Nabasa na ba ninyo ang article ni Katrina Stuart Santiago, the Charice Challenge. Yong mga pintasera (aray, tumama ang bato sa akin) basahin ninyo. Agree ako sa lahat ng sinabi niya. Kung susumahin kasi, gamit ang abacus o kaya ang di pukpok kong calculator, ang ating local showbiz ay parang may nakalagay na signage na nagsasabing Bawal ang Pangit dito.
Hindi naman talaga pangit kung hindi plain jane ka lang, walang dugong mestisa na matangos ang ilong at makinis ang balat, matangkad at seksi ang katawan. Pag ikaw Pilipinong Pilipino sa ayos, sa salita at sa gawa, ay 'day relegated ka lang sa mga aupporting roles, binabatuk-batukan o kaya isang sahog ka lang sa sabi ni Katrinang smorgasboard. Pag may kapangitan ka naman talaga ay gagawin kang komedyante kasi ang anyo mo ang pagtatawanan nila. toink toink.
Kaya nakita mo ang mga singers at artista ngayon na sinasabing hindi tumatanda, eh mga salamat kay Dr. Belo o Dr. Calayan naman ang mga beauties niyan. Noon si Sharon Cuneta, minsan ang eyebag niya mahihiya ang dalawang bayabas sa lalaki pero kinabukasan wala na. Ang kaniyang timbang ay yomoyo pero papayat pa rin siya. Kasi kailangan nilang magpaganda.Kaya di ba gustong pipiin ni Vicky Belo ang pisngi ni Charice dahil sa kaniya ang artista ay dapat maganda.
Si Nora Aunor noon ay nabalitang nagpanoselift. Ewan ko di ko alam kung totoo kasi nasundan ko si Nora noong siya ay batikan ng artista hindi as a singer at hindi sa mga pelikula niyang mga kunting romansa pagkatapos sayawan at kantahan na.
Mas gusto ko noon si Sharon sa mga kanta niyang Mr. DJ, hekhekhek at mga kanta ni Rey Valera na kinakanta niya
Sa bahay namin ang daming long Playing Records, bili ng kapatid kong panganay na may ambisyon ding maging singer. LP kasi pag nagsermon si mader, long playing din...mga records ni Frank Sinatra (ewan ko ba naman bakit gusto nila si Frank Sinatra) eh hindi naman ako nagagandahan ang boses niya; si Andy Williams, Mat Monroe, Perry Como (na ang pakinig ko noon ay pare-pareho ang boses pero di ko alam ang ma mukha ) salamat sa youtube at nakilala ko na sila ahohoy may pinapakinggan kasi ako palagi. Ahem.
So balik tayo kay Charice. Maraming natuwa at marami ring mga namintas kay Charice sa paglabas niya sa GLEE. Sikat siya sa US pero sa Pilipinas hindi pa siya tanggap na phenomenal star.
Pintasan mo ba naman ang acting niya ay di naman drama ang sinalihan niya. Kung hindi okay ang acting niya siguro pinagsabihan na siya ng director. Hindi rin naman dramatic series yong GLEE. Okay ako sa mga nagcomment sa galaw ng kaniyang mga kamay. Pero kung siguro sila rin ang nasa harap ng camera o nasa stage, merong mga body movements ka na gagawin para lang maitago ang iyong stage fright. Sa ibang mga artists (lalo na yong mga foreigners, nagdudroga sila) para lang magkaroon ng confidence.
I should know, madalas din ako noong nagpeperform ( yon bang pasirko sirko at kumakain ng apoy) ahek. noong istudyent pa ako.
Huwag mong isnabin, Virginia, ang iba sa kanila ay nasa showbiz na. Miyembro ako ng isang dramatic club noon at pag lumabas kami sa stage, ang mga kasamahan ko ay maraming mga mannerisms na lumalabas. Ako raw ay panay ang kumpas para bang may kaharap akong banda. At pag kumanta naman ako Ahem, ahem, ang movement ko ay sideways. bwahahaha.
Mas maraming mga tagahanga dito sa US si Charice dahil alam ng Filipino kung gaano kahirap ang makapasok sa showbiz dito. Maraming mga guwapong actors at actresses sa Pilipinas na nag-aattempt pero hangang extra lang sila at pag naedit pa, putol ang eksena.
