Advertisement

Tuesday, September 28, 2010

Lito Lapid and Excess Baggage

Dear insansapinas,
May bill naipafile sana si Lito Lapid. Yong bawal ang overloading ng school bags ng mga batang pumapasok sa school. .


"At a glimpse, it seems this practice is good to schoolchildren (but) overloading of school bags can cause side effect to the body of the children... since spinal ligaments and muscles are not fully developed until after 16 years of life," Lapid said in his bill.
Binara siya ni DepEd Secretary. Hindi na raw kailangan ang bill.


Education Secretary Bro. Armin Luistro, however, said that there was no need for a law or a memorandum that would limit the weight of school bags. He said school officials can just look into the issue themselves.
Sinagot din siya ni Lito Lapid, Suggestion lang yon. Para bang yong walang assignment pag weekend, sabi ni DepEd, suggestion lang daw yon pero later on itutuloy din ang pag-implement.



Ang mga maykaya hindi apektado nito. Ang mga yaya ang mga nakukubang magbitbit ng excess baggage. Pero doon sa mga walang yaya ay hindi gumagamit ng may wheels na school bags, talagang pahirap ng a ito.


Noong kapanahunan namin, Jurassic years ago, unladylike kahit elementary pa lang ang gumamit ng backpack (knapsack ang tawag noon). Talagang bag na pambabae ang aming gamit pero ako ginagamit ko sa mga kapatid ko. Mas matibay eh. 




Nang college na ako, may kaklase akong babae na hindi pantay ang balikat. Sabi niya sa akin kabibitbit ng mabigat na bag. Dito naman kasi sa States, marami ring libro pero may mga locker ang mga bata kung saan pwede nilang iwanan ang excess baggage nila. 


Nasanay na ako sa mabigat na mga libro kaya noong unang Linggo ko sa College, para akong kulang o hubad na walang dala. Kaya kinuha ko yong Thesaurus/Dictionary ng aking kapatid na mahigit yatang dalawang inches ang kapal at yong ang dala-dala ko. juice ko ang kaengotan ko noon.


Pinagtawanan ako ng mga kaklase kong lalaki na nagsisimulang mangbully. Pag daan niya ay bigla kong ibinagsak yong thesaurus sa paa niya. hehehe


Naging kumpare ko yon later. 


Pinaysaamerika

5 comments:

Anonymous said...

speaking of mabigat na bag mam.
hanggang ngayon nga e kuba ako at tabingi balikat hahaha.
pero my injury na talaga ako sa balikat eversince,
at sa sobrang nasanay nakong mabigat ang bag,hanggang ngayon e ang bigat palagi ng bag ko,para bang pag magaan e malalaglag yung bag,kaya nasa bag ko lahat
ng gamit ko,minsan nga naulan pero tumatakbo ako sa ulanan,pagdating ko sa bahay 3 pala na yung folding umbrella na nasa bag ko susme.
nung hi-skul naawa na si mader sa balikat ko,kaya nga
kahit bawal ang catleya e yun ang gamit ko,pero
sa totoo lang mam,parang
mas marami ang mga gamit ng mga bata ngayon kesa nung araw,e yung mga bata sa bahay twing papasok sa eskwela e nalilimutan kong sa skul ang punta,palagi
kong natatanong "san ang flight nyo?" e parang mga OFW sa mga hilang mini maleta bukod pa yung lunck box at yung nakasabit na bag sa balikat,kung
mag stewardess sila pagdating ng araw e gamay na nila pagbitbit ng bagahe.
~lee

cathy said...

hahahaha
ang isip ko talaga eh para yong magbibiyahe na may dalang carry-on.

noon sapinas ganyan din ako, ang bigat ng bag ko. yon pala isang buwang ding basura ang laman. buti nga walang patay na daga. hahaha
pero minsan may mga cheke akong napaso na pala. nakasiksik kasi. pero noong nakunan ako ng bag diyan sa Ali Mall ,sng laking natangay sa akin. kasusweldo ko lang at iba pang kasindikatuhan.

noong naagawan din ako ng bag dito sa Estet, hayon, bihira na akong maggamit ng bag.ang dami kong bulsa sa outercoat ko, ko sa aking jacket at pantalon.

Anonymous said...

sus,diba nga nung nakaraang uwi ko satin, ang laki ng bag ko tas ang dami pang basura pero nadukutan pako dyan sa my poea,sabi
ko ang galing nung mandurukot grabe sa gulo ng bag ko alam kung san yung pera,siguro magulo din bag nya hehe.
natatawa na nga lang ako minsan e kahit lingo lingo ako maglinis ng bag ko e isang trash bin na basura ang palagi kong nakukuha.
naku mam,bukod pa yung mga abubot sa bag ko at sangkatutak na abubot sa car,kamot na nga lang ng ulo ang driver at palaging
my bitbit akong kung anu sa car at naiipon na dun kulang nalang pati kalan at kaldero nandun na hehe.
natatawa naman ako dito kay lito lapid, nakaka surprise ang kanyang mga bills na inirerecommend,although mas mahilab hilab na nga ito kesa sa stapler jejeje.
at mam next time,yung mga tseke mo dito nalang sa bag ko,malaki pa space ko.
~lee

cathy said...

lee,
yan din and reason kaya magulo ang bag (palusot pa eh, na magulo talaga ang utak ko) ko para malito ang mga pickpockets.
minsan may nagslash ng bag ko (leather pa naman wala siyang nakuha kssi nakabalandra yong aking hair brush at pabango. (alam mo naman sa atin noon, di makalakad ng pabango).

kaya maraming basura ang bag ko kasi hindi ako litterbug.hindi ako sanay magtapon ng basura sa kalye. mawawalan ng trabaho sa akin ang mga street sweeper.

minsan may nagpickpocket sa akin noon. nag-aaral pa ako. Paakyat ako ng bus, biglang may naramdaman akong bumigat sa bag ko.

alam mo hindi yong nasa likod ko ang hinabulan ko ng pitaka, iyong nasa ikatlo. pasahan eh.

hinalbot ko at pinandilatan ko.
siguro nagtaka siya bakit ko alam. baka akalain niya pickpocket din ako dati. hehehe

cathy said...

bigla akong naglinids ng mga bag ko.
apat sila sa harapan ko. nakuha ko yong isang bag na Halls candy. hanap ako ng hanap noon. may nakuha akong mga nakasingit na pera. ahem parang gusto kong magshopping bigla kaya lang katatapos ko lang. over the budget ako. deficit. wala pa naman akong mga peso denominated bonds na pwedeng i-float. hehehe