Sanay kami ng kaibigan ko sa San Francisco na ang mga tao ay nagbabatian at nagnginigitian kahit di magkakilala pero di naman yong tipong kahit naglalakad nang mag-isa ay nakangiti. Siguro may naalalang katawa-tawa.
Mas mabuti naman yong kaysa sa commercial kung saan ang babaeng naglalakad ng slow motion ay nakangiti, ang mga mata ay parang nakatirik sa saya (para bang nag OOr...) eh shampoo lang naman ang kaniyang prinopromote.
Ngayong nasa ibang States na kami pareho, kailangan naming tanggapin na hindi kasing friendly ang mga tao sa inilipatan naming lugar. Kaya noong isang araw na may meeting sila sa ospital medyo nagtaka siya bakit nakangiti ang mga nakakasalubong niya. Kagaya nang mga ito.
5 comments:
ahahahahahahaha kaya naman pala,
buti sa sapatos lang nakabit at hindi sa my behind nya hahahahaha.
ang cu cute naman ng mga nasa pictures.
dito rin di pala ngiti ang mga tao pag nasalubong mo, pero ako palaging nangingiti, sa mga chura nila.
dito kasi walang pakelamanan lalo na sa pagdadamit.
natatawa kasi ko,ibat iba masasalubong mo, my mukhang sasagala,my mukhang aabay sa kasal, my mukgang magnininang, merong tulog naglalakad, my nangagtayo pa buhok at nakabakat pa ang unan, my bukaka nat di makalakad ng derecho sa taas ng sapatos, kaya dito dika mangungulot kasi palagi ka talagang tatawa di lang ngiti habang naglalakad.
meron kaming kasama nakakabit naman sa pantalon. hindi ako makatawa. boss eh. hikhikhik.
ganoon din dito sa States. pag magpapasko makita mo sila ang mga kwintas ay Christmas tree.
kaya noon pag pasok ko naman mayroon akong medyas na tumutugtog ng Christmas carol.
Yong kasamahan ko naman na si Andy williams, merong kurbata na may christmas lights.
kaya the ensxt Christmas, yong aking cap ay nilagyan ko rin. O di va, kahit madilim sa hallway, kita nila ako.
buhay pa pala yong medyas kong may Christmas carol. Suot ko last Christmas nang pumunta ako sa doctor ko. napindot yata yong button, tumugtog. mahina lang. yong isang bata, hinahanap kung nasaan yong sound.
ako rin nakihanap kasi nakalimutan ko na na may music yong aking medyas. bwahaha at matagal na yon. tibay noong inilagay na chip.
hahahaha natawa ko dun mam,medyas parang yung pambata na mga shoes.
marami nyan dito yung mga umiilaw ilaw pari shades pamparty haha.
Lee,
hindi pa yan. Meron akong christmas socks na may bell naman. Pag suot ko yon, naghahanap ang mga kaopisina ko ng asong sumusunod sa akin. hahahaha
Post a Comment