Advertisement
Monday, September 27, 2010
Squatter Pala Kami
Dear insansapinas,
Pag-ahon namin mula sa bundok ng Mt. Mayon para lumipat sa Menila, lumipat kami sa Paco mula sa Tondo.
Nalipat ng trabaho ang aking pader kaya naghanap siya ng matitirhan namin. May kaibigan siya na inoffer ang kanilang bahay. Dalawang storey ito, gawa sa semento at kahoy. Pareho ng mga ibang bahay doon. Kapitbahay namin may piano pa. Isang araw sabi ng aking mother, lilipat daw kami sa Pandacan naman (kaya siguro pandak ako). Kasi daw pinaalis na ang mga nakatira roon. Hindi ko pa naiintindihan ang tungkol sa mga squatters.
Nang tinanong ako ng aking teacher bakit ako late nang unang araw pagkatapos naming lumipat sinabi ko na malayo na kasi ang bahay namin. Tanong naman ng aking kaklase, bakit daw kami umalis sa dati naming tinitirhan. Sabi ko gigibain na yata ang mga bahay doon. Sabi niya," Ah squatter kayo". Dahil ang paniniwala ko noon mga nasa slum lang ang squatters, sabi ko hindi kami squatter. Kasi isa hindi naman namin bahay yon. Ikalawa, malaki ang mga bahay doon at hindi mga barung-barong. Hindi ko alam na kahit pala isang building na malaki ay pwedeng squatter. Kagaya noong isang building sa Quezon City na itinayo sa dating estero.
Noong binili ng panganay kong kapatid ang lupa sa Tandang Sora, utos ng kapatid kong unang-unang naging overseas member ng family, ayaw ng aking mother. Ang layo raw. Walang sasakyan, walang ilaw sa kalye at malayo sa school , malayo sa trabaho niya sa Makati. Sabi ng kapatid ko, darating ang araw, ang lugar na yon ay mapupuno ng bahay. Ang Fairview noon ay kadawagan pa. Ngayong nagbalikbayan ako, masyado ng crowded. Hindi kagaya noon na tahimik at makikita mo lang mga bakod ng mga villages na naghilera sa Tandang Sora. Ngayon ay may mga iskwela na at mga commercial establishments.
Inilipat ang mga bata sa Claret at Holy Family, ang high school ay sa Philippine Science High School. Ang iba ay napilitang mag-enroll pa ring pumasok sa university belt kasi nagtatrabaho sila sa araw. Minsan nanood kami ng sine sa Manila, wala na kaming masakyan pag-uwi namin ng gabi kaya ang kapatid kong wala pang karapatang magdrive, ay napilitan kaming sunduin sa corner ng Commonwealth at Tandang Sora. Ang aking kapatid na nag-iintern sa Philippine General Hospital (nursing student siya sa UP) ay natuto nang matulog sa dyip na biyahe ng Taft at Commonwealth. Ginigising siya ng driver. Mahigit isang oras ang biyahe niya. Kaya ano ba yong reklamo na kasi daw it takes an hour para doon sa mga ililipat na squatters para makarating sa iskwela nila at trabaho nila?
Nang ako ay makapag-asawa at makabili ng sarili kong bahay sa Las Pinas, isa sa mga kaibigan ko ang bumili rin ng bahay. May kaya ang pamilya nila. Tapos ng Medicine ang kaniyang kapatid. Pero lumipat sa isang squatters' colony ang kaniyang mader. Sayang din daw ang lupa na pwede na nilang kamkamin pag ipinaglaban at manalo. Bumili ng jeep ang mother niya at nagtayo ng sari sari store sa squatters. Pag weekend, nandoon siya sa bahay ng kaniyang anak na tinulungan niya sa pagbili noon.
Mayroon din akong manicurist na pumupunta sa bahay. Minsan nag-beg off siya. Magtatayo raw sila sa bakanteng lote na sinabi sa kanila noong grupo ng mga tao na naghahakot ng mga squatters para sa election. Pero sabi ko may bahay naman sila. Sabi niya sayang din.
Nang nandito na ako sa States, may naging tenant ako na tumira sa isang relocation project ng mga squatters. Hindi sila kasama sa nirelocate noon. Nangungupahan daw lang siya sa mga bahay doon. Ang mga original families na inilipat doon ay bumalik na sa Maynila pagkatapos silang ilipat. Pinaupahan ang mga bahay doon.
Naalala ko sa librong binasa ko Imelda: Steel Butterfly, tinawag na Toilet King si Jolly Benitez, aide ni Mrs. Marcos sa Ministry of Human Settlements. Sa isang lugar sa Cavite, pinaglaanan ng kapirasong lupa na may provision para sa sanitation kaya may mga toilets na itinayo kaya tinawag itong Toilet Village. Hindi natapos ang village na yon dahil ang mga balak ngang ilipat ay bumabalik din sa Maynila dahil nandoon ang pinagkakakitaan nila.
Ngayon hanggang sa malayong parte ng Cavite, ang mga subdivision ay naglipana. Ang mga factories ay marami na. Ang mga iskwela ay may mga branches na at pati ang mga malalakinng tindahan ay meron na.
