Advertisement

Friday, November 20, 2009

Autumn Leaves

Dear insansapinas,
Pumunta ako sa library kahapon. Ang daming dahon, iba-ibang kulay na nakakalat sa lawn. Sa amin sa dami ng puno, wala ka pang isang oras na "nagwalis" puno na naman ang damuhan, May malaking leaf blower na ginagamit ang maintenance department pero hindi pa rin kaya. Kahapon, may nasalubong akong lalaki na naglilinis ng kalye sa pamamagitan ng pagtusok ng mga tuyong dahon at papel sa kalsada. Pag ginawa niya yon, uugod-ugod na siya, hindi pa niya mauubos ang falling leaves.


Ito ay retratong kinuha ko noong 2006 sa Shenandoah Park.


isang dahon na lang ang natira. Parang naalala ko yong story ni O. Henry at ang kantang The Last Leaf ng Cascades:

The last leaf clings to the bough
Just one leaf, that's all there is now
And my last hope live with that lonely leaf, lonely leaf
With the last leaf that clings to the bough

Last summer beneath this tree
My love said she'd come to me
Before the leaves of autumn touched the ground, touched the ground
My love promised she's be homeward bound

Then one by one the leaves began to fall
And now that winter's come to call

The last leaf that clings to the bough
Just one leaf, that's all there is now
Will my last hope fall with that lonely leaf, lonely leaf
With the last leaf, the last leaf
With the last leaf that clings to the bough
Bough, bough, bough . . .


Nagtatanong siguro kayo kung bakit emo queen ako sa Last Leaf. Kasi nga noong nadiagnosed ako noong 2007  ng C, naalala ko ang Last leaf. Nahahalintulad ko ang buhay ko sa isang puno pag autumn. unti-unting nalalagas ang dahon. Ang sound pa ng pagbagsak sa walkway ay toink. Paper towel nga Lee. 


Pero bakit ba tayo malungkot, ito panoorin ninyo si Victor Borge at si Rober Merrill sa kantang Autumn Leaves.







Pinaysaamerika

9 comments:

Lee said...

PPpprrrrrrssssst(singa).
eto mam tigisa tayo ng kumot.

diko nakikita ang video nakakainis.

nakakalungkot naman mam, nadiagnosed ka pala ng C nung 2007?
mas earlier yung sakin nung madiagnosed ako,teen ako,parang ganun din L, sa dugo naman,yung anak ko nakakuha 10y/o sya nung madiagnosed kaya tuloy tuloy ang
eksamin at gamutan sa kanya till now, eto ako masamang damo talaga buhay pa lol.
yung kasabay kong nadiagnosed na mas malala pako, e mayaman sila,ayun matagal ng namayapa.

yung cascades mam gustong gusto ko yan,yoko naman ng beatles, teenager nako nyang magustuhan ko cascades,sayang nga lang at namatay silang lahat sa plane crash,di pa man sila nakadami ng kanta.
yung autumn leaves mam, yung version ni diana krall at eva cassidy ang gustong gusto ko,kung ibang version naman ang gusto mo, try mo rin yung kay patricia kaas,medyo sensual naman ang dating nung bruhang yun hahaha,pero gustong gusto ko yang kantang yan,si lowla naman e nat king cole.

cathy said...

di mo nabasa yong aking healing testimonial sa aking NWC.yong simula ng aking diagnosis at etc., operasyon...mga ;ab tests... pero hindi mo mababasa ang tulang huling paalam na ang piyano ay pinamamana ko ...blah blah blah.
http://blog.cathcath.com/my-healing-testimonial

kaya ako under observation ng specialista hanggang ngayon. ppprst ayaw kong pag-usapan.

paborito ko cascades pero di ko alam na namatay sila lahat.

si nat king cole ang paborito ng kapatid kaya siguro impluensiya rin ako.

Lee said...

heheh di nga, mabasa later baka may maipamana sakin kahit na kumot man lang.
yung sakin kasi ng malaman ni mader yung findings, bukod sa tadtad ako ng gamot e pinurga ako ng dahon at bunga ng ampalaya at talbos n, kamote na pula, kaya till now e my phobia ako sa ampalayang yan,kaya yung anak ko diko mapilit kumain ng ampalaya,magpapakamatay pero di kakain ng ampalaya.
twing uwi ko e nagpapa blood count parin naman akot umaabot pa rin sa di balanse yung blood count ko, kelangan ko yatang lumabas sa gabit mag ala drakula muna.
hayku, ayoko na ngang alalahanin hahahaha at nakakalungkot lang kasi malayo ako sa kanila,
e ayaw na ayaw ko
pa namang usapan yung malungkot at nalulungkot ako sa
malulungkot na kwentong nakakalungkot ang lungkot,ang lungkot pa naman netong kantang pinapakinggan ko,try
mo mam pakinggan at lalo kang maiiyak, yung napakalungkot na kanta ni amy mcdonald, yung "this is the life" at saka yung kay kt tunsdall yung "black horse and a cherry tree" try mo mam,aguuuuy aguy huhuhu..
paki abot nga po ulit yung kumot.

cathy said...

ang tea ko ay made from ampalaya.
pero hindi ko pwedeng kumain ng ampalya, nakakaapekto sa aking sakit sa intestines.waaah.


ayoko nang malungkot, lee. kaya nga kahit na masakit ang pakiramdam ko nagpapatawa pa rin ako kahit walang tumawa.

Lee said...

sinung my sabing walang natatatwa? lakas nga ng sense of humour mo mam, kaya nga eto tambayan ko e, dito nakakataw ako ng husto, tingnan mo lahat ng comment ko napansing ko puro my hahaha, hahaha.
mam,wag na tayong malungkot,
life is too short talaga,ang mahalaga e umalis man tayo,meron tayong bitbit ng listahan ng mga nagawa dito sa lupa
pagharap na tin sa lumikha,
i still believe na di naman nya tayo kukunin kung alam nyang dipa tayo ready,kaya nga
ayoko pang magpakabait e hahahaha.
kaw kasi e nagpakabait ka kagad,wag muna,samahan
mo muna ko sa pagtawa,ayoko
din isipin yung malungkot at yung mawawala na kasi bata pa yung anak ko pero kung yun na ba talaga ang kagustuhan nya diba?
peram nga ng kumot mam,
yoko ng ganito waaaaa,
gusto ko masaya.
o ano mam,napakinggan mo ba yung 2 kantang sinabi ko sayo?ok yun, pang meditation....
bastat dito lang tayo hanggang kaya pa nating tumawa,wag
kang mawawala at wala na kong katawanan....cheers!

cathy said...

thanks lee,
akala ko noon ako ang bron humorist, kaw pala. kita mong yong mga entries mo sa iyong blog. paborit ko talaga si ka juling. hahaha

Twilight Zone said...

nahawa lang ako mam, ang talagang born humorist sa family namin e yung aking mader,pero iba ang pagka humorist nya, parang ikaw, simple bumanat pero nakakatawa,yun bang di trying hard at wala syang intensyon na magpatawa pero nakakatawa pag nagbitiw ng salita.
yun yung taong may sense of humor at mga humorist with class,madalas akong masabihang trying hard (pilit)na humorist hahaha, ako yung humorist na tinatawag na making fool of myself just to become looks funny jejeje.

naku mam,si aling juling buhay pa rin,hanggang sa nabwisit nalang yung sister ko (at yung mga kapitbahay)dyan sa sobrang pagka....makapal hahaha

cathy said...

alam mo rin kaming kamag-anak na ganiyan.

dahil magkakapitbahay lang kami doon, hindi nanghihingi ng kanin o ulam, pinadadala ang mga anak niya sa bahay lalo pag oras ng kainan. o di va.

lalo naman yong mga kapitbahay pag may handaan. tulong sila. pero huwag ka panay pauwi ng karne sa bahay nila. hanngang yong luto na.

kaya noong minsang may handaan sa amin, hindi ako bumaba para kumain. innisip ko kasi may matitira.
Walang natira. Ginawa ng pinsan ko pumunta kami sa kapitbahay, nandoon ang pagkain samantalng kami nagtiis sa sardinas na niluto sa isang baldeng tubig para may sabaw. waaah.

cathy said...

sa dami ng tubig na nilagay sa isang lata ng sardinas, parang libag na lang ang nanddon at yong sabaw pwede ka pang magswimming na may salbabida sa kawa. ilan ba namang pamilya yong nandoon sa bahay.