Ewan ko pero parang gusto kong ipukpok and ulo ko noong mabasa ko yong question kay Hillary Clinton kung palagay niya mananalo si Manny Pacquiao over Cotto.
Parang gusto kong akyatin ang Eiffel Tower at ipagsigawan, ANO BA ANG INEEXPECT MONG SAGOT? Alangan naman niyang sabihin si Cotto eh, nandito nga siya para ligawan tayo tungkol sa VFA. Tseeehhhhhhhhhhhhhhhhhh. (sabog pa ang iniinom kong rootbeer).
Ikalawang tanong ay kay Manny Pacquiao kung totoo bang may relasyon sila ni Krista Ranillo.
Parang gusto kong akyatin ang Mt. Mayon, kahit nanggagalit at baka sumabog para lang ipagsigawan,
ANO KAYO NABABALIW. Kung totoo man yon, aamin ba si Manny Pacquiao para may ebidensiya ng adultery?
Pag kinaila naman niya, masisira ang image niya na maraming babaeng humahabol sa kaniyang bulsa ehek...kaniya period.
Anyway, natuloy na ang appointment ko sa doctor. Tama ang hinala ko masyadong busy ang doctor. Tatlo sila doon sa eye clinidc, ibinigay ako sa isang associate. Harvard at Duke University graduate. Kaya naman pala ang bigat ding professional fee. Muntik na akong makuba sa bigat. Ang dami namang ginamit na equipment. Hindi kagaya ng previous eye doctor ko.
Pero Day, dami namang nagcheck sa akin at syempre huli yong doctor ko na may kasamang interns. Eh naglelecture siya habang ginawa niyang laboratory ang aking mata. Dapat siguro ako ang naningil. Pweh.
Kailangan daw akong operahan sa mata pero oobserbahan daw nila kung makukuha pa sa ibibigay nilang prescription. Masyado siguro akong nagtititig noon sa sunset dito sa amin. Kaya feeling ko ang daming doctor na nakaobserba sa akin dahil pati yong specialista kong Gasroenterologist, naghihintay pa rin kung magdedecide na akong maopera. Mga lintek na ito. Abala. Kahihiram ko pa naman ng nobela ni James Patterson, yong latest. Apat na libro, walang renewal. Makaumpisa mamaya pag nawala na yong gamot na ginamit sa mata ko. PASAWAY talaga.
Ito ang aking cheap na relos.
11 comments:
EEEEeeeeeeeeeeekkkkk
swimsuit.
mam sinadya mo yan noh, im sure sinadya mo yaaaaaaan hahahaha.
anu yung nasa ilalim? parang 8confession ba yun?
mam, nung umuwi kasi ako di ako nakapaglibot ng bookstore pero sabi that week daw available, e kaso that week pabalik nako dito at yung isang ang laki na book,yung 1st issue nya e iisa at ayaw pa ibenta sakin, at naka reserved na raw,ngeek!
di bale, mababasa ko din yan hahaha.
may sinasabi pa si james p. na bagong lalabas na book e diko pa na search kaya diko pa alam kung anu yun,
isa pang hinihintay ko na ma materialized e yung movie ni max, ewan kung kelan pa yun,tyak matatagalan pa yun,pero mukhang nagsisimula na dahil alam ko nag close na ng deal,pero mixed ang emotion ko e,baka pagdating sa movie ma disappoint lang ako,kasi malamang di sya lumabas na maganda kesa sa book,let see,pero papanoorin ko pa rin incase na lumabas.
naku mam,alam mo naman ang mg taga media,my maitanong lang e kung anu anu nalang,na very obvious naman kung anu ang isasagot nung tinanong nila.
talagang sinadya ko yan. oo nga confession nga yang nasa ilalim. 8, nabasa ko yong mula 1 to 7 eh. bwahahah.8
totoo yang hindi maganda pag sa pelikula kasi binabago nila. yong isang paborito ong author na si clive cussler na fine siya ng 20 million dahil nirekomenda niyang wag panoorin yong SAHARA na novel ni Dirk Pitt (yong hero niya)..
ang lintek, namamaga pa ang mata, para akong vampire, palagay ko allergy ako doon sa inilagay sa matako. pulang pula.
makahanap nga ng dugo. ngekngekngek
hahaha yan din ang problema ko mam, mata, kaya palagi akong my baob.
meron din akong pampatak na steroid pero kabilin bilinan ng doktor wag ko gawing habit, pag lang namaga ng husto, ewan,pag umuuwi ako dyan satin nagkakaganun ako,allergy daw, saan naman? sa hangin daw at alikabok, dyan kasi satin nagta tricycle/jeep/bus ako e,mahirap dyan mag drive mas madali pang mag commute nalang dahil sa superduper traffic,
dito naman bukod sa
di ako nagco commute e 2x a day ang dilig at escoba ng kalsada dito, kaya di maalikabok dito sa lugar ko.