Ano ang point ng aking mahabang article? Parang gusto kong kumain ng hot dog.
mweheheh.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Eh ano kung walang "point" ang sinulat mo... mabuti nga yon, hindi kami matutusok! Musta.
isa kami sa recipient ni Madam Imelda, binili ng NHA yong lupain doon sa Bukid malapit sa Malibay. binayaran iyon ng mga recipient sa mababang halaga. hanggang ngayon nandoon pa rin ang mga original namin na kapitbahay 6 stories na ang bahay nila dahil bahain pero malapit sa lahat, baclaran, makati, nichols at ngayon sa Resort World Casino
Wala naman kasi akong tinutusok, kung may pupulutin sila pulutin nila pero ang rpoblemang ito sy panahon pa ni Moses kung saan nagsquat sila sa malapit sa Mt. Tabor. eeek ano ba ang pinagsasabi ko.
eto, naiinlove kay Perry Kumot. gsbi gabi pinakikinggan ko yong mga kanta niya. pakisampal nga ako. nyek nyek nyek.
lorena,
noong panahon na yon, malayo na yon. ngayon ay punong-puno na ng tao.
parang kagaya rin sa relocation sites sa Cavite, ngayon ay ang mamahal na ng lupa.
maganda ang intention noon ni First Lady in fact hindi nga siya huminto nang resettlement ng mga squatters. Pero noon di appreciated yon kasi ang mga trabaho, commercial establishments at iskwela ay nasa manila lahat.
ngayon may branch ang Dela Salle System sa Cavite at sa iba pang rpbins. Ang mga mall makikita mo kahit saan.
Wala ng malayo ngayon. Kaya lang matagal ang biyahe kasi sa traffic.
mam, kami nung lumayas si mader sa bulacan (5 yr old ako) at pumunta kami ng tondo at nagupahan, ayaw na ayaw talaga ni mader itira kami sa squatters area, magugutom naraw kami pero ayaw nyang itira kami dun dahil ayaw daw nya kaming
lumaking mga tulisan (sabay ilag at baka my tumusok sakin).
ayun,ang sweldo nya halos pmbayad lang ng bahay,tubig at ilaw
at pampasok sa skul,whats the point?kung wala namang laman ang tiyan?
ok,my sarili syang dahilan,
at saka lumaki syang my pilak sa tenga(hikaw bah).
whats the point na kinukwento ko to?wala lang,gusto ko rin lang kumain ng hotdog,bukod kasi sa matigas ang hotdog dito e ang sama pa ng lasa,pakagat nga mam.
~lee
lee,
ganiyan din ang mother ko. ayaw niyang lumaki akong sanggano. hehehe.kasi sa Tondo noon, okkay naman yong tinitirhan namin pero ang dinadaanan namin ang daming mga tambay. panaan pa. minsan nakikipana rin ako. hohoho. noong bugbugin ang mga kapatid ko dahil bagong salta kami, nakikipagbugbugan din ako. sabi kasi ng titser ko ako raw ang madaling makaadapt sa environment. kaya noong dinala ako sa ospital ng duguan dahil may dala ring dry ice na sumabog sa loob ng klase namin, sabi niya, that's it. kailangang alisin na kami doon. baka kasi gantihan ko eh. nyahahaha
bumili ka ng sarili mong hotdog. sa totoo lang mas gusto ko ang longganisa sa atin.
ganun din ang paniwala ni mader,ako talagang madali ang umadapt sa environment,sabi
nga ni mader para daw akong hipon,palaging tangay ng agos hehe.
yung una naming natirhan sa tondo,di naman sya talaga masasabing squatters,mga residensyal na kanila talaga ang lupa at malalaki pa nga mga bahay e up/down na appartment(mga pwesto sa ibaba at residence apartment itaas) pero tabi tabi at magkakaharap ang bahay at paglabas mo ng pinto pag dika nagdahan dahan e derecho ka sa loob ng kapitbahay mo kasi magkaharap na mga pinto,at wag kang basta basta susungaw magbubukas ng bintana (de tukod bintana nung araw) at baka my nakadungaw na kapitbahay mo e mauntog sa bubuksan mong bintana mwehehe(sabay pukpok sayo nung tukod ng bintana).
kaya nga kami umalis
dun kasi my mga kategory ang mga siga at isa nako dun jejeje,
at my isang insidente na ewan ko kung na kwento ko sayo (susmio ang haba nun)pero
kungdi kami umalis dun e baka
sa murang edad ko e wanted nako sa mga pulisya(eekk).
kaya bago daw ako maging convict sa edad na 6yr old at sa edad na 7 e puno na ng tattoo ang buong katawan ko (atleast at the age of 43 nako napuno ng husto ng tattoo)e lumipat kami
ng mas maayos na lugar(means mas mahal at lalo napo kami gutom yay).
ginutom tuloy ako sa longanisang yan, mam samin sa sta maria, walng kasing sarap ang longanisa at bulognia (smoked longanisa)
sa pampanga gusto ko rin kaso sobrang tamis,sa ilokos naman pagkagat mo ng longanisa mapapamura ka sabay tapon,pweh.
~lee
lee,
nakakatuwa ang description ng mga bahay na sinasabi mo.
nang umuwi ako this year, bumili kami ng hotdog, sa grocery, iba-iba ang flavor.
pero mas gusto ko ang longanisa diyan kaysa sa mga sausage links dito at mga german frankfurters at wieners.
tawag hotdog kasi mainit tapos yong cartoonist kaparaho ko may dyslexia sa spelling.
Post a Comment