Kagaya noong kay Tetchie Agbayani nakasama siya sa pelikula ni Tom Hanks sa Money Pit, pero wala pa yatang isag minuto ang exposure niya.
Si Leah Salonga ay nagkaroon ng isang pelikula para sa TV lang,
In 1995, Salonga, back in the U.S., played the role of Geri Riordan, an 18-year-old adopted Vietnamese American child in the Hallmark Hall of Fame TV movie Redwood Curtain, which starred John Lithgow and Jeff DanielsHindi napansin pero angdami niyang award sa Broadway na kahit ang mga TV stars na galing sa Broadway ay di nagkaroon ng chance matanggap ang ganoong mga recognition. Ang problema noon, wala pang cable sa Pinas kaya hindi pa makita ang mga happenings dito sa US.
Pagbalik niya sa Pilipinas ay gumanap din siya sa pelikula. Magaling din siyang umarte kaya lang wala siyang mga tagahangang makikipagkalmutan at pipila sa takilya.
Pinaysaamerika
7 comments:
aaaay wrong enter, bawal nga pala panget dito jejeje.
anung gawa ko dito?
wala lang, mamimintas lang, kala mo naman yung mga namimintas na yun e kagaganda... hohoho sabi nga ni mader nsa mga panget ang mga pintasera... toink... ehem...
parang tinamaan ako dun,
pero hinde, hinde ako papayag, pede akong mag deny... wala silang ibidinsya na panget
ako kahit tanong pa nila sa nanay ko hohoho.
ang hirap parin mag post ng comment dito grabe.
~lee
hohoooooy tinanggap yung comment ko...mam, madali lang naman pala bolahin itong gwardiya ng blog mo....nadenggoy ko na di ako fanget, nagpapanggap lang kako ko na fanget hohoho
~lee
anu nga kaya mam, dyan sa header ng blog mo lagay mo B-A-W-A-L A-N-G P-A-N-G-ET D-I-T-O
palagay ko magkakabukingan kung sinung pang-et at di pang-et...dahil tiyak walang papayag na pang-et sila jejeje.
tinotopak nanaman ako woooot woooot
di naman bilog ang buwan bat kaya...... aaaaaaah friday... friday the 24th pala today.
binabati ko nga pala yung dating kapitbahay namin na nalimutan ko na kung anung date ang bday nya, kaya ngayon ko nalang sya batiin advance man o belated.
teka mam, inom muna ko ng med ko, nalimutan ko palang uminom ng 3 days na kaya pala ko ganito.
~lee
am baaaack balakubaks...
nakainom nako ng med mam, 3 yung ininom ko kasi 3 days din ako di nakainom, bumawi lang ako.
napanood ko nga yung video nung glee ni charice, hirap nga e kasi bagal ng proxy...sa pissbuk ko napanood, grabe tayuan ang balahibo ko pagkanta nya nung listen, talagang nakinig ako ayon sa pamagat ng awitin... talagang kung baga sa karate e black belter talaga.
pati balahibo sa batok ko tayuan(diko nakita tumayo pero naramdaman ko nga).
dun sa mga namimintas at nanglalaet kay charice.....
"MANIGAS KAYO SA INGGET DAHIL DI KAYO ANG NASA KALAGAYAN NYE NYE NYE NYE NYE NYE
AT DUN NAMAN SA MGA NAMIMINTAS (NA WALA NAMANG MGA TALENT KUNDI DUMAKDAK)
HOW SOUR THE CHINESE GRAPES(ang asim kasi ng grapes nila dito grabe),MANIGAS KAYO KUNG KAYOY ISINILANG NA WALANG TALENT"
ako???kahit mamintas ako my talent ako huh!
anung talent ko bukod sa kumain ng maasim na grapes dito????
mamintas at manlait hohoho.
oo nga, pero may bago, at least alam ko na kung saan nakalagay yong comment, hindi kagaya noong dati pagkapublish ko hahanapin ko pa kung anong article yon.
saka may spam catcher na rin sila, kaya mahirap talaga.
hahaha, ikaw three days, ako one day langhindi uminom, hilo na ako.
pareho lang ang talent natin.
kagabi nanood naman ako ng CSI, si justin bieber ang guest. kontrabida siya. hindi siya makakanta.
Post a Comment