Advertisement

Saturday, November 21, 2009

Facebook ng Facebook kasi

 Dear insansapinas, 


Nabawi ang benefits ng isang  babaeng Canadian dahil sa retratong ipinaskel niya sa kaniyang Facebook. Retrato ito na kinuha nya habang nagsasaya sa Chippendales bar. HANEP.

Ang kaniyang sakit?  depression. Oo insan, may mga insurance na babayaran ka habang ikaw ay nagbabaksyon dahil ikaw ay malungkot o tipong feeling mo ay  pinagsakluban ka ng langit, na walang nagmamahal saiyo.o kaya ay naiiyak ka nang walang dahilan. O eto ang kumot. Prrrst.


Dito sa 'merika, marami ang mga nagpafile ng ganiyan lalo na iyong mga sakit sakit sa likod, sa buto na sinasabi nilang nakuha sa trabaho.


Pag maswerte ka, taon din ang bibilanging mong tatanggap ng leave benefits kagaya ni octomom, yong nanay na hanggang ngayon pinagkakitaan abg pagkakaroon ng octuplet. Bago siya nagpabuntis, nakadisability benefit din siya.


Yong asawa ng kapatid na kaibigan ko ay nakadisability benefit din dahil masakit daw ang likod. Taon din siyang walang ginawa sa bahay kung hindi magencash ng tseke. Nalaman na hindi naman pala doon sa kumpanya nakuha ang "sakit sa likod daw" kaya purnada ang benefit niya. Hanggang ngayon ayaw magtrabaho. maysakit pa rin sa buto. Butogan. ahek.


May kuwento rin sa office namin noon na isang empleyado ang tumatanggap ng disability benefit dahil din sa sakit sa likod. Ang hindi niya alam, chinichek pala sila every now and then. Huli siya, nagbobowling. Sus ginoo. Naretrato tuloy siya.


Ang mga tao nga naman pag makakalusot. lulusot.


photofwded.


Pinaysaamerika





.

5 comments:

Lee said...

hahahahaha nakupu minalas tuloy.
nauso pa kasi yang facebook na yan e nabulilyaso tuloy.
kung bakit naman kasi pati uyng mga ganung picutres e lalagay pa sa facebook yan tuloy.
mam,buti nga dyan e sumakit lang ang likod pwede ng mag file ng leave,dito mamamatay ka na e diskumpyado sa sayo kung talagang mamamatay ka na nga hahaha.
ako mam palagi
sakin ng likod ko,kakaupo at kakainternet hahaha.

Twilight Zone said...

nung araw ang hihilig magpakodakan tapos sasabihin "ay dito kodakan moko pang friendster"
ngayon "huuuy bilis dito naman mo ko kodakan, pang facebook"

buti nalang yung mga pictures sa facebook ko e yung time na naka exile ako dun sa bundok, habang kausap ko yung laptop ko na walang connection tapos,bukod dun ang libangan ko e mangolekta ng ung anu anung klase ng gagamba,e pag yun ang nakita na picture ng boss ko e baka sa sobrang awa sakin e bigla akong bigyan ng increase kahit dipa ko humihingi nyahaha.

cathy said...

lee,
ganiyan din ang kaopisina ko noon, kae-ebay at stock market nagkaroon daw ng back pain.

akala niya mabibigyan siya ng disability, binigyan lang siya ng ergonomic na upuan.

cathy said...

hindi kasi ako nagpifacebook kaya ganoon akong makahirit.

pero siguro naman pag kaniyang may itinatago sila, huwag ilalagay sa facebook. di ba minsan may isang babae na inilagay niya na magsex siya the previous night. hohoho

Lee said...

nge, pati ba naman yung ilalagay pa sa facebook?hahahaha dapat my limitasyon din,bakit naman nila ibubuyangyang lahat sa facebook para makita ng tao lahat ng activities nila?maliban nalang kung mga kulang sa pansin at ang gusto talaga e atensyon.