Advertisement
Thursday, September 09, 2010
Till we Meet Again - Mananahi ka lang -The End
Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
'Till we Meet Again - Mananahi ka lang -The End
Pagkatapos ng aking high school graduation, hindi na ako nagtrabaho sa shop ng fashion designer. May mga issue kami ng mother ko noon. Nasasaktan ang pride niya na bata pa ako ay atat na atat na akong magtrabaho. Para sa kaniya, ito ay sampal sa kakayahan niyang magbuhay ng pamilya bilang isang biyuda.Gusto niya mag-aral muna kami. Dahil may scholarship ako, ahem, kailangan full time akong student.
Sa College naman ay nagkaroon na ako ng barkada na kasing eedad ko. Hindi na mga matatanda sa akin. Hindi na kami nagkita ni Florencia. Hindi ko alam kung napawalang bisa ang kasal nila.
Bumalik lang sa alaala ko ang pagpapawalang bisa ng kasal noong ako ay naging isang sutil nas anak na sa maagang edad ay nag-asawa rin. Banta ng mother ko na puwede niyang ipawalang bisa yon dahil nga ako ay menor. yuk yuk yuk.
Minsan ay naglalakad kami sa T.M. Kalaw ng aking kaibigang abugada. Ang opisina kasi niya ay malapit doon at nakapark ang kotse namin malapit sa library.
Si Florencia ang nakita ko. May kasama siyang batang babae. Marami na siyang puting buhok at pileges sa mukha. Hindi na ako ang kaibigan niyang naka medyas ng puti.Ang medyas ko ay yong hindi mo lang makanti ay tumatakbo na. Imbes na plastic bag ay portfolio ang hawak ko. Naghiwalay na kami noong kaibigan kong lawyer. Sumakay siya sa kotse niya at ako naman ay sa aking kotse. Hindi na ako sumasabit sa jeep para pumunta ng Divisoria.
Inimbitahan ko sina Florenciang sumakay. Kakain kami at magkukwentuhan,
Yong bata pala ay ang inaanak ko sa binyag. Nag-aaral na. Sabi ni Florencia, ako raw ang ginawa niyang role model. (Sa isip ko sana hindi. ohohoy). Tapos ang dami kong utang na Pasko. hehehe
Napawalang bisa raw ang kasal nila ng kaniyang pinsan. Hindi na siya nag-asawa. Inampon na lang niya ang kaniyang pamangkin na pinag-aaral niya.
Nananahi pa rin siya, kung kanikaninong mga couturier. Hindi siya nagtayo ng dress shop. Mahina raw ang kita nito lalo marami ng mga baklang may mga sarili ng label na dinadala ng mga department stores.
Tama raw yong nagpursigi akong nakatapos. Hindi kagaya niya na sa pag-ibig ibinuhos lahat. Wala pang kakuwenta-kuwentang lalaki, Hindi na rin raw siya umuwi ng probinsiya nila.
Malaki na raw ang bahay ng pamilya ng lalaki, Naalala niya noon na sa gulang na labinlimang taon ay lumabas siya ng Maynila. Naging katulong siya, naging serbidora hanggang mag-aral siyang manahi sa isang iskwela sa Quiapo. Una raw ay naglilip lang siya. Nang marami ng tanggap na mga orders ang couturier sa mga artistang kliyente nito, pinilit siyang manahi. Malaki ang kita ng mananahi kasi piraso ang bigay sa kanila. Kung gusto naman nila ay arawan.
Nang unang bumalik siya sa probinsiya, marami siyang dalang pera. Ang tiya niya na ina ng kaniyang pinsang napangasawa ay tsinismis na baka raw kung anong masamang hanapbuhay meron siya. Ang pinsan namin niyang lalaki ay hangang-hanga sa kanya dahil gusto rin niyang makapunta sa Maynila, makapasok sa unibersidad at nag-aral ng Law. Walang pera ang pamilya niya na matustusan ang pag-aaral niya. Kung hindi sa probinsiya lang siya mag-aaral kung saan walang Law. Ayaw niyang maging farmer.
Sa simula ay awa ang naramdaman niya. Alam niyang magpinsan sila at hindi maaring magmahalan.
Minsang pabalik siya sa Maynila, nakita niya ang kaniyang pinsan na nasa bus din. Lalayas siya. Wala namang kilala sa Maynila. Kaya isinama na niya sa kaniyang tinitirhan. Dahil kuwarto lang ang inuupahan niya at hindi pwede ang magsama sila doon, sinabi niya na nag-asawa siya.
Isang gabi habang tulog daw siya ay naganap ang hindi dapat. Dahil sa konserbatibo pa rin siya, binalak niyang paalisin ang kaniyang pinsan. Pero nagpumilit ang pinsan na pakasal sila para patunayan na tapat ang loob niya. Kinasal nga sila sa city hall. Hindi doon sa loob kung hindi sa labas kung saan maraming mga ministrong wala namang simbahan na may ready-to-issue marriage license. (huwag ninyo akong tanungin kung saan nila kinukuha yon). Pag may corrupt, may instant marriage. Valid naman ha. Nagkasakit ang kaniyang ama. Umiyak ang kaniyang ina. Lumayas din ang kapatid niya at sumunod sa kaniya.
Ikinuwento ko rin ang aking major, major mistake sa buhay and how I corrected it. Pwede na akong manalong Miss Universe kung sakali. bwahahaha.
Naghiwalay kami nang masaya siya at nagkita kaming muli. Yong ang huli. Mabilis ang pag-inog ng mundo at kahit ako ay kumapit nang husto para hindi mahulog.
The End.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hayz, ang lungkot naman ng ending,mam pansin ko e puro martir yata ang mga bidang babae sa storya mo?
speaking of storya,kundi lang ako ma over baggage sus naloka ako sa dami ng book ni JP kaso 2 lang binili kot dami ko ng bitbit...
yun lang swisuit at alex cross trial ang nabili ko, tapos yung
atlas shrugged ni ayn rand(1st time ko kay ayn rand,yung ibang book nya di available dahil siguro sobrang old na)puro diko pa naumpisahan,nangangati nakong simulan pero
babasahin ko nalang sya sa nxt week at my mga malayuan akong byahe,atleast di ako ma bored sa byahe.
meron ako niyang alex cross trial, hindi ko pa lang binabasa. meron kasi akong binabasang lumang novel ni sidney sheldon.
mam, anung idea mo kay ayn rand? nakita ko din lang sya sa isang blogger na die hard fan nya, diko maalala kung kay lolo bocowboy ko nakita yun,basta wala syang bukam bibig kundi ayn rand ayn rand ayn rand...na curious tuloy ako
Post a Comment