Advertisement
Monday, September 06, 2010
The In-laws- Mananahi ka Lang Part 6
Dear insansapinas,
The In-laws- Mananahi ka Lang Part 6
Tuwang-tuwa ako nang malaman kong nakapasa ako sa UPCAT-Diliman. Pumunta ako kay Florencia para naman ako ang magtreat sa kanya.
May bisita siya sa kuwarto. Pinapasok ako ng kaniyang landlady at pinaupo sa sala. Malakas ang hiyawan sa loob. Bukod sa biyenan niya ang babae ay tiya pa niya dahil nga magpinsan sila ng kaniyang pinakasalan.
MANANAHI KA LANG. ABOGADO NA ANG AKING ANAK, ANG LAYO NINYONG DALAWA.KAHIT NA BA IKAW ANG NAGPAARAL, KAYA NAMAN NAMIN SIYANG PAG-ARALIN.
Ano ba ang naririnig ko? Para yatang sa pelikula.
KUNG HINDI MO SIYA DINEMONYO AT NIYAYANG MAGTANAN, HINDI NIYA KAMI IIWANAN. WALANG BISA ANG KASAL NINYO. WALA PA SIYA SA EDAD nang MAGAPAKASAL SIYA SAIYO. WALA KAMING KONSENTE. WALA KANG HIYA. BLAH BLAH
Parang gusto kong sugurin siya sa loob at sabihing mali ang script na binabasa mo. Pareho lang sila ng anak niya. Walang utang na loob. Kahit hindi pa abugado ay mayroon na siyang kinakaruray. (ano ang ibig sabihin nito? ewan ko).
HINDI KA NA MAKAKABALIK SA PROBINSIYA. ITINAKWIL KA NA RIN NG MGA MAGULANG MO. KALAT SA BUONG BAYAN ANG IYONG PAGSASAMANTALA SA AKING ANAK.
Ano raw? Sinong pinagsamantalahan? Eh lalaki yong sa kanila. Nasaan na nga ba yon? BakiT hindi na nagpakita kay Florencia.
Ayon sa kaniyang landlady, mas matanda raw si Florencia sa kaniyang pinsan na pinakasalan niya.
KUNG AKALA MO AY BABALIKAN KA PA NG ANAK KO. NAGKAKAMALI KA. ABUGADA RIN ANG KANIYANG MAPAPANGASAWA. PAWAWALAN NIYA NG BISA ANG KASAL NINYO.
Eh bakit ngayon lang. Noong nag-aaral siya at nagrereview, hindi niya pinawalang bisa. Tseh niya.Nakakapanginig ng laman at buto. Sino ba ang writer ng love story niya? Masyado namang malungkot ang ending.
Paalis na sana ako nang biglang lumabas ang matandang babae. Ano ang tinitingin mo sa akin? sabi niya sa akin. Taray. Bakit bawal bang tumingin?
Pagkaalis ng matanda ay pumasok ako sa kuwarto ni Florencia. Mugto ulit ang mata niya. Sinabi ko sa kaniya na yayain ko sana siyang kumain sa labas kasi naman palagi na lang ako ang kaniyang nililbre.
Akala ko tatanggi siya. Pero hindi raw ako ang gagastos. Siya raw ang magtitireat.
Okay lang sa akin. Siguro kailangan niya talagang lumabas.
Pumunta kami sa isang Chinese resaurant. Hindi ko man tinatanong ay kinuwento niya ang kaniyang buhay.
Ang chow mien ay naging noodle soup sa patak ng luha niya.
Itutuloy.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment