mainit na tubig sa bathroom.
Patuloy pa rin ang kanta. kahit sa Rodulf the red nosed reindeer, tulo pa rin ang luha ko. Dapat siguro huwag ko ng pakinggan kasi tahimik na ang aking puso( dinagdagan na ng dosage ang prescription refills ko). Naiiyak lang ako pag naririnig ko ang mga kantang nagpapaalala ng holidays na kasama mo ang mga mahal at naging mahal sa buhay.
Natapos ang mga kanta. Natapos din ang pagbalat ko ng sibuyas at paghiwa.(palusot pa, nirolleyes ang sarili. tseh). Magluluto ako ng bistek.
Prrrsst. Paper towel nga,
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
nyahahahahahaha.
kanina lang smile yung nakapost, ngayon naman cry hahaha.
naku mam, sabi nila pag napapaiyak ka ng sibuyas ay madali ka raw mapaiyak ng biyenan,
kaya nga nung magasawa ko e siniguro kong wala akong byenan dahil kung meron,ora mismo, hiwalay ang puti sa de color.
yung father ko daw sabi ni mader walang biro ka boses ni andy william, kaya yung brother ko ang nagmana sa kanya,yun ang andy william namin bukod sa gwapong talaga kaya habulin(ng mga maniningil ng 5-6) at si mader naman e mala carpenter ang boses(yung dating kapitbahay naming karpintero) so, since ala carpenter ang boses nya, sa kanya ako nagmana (mason naman)ng boses.
haaay,magpapasko na
pala e dito wala manlang ka spi spirit ng xmas, meron
din naman pero purely bisnes baga at pagsunod nalang sa trend,para mabenta yung mga kung anik anik na pang dekorasyon sa xmas.
lee,
kasi after three years ngayon lang ulit ako nakikinig ng music lalo sa Christmas.
Akala ko kaya ko na na hindi mageemote, emote queen pa rin pala ako. heheheh
kaya lang sabi nga sa monk. happiness is a choice. magiging happy ka if you chose to by moving on.
kaya tulak ako ng tulak ng vacuum cleaner kahit may robot kaming naglilinis. toink.
kaboses talaga niya si andy williams, kung minsan naman at si perry como.
ako kaboses ko si nora aunor daw, pag nawawala sa tuno. brahahaha
hahaha kala ko kaboses mo si nora pag naiyak at nagmamaktol hahaha.
naku mam,sa father side lahat sila magaganda ang boses at nagsisikanta,infact yung mga sister ng father ko ang mga trabaho e singer sa mga 5star hotel daw nung araw sa pinas nung wala pa sila sa states pati byenan ni mader at mga painters,mga artists sila talaga.
ako di mataas ang boses ko,di ko kaya yang mga birit birit na yan,nung araw kumanta lang ako for the sake of barya susme, kaya
never na never ko ginawang profession yang
pagkanta at wala e gutom,lalo
pa nung araw na di naman appreciated satin ang mga jazz e yun ang linya ko e,
so pag jazzer ka puro mga lolat lolo na ilan ilan lang ang nanonood kaya habang kumakanta ako panay panay din ang hikab ko hahaha,e sa ngayon medyo appreciated na satin yung jazz,yung iba type nila talaga at yung iba naman kunyari type
din nila para lang masabing sosi sila.
nuon pag 300-500php a night ka consider na wow sikatchupoy kana,kasi nun ang kita per night nung mga kumakanta sa mga pipit na bars/shakeys/fast foods ay from 85-150php a night lang at yung iba e libre na makakanta lang, teka naliligaw ako,wala na nga sa topic itong comment ko nagkakabukingan pa ng edad,suuuuus!lol
nakupu si perry como naman peyborit ni lola,grabe ganda din ng boses nyan, diba sya yung nag pastor?iniwan yung pagkanta?peyborit din ni lowla yung nalagutan ng litid habang kumakanta si patsy c.
"nung araw kumanta lang ako for the sake of barya susme, kaya
never na never ko ginawang profession yang
pagkanta at wala e gutom "
Ako din lee, pabarya-barya rin ang pagkanta ko. Yong nakapuwesto ba ako sa Quaipo, tapos may naghuhulog ng barya.
Doon sa SF, madali ring kumita ang mga ibang bum doon. maglalagay lang sila ng lata o kahon ng sapatos, magtsusuwariwap sa station ng tren o kaya doon sa Powell(sakayan ng street car ng mga tourist), one dollar pinakamaliit na nahuhulog.
Nang minsan ngang mawalan ako ng trabaho, naghahanap ako ng puwesto doon. HAHAHAHa.
"ako di mataas ang boses ko,di ko kaya yang mga birit birit na yan"
Ako hindi mataas ang boses ko. Pag hindi ko maabot, umaakyat ako sa second floor. pagnandiyan yong aking karoommate noon, stepladder, binibigay sa akin.
si hubby 2, magaling maggitara. Kaboses naman niya si "I-do-not-know_the name-of-the singer-dude.
"nuon pag 300-500php a night ka consider na wow sikatchupoy kana,kasi nun ang kita per night nung mga kumakanta sa mga pipit na bars/shakeys/fast foods ay from 85-150php a night lang at yung iba e libre na makakanta lang. "
ang eldest namin ang kumakanta at naggigitara. kaboses naman daw niya ay si johnny mathis. Hindi naman marinig kumanta sa bahay.
tinulungan niya noong makapasok singer yong pinsan ko na maganda. Mukhang bombay kahit walang dalang payong.
Nananalo yon sa mga singing contest sa probins. Ang mga prizes niya ay sardinas, shampoo at iba pa.
Mahiyain naman pero maganda boses. Magandang kunti sa boses ko.
Para siyang si Nora Aunor sa Himala. Walang Himala.
nakupu si perry como naman peyborit ni lola,grabe ganda din ng boses.
Actually, hindi ko siya kilala. walang nagintroduce sa akin kay perry como. Yon daw ang talagang kaboses ni "andy Williams" kasi naging fan yata siya ni Diomedes Maturan.
uhaaaaaaa ang haba na nung comment ko biglang nagluko ang connection huhuhu
binabalikan ko yung mga comment ko,nakakaasar, naaasar ako sa sarili kong comment, puro my hahaha e, wala nakong makitang comment ko na walang hahaha, para akong gaga.
tawa ko ng tawa e pati naman comment ko bakit kelangan pang merong hahaha kahit nga walang nakakatawa e puro my hahaha, o tamo ngayon my hahaha pa rin.
lee,
ako rin may hahahaha.
ibig sabihin talagang nakakatawa.
naalala ko na mam, di pala si perry como yung sinabi kong nagpastor, si Pat Boone pala, patay na patay din dun si lowla lalo na yung kanta nyang my kasamang sipol,love letters in the sand yata yun ewan, yun lang ang natandaan ko sa lyrics e
Naalala o na si Pat boone kasi may pinanonood akong music awards yata yon na nang lumabas siya ay naka leather siya at may mga studs.
Na criticized siya noon dahil lumabas siyang trying hard na gustomg magpabata.
ngek, ganun? alam ko e umalis sya sa pagiging singer nung araw para magpastor sa religion nila.
naku mam,kung ako tatanungin mo?
kahit pa si madam auring o kahit sinu pang matandang nag
pipilit magmurang kamias kahit na nga masakit sa mata
e natutuwa ako,kahit gusto kong pumikit nalang hahahahaha kasi they try to enjoy life,
at pinipilit nilang magmukhang bata means para sa kanila life ig good and worth pang mabuhay sa mundo,kaya ako.... nagmumurang kamias din hahahahaha
kanya naman pala hahaha
Post a Comment