Advertisement

Sunday, September 26, 2010

Comedy of Errors and Budget 101

Dear insansapinas,


Error 1
Humingi na ng paumanhin ang US Embassy sa pagkakabaliktad ng Philippine flag. Akala yata nila may giyera tayo sa mga jueteng lords at coddlers. ehek

Error 2


Nanonood ako ng JAWS. OO Virginia, hindi ko pa napanood yon. Ang napanood ko lang sa tv ay yong rerun ng mga Jaws 2, Jaws 3 at Jaws ko 'Day.


Kasi noong mga panahong yon, walang may gustong magsama sa akin sa sine lalo pag disaster o horror movies kagaya ng Jaws at ng Omen. Yong Omen, napilitan lang ako kasi pag nagkukwuentuhan ang mga kabarkada ko  hindi ako makasabad. Pero naman, mas marami pa akong nakitang likod ng upuan kaysa sa pelikula dahil panay ang tago ko.


So noong Thursday, pinalabas ang Jaws sa TV. Pinanood ko, close captioned. Nandoon kasi ang isa paborito ko, si Richard Dreyfuss. Sa isang eksena na nagpapakitaan ng mga scars si Robert Shaw (Quint) isang shark hunter at si Richard Dreyfuss, isang scientist na nag-aral ng tungkol sa mga sharks, nabanggit ang USS Indianapolis. Ang USS Indianapolis ay siyang nagdeliver ng unang mga critical parts ng atomic bomb na ginamit sa World War 2. Ito ay binomba ng Hapon at maraming namatay. Ang mga ibang nakaligtas ay kinain ng pating. Isa si Robert Shaw sa mga navymen doon kaya may kagat siya ng pating. Noong nagkukuwento siya, nangyari raw yon sa TINIAN, LEYTE. 


Isip ko may Tinian ba sa Leyte? Ang Tinian nasa Marianas Island. Kapatid nito ang Saipan kung saan nagkaroon ng Battle of Saipan na nangyari noong June 1944. Iba naman ang Battle of Leyte ang sinasabing the Battle of Leyte Gulf, also called the "Battles for Leyte Gulf", and formerly known as the "Second Battle of the Philippine Sea", is generally considered to be the largest naval battle of World War II and also the largest naval battle in history. Siyempre hindi mo papansinin yon dahil hindi masyadong macatch yong dialogue. Kaya lang ito nakaclose-captioned kaya, nakasulat siya.


Error 3
Raymond Bagatsing who is now in the Philippines with his new girl friend...


Asked if they'll marry soon, the twice-married, twice-divorced actor said: "The fact na dinala ko siya rito is one big step. Yung iharap ko sa inyo.  Kasi, after ni Lara [Fabregas, ex-wife], wala na akong hinarap sa inyo na kahit sino.  Kung ano-ano pang tsismis na lumalabas na kesyo naglaladlad daw ako!" he laughed.
Excuse me, paano naman si Cora Pastrana, yong 60 year old na columnist sa US? 

 http://www.pep.ph/news/20116/Actor-Raymond-Bagatsing-marries-60-year-old-columnist-in-US


(aray sumusobra ka na, pakialam mo kung pinakasalan niya at hindi niya iniharap).

Error 4


Isang novel ng isang high profile, best-selling author ang katatapos ko lang basahin. Sinulat niya na may 100 shares of stock daw ang corporation. 


Huh? Hindi pwedeng 100 shares lang ang corporation. Tapos tumagal nag go public sila. Saan nila kinuha ang shares of stock na ibinenta sa publiko? 


Isa pa yong conglomerate ay nagstart as partnership at napagkasunduan ng Board na mag-expand. Huh? 
Wala namang Board ang partnership. Partners meron. Pag may dedesisyonan sila, nagmimeeting ang mga partners, hindi Board. toink toink.

Budget 101

Sa pagbabawas-dagdag ng budget ngayon, bawas sa health, dagdag sa social services, bawas sa education, dagdag kung saan pa ay parang larong sungka.


Alam ninyo ba ang sungka? Kung hindi ninyo alam, hindi ninyo maiintindihan ang aking sinasabi at gutom na ako para mag-esplain.


Pinaysaamerika



4 comments:

Anonymous said...

hehehe galing mo mam ah.
teka marunong din akong magsungka ng di nasusunugan ng bahay (pero my daya kasi)mwehehe
~lee

cathy said...

alam ko rin yang pagdayang yan. hahaha

pero noong baa kami ayaw kaming paglaruin ng sungka ng mother ko.
nakakaubos daw ng oras. ngayon facebooking naman at games ang nakakaubos ng time ng mga bata.

Anonymous said...

at ayaw ng matatanda mam kasi masusunugan daw kami,eekkk
~lee

cathy said...

nasabi din sa akin yan ng mother ko, na baka nga masunugan kami. pareho bs ang utak ng mother natin o superstition yan noon.