sabi ko na nga bat sinadya mong ipost yang swimsuit e, atat na atat na nga akong mabasa yan.
nadala ako dun kay sydney sheldon na story tapos ginawang movie, tapos diba yan ding kay james ginawa ding series yang bida nyang si lindsay? diko pinanood kasi sabi nung friend ko di raw maganda.
yung kiss the girl at yung along came the spider nya napanood ko rin si morgan freeman,di rin ganun kaganda.
umaasa lang na baka yung kay max e maganda kaso doubt pa rin ako kasi kung yun ang gagawing movie, dapat maganda ang mga effects
dahil dun sa story at dun sa mga adventures,atleast parang yung sa harry potter effect.(kala mo naman nanonood ng harry potter lol)
paano mo nalaman na talgang sinadya ko. meron ka na bang ESQ este ESP.
talaga ngang sinadya ko yan. Tuwang tuwa nga akon ng available na eh.
eto namamaga mata. palagay ko allergy ang nagpaworse. baka bumalik ako sa doctor. ngek.
meron akong napanoood na movies for TV ni Sidney, si jaclyn smitn, windmills of the gods. maganda naman kasi di ko pa binasa yong libro.
nandito na ako sa States nang mahilig ako sa pagbasa ng mga novels. paisa-isa pa.
sa Pinas kasi, walang time.
tapos nahook ako kay lawrence sanders, grisham, at maraming iba pa.
diko napanood yang kay jacklyn smith, my isa pa pala diko nagustuhan sa movie, yung if tomorrow comes, nalimutan ko na kung sinu yung actress dun.
yung kay bruce willis at kay jane march na movie diko malaman kung sa story din ni sydney kinuha kasi kamukha ng story,forget ko na yung title kasi napakatagal na nun,
si mader ang talagang adik sa mga novels pinipilit nya lang kami,saka di nya kami pinapayagang manood ng tagalog movies,kasama sya sa sinehan taga translate hahaha kaya dun kami palagi naupo sa malayo sa mga tao kasi baka mainis yung mga tao kaka translate nya,tyaga ni mader no?
na get ko lang na gusto mo kong inggitin at paglawayin,ako naman eto mamatay matay sa inggit hahahaha,basta patterson at sheldon asaha mo aabutin ako ng mgdamag dilat dahil di mabitiwan hangat di tapos yung novel.
si judith mcnaught ba yun? yun ang unang inintroduce sakin na book, kaya din ni danielle steel pero diko masyadong gusto ang love story na may pagka imposible,si mader di sya agree na magbasa kami ng love story nung mga bata pa kami kasi katwiran nya e ayaw nyang umikot ang utak namin sa fairy tale at ayaw nyang umikot ang aming mundo sa ganung ka unrealistic na love story,gusto nya kaming mamulat sa eto.. eto ang realidad ng buhay at di yang mga fairy tale love story na yan,kaya tuloy ayun,
puro kami gaya nya na pusong bato pagdating sa love, aruuuuy.
bawal samin ang martir, ang
umiiyak dahil sa lalakhe,
ang naghahabol sa lalakhe, ang magpapakawawa sa lalakhe, buti nalang di kami naging mga babaero hahaha.
if tomorrow comes, si madolyn osborne ang bida saka si tom berenger. magnanakaw siya at scammer. gustong gusto ko noong nilalabanan niya ng chess yong dalawang champion.
naku hindi ko gusto si danielle steele. taga SF yan at medyo supladita.
nabasa ko lahat ang libro ni sidney. ngayon naman kay patterson. si mary higgins clark pag wala akong mabasa.
si tuart woods, tapos ko na at si lawrence sanders.
si clive cussler ang tinatapos ko. pumunta alo sa thrift store at baka
may makita akong luma niyang libro. wala.
oo nga mga kawatan sila dun, gustong gusto ko yung bida nung araw kasi seksi dun sa kanyang attire pag yung babanat na sila ng pagnanakaw,yung fit na fit na black sa kanya, bata pako nun.
sikat e kaya my pagka supladita,kala ko nga nuong una ko makita o mabasa book ni sydney e babae sya kasi yung pangalan nya tapos e puro babae bida nya, yun pala lalake.
marami ring malungkot na buhay si danielle steel. ilan na ba ang napangasawa niya. tapos ang anak niya yata yong nagsuicide.
ang practice niya ay
'bingibili " raw ang parking space sa SF. pag may party siya. Mahirap kasi paking doon kahit ba pinakamalaki ang bahay mo.
PatriciaDV likes this post. :-) have a nice day!
thank you patricia.
Post a Comment