Advertisement

Saturday, September 04, 2010

The Visit

Dear insansapinas,
 photocredit: MSNBC
May mga nagbabasa na naiinis sa aking opinyon sa pulitika. Hindi naman pulitika ang aking binibira kung hindi ang incompetence ng mga tao. Wala naman akong political affiliation pero yong nga fanatic yellow talagang di ka tatantanan, kahit wala namang masyadong pang aalipusta sa aking blog. Ni hindi nga ako nagsasabing TOLD YOU sa.


Ang ayaw ko lang ay pag hindi na sila makaatake saiyo sa opinion mo ay pepersonalin ka. Ayaw ko sa lahat ang mapapatutsadahan ako sa aking pagka "X-Men" dahil hindi ko ginamit yan sa pagkamal ng limpak-limpak na salapi kagaya ng iba. Magsuot lang ako ng kumut sa ulo at ng mga burloloy, mahina ang 2,000 bawat konsulta na tinanggihan ko noon sa mga inirefer sa aking mga society matron na ang gusto lang naman malaman ay kung may kabit ang kanilang asawa. Pag sinabi mong meron, aha, Linggo, Linggo yan ay makikipag-appointment saiyo. Ginamit ko ang aking pagka Xmen sa pagbigay ng hope at sa pagbibigay ng advice, gratis.


Di ba ang mga manghuhula sa atin ay puno ang kalendaryo ng tatlong buwan  dahil lang sa mga problema sa pag-ibig at trabaho?



Lahat ng lahi, naniniwala sa paranormal. Sa Pakistan noon, mismo yong host ko ang nakikiusap na kausapin ko yong multo. Eh hindi naman ako marunong ng URDU anoh. Huwag mong isnabin educated siya sa England kaya ang accent niya ay cute.


Sabi naman ng kaibigan ko bakit ko raw pinapatulan ang mga taong pikon. Oo nga naman, pero lately kasi depressed ako. Masama ang pakiramdam ko at ang doctor ko ay tinanggihan na ako. So hanap na naman ako ng ibang doctor na specialista.


Eh ang tagal ng appointment. Dami kasing nakapila. 


Nang mga araw pa namang nakalipas, pagkatapos na lumipat at lumipad ang plastic container ng tubig, tuwing papasok ako sa banyo, nanlalaki ang aking ulo. Ngiii.


Tapos habang nakaupo ako sa trono, may "bisita" akomg dumating. Ito ang aming conversation:


Me: Ngiii, bakit ka nandito sa banyo? Hindi naman ako nagpapainterview ah. (hihihih) 
Visitor: Huwag kang mag-alala, hindi naman nakikita lahat ang katawan ninyo pag kami ay nakikipag-usap.Parang kami rin, hindi naman ninyo kami makikitang buo. Kung hindi di magiging voyeur ang mga ispiritu dahil kung gusto nilang makita ang mga hubad na tao, madali nilang makita.


Me: Sandali, bago ako patuloy na makikipag-usap saiyo at hindi lang  dahil medyo may temp ako, bigyan mo ako ng sign na ikaw nga.
Visitor: tumingin ka sa kaliwa. 
me: Oh ayan nakatingin na ako.
Visitor : ano ang una mong nakitang letra.
me: E
Visitor: Ano ang unang letra ng pangalan ko.
me: E. uhmm, gets ko na. pero huwag mong sabihing ako ang misyon mo ngayon. Akala ko ba ang misyon mo ay yong mga kagaya mo ang pagkakamali sa buhay at gusto mo silang bigyan ng advice. Bakit malapit na ba? Marami na naman akong nararamdaman eh. Siguro kailangan talagang ituloy ko na ang operasyon.


Visitor: Pumunta ako rito as a friend. Alam mo naman ang ating Blood compact.


Me: Takot ko nga. Isa may phobia ako sa ospital. Ikalawa, yong nangyari sa akin noong 2007 na panay tusok ang katawan ko at panay ang aking bisita sa Nuclear dept ng ospital, nakakatrauma lalo pag nag-iisa ka.
Visitor: kaya nga nandito ako para bigyan ka ng suporta.Alam kong tahimik ka lang at di mo sinasabi sa iba ang iyong mga fears pero sabi ko nga it's alright.


me: Okay , thanks ha.Noong 2007, ikaw rin ang nangsabi noon na masama akong damo. kung minsan naman kasi kahit masamang damo, inispray rin ng insecticide.

O sige na ako ay tapos na. Bakit naman kasi di pa naghintay sa labas eh.


visitor: Sa labas kasi kung hindi ka nanood ng TV, nagbabasa ka ng libro o kaya nasa computer. Kahit na ibagsak ko lahat di mo pansin. Akala mo dala lang ng hangin. Anong hangin ang iniisip mo ay nakaairconditioned ka naman sa buong bahay.


Me: Naku pinagalitan pa ako.




Pinaysaamerika

No comments: