Advertisement

Wednesday, September 22, 2010

Charice, Mga Engot at Dementia

Dear insansapinas,

Naglabasan na ang mga comments tungkol kay Charice at sa pagguest niya sa Glee. isang comment na nabasa ko ay derogatory raw yong assumption na limited ang English niya as foreign exchange student. SUS naman. Ano namang derogatory doon. Yon na ang expectation sa mga foreigners, mag Filipino at ano mang lahi na pag hindi ka taga US, talagang limited ang Eng lish mo dahil iba ang conversational English dito at yong pinag-aralan natin sa school. Pati ang accent ay iba-iba depende sa States. Iba ang accent sa Noyook, Boston, Texas at San Francisco. Ay day maloloka ka rin. 

Kahit na yong mga magagaling na magsulat ng English sa Pilipinas ay mahihirapang magcommunicate pag bagong saltada pa lang. 


Bostonian accent : howahya. i whent to pahk the cah in harvahd pahk, i went to tha bar.
they  dont speak with our r's.... words that end in a.. change to a word ending in er..

Ako noong una di ko maintindihan yong BALBO PAK. Akala ko balbon at Pak. Yon pala BALBOA Park. toink toink toink

Di lalo naman sa Texas anoh. Talagang heavily accented sila. Tapos ang mga engot na ito ay hindi nila alam ang mga Filipino rin ay nag-aassume na dahil Puti o Itim hindi marunong magsalita ng Tagalog.


Ito ang kuwento ng kaibigan kong kuliglig. Sumakay daw ang dalawang Pilipino sa bus sa San Francisco. Naupo sila malapit sa driver na itim. Inassume nila na hindi marunong ng Tagalog ang driver kaya sabi nila yong driver daw parang unggoy.


Kung naintindihan ng driver ang mga insulto ng dalawang Pinoy, hindi niya pinahalata. May umakyat na isang Pinoy at kinumusta ang driver.


Sagot noong driver. Ito uungoy-ungoy. bwahahaha. Biglang baba yong dalawang Pinoy. Ang asawa pala noong Itim ay Pilipino.


Mayroon din akong nasakyan na bus na ang driver naman ay Italiano. Daldal siya ng daldal sa Tagalog. Hanap ako ng hanap nang nagsasalita sa Tagalog, siya pala. Dalawa niyang naging asawa, mga Pinay. Tinuruan pa siyang magmura ng Pu... leche.


Breakthrough sa Alzheimer's o Dementia


Hindi po nakadiscover ng gamot. Ang nadiscover ay ang cause ng dementia. at ang nadiscover ay ang Congress ng Philippines. Ang cause daw pala ay huweteng.

Pinaysaamerika

2 comments:

Anonymous said...

weh, nawala yung comment ko dito o di pumasok?
pudpud na yung daliri ko kahapon pa kakainput ng mga comment talagang ayaw pumasok gwabeh...
ang haba pa naman ng comment ko kahapon,jejeje
~lee

cathy said...

haynaku masyado na silang maingat. marami kasing mga spam. ako piniprito ko ang spam. nyehehehe