Advertisement

Thursday, September 16, 2010

OFWs Promote Tourism

Dear insansapinas,
Remittances are not the only contributions of the OFWs and Overseas Filipinos. They also promote tourism thru word of mouth. They become tourists in their motherland. Bicol Region with its majestic Mayon Volcano, Hoyophoyopan Cave and Cagsawa Ruins is one of the tourist destinations  down Southern Luzon. I know, I was born in Bicol and unlike some Bicolanos who did not have a peep on the beautiful volcano, I had been to these tourist spots.


A friend of mine, a lovely expat had just been there with her family upon the invitation of a friend. She sent me several photos na muntik nang magiba ang aking mailbox sa bigat. makikita ninyo ang mga photos sa ibaba. Ororoy. Kaya masama ang loob ko na binawasan ang budget para sa mga OFW .  Ang laking pera ang ginagastos ng mga balikbayan sa mga tourist spots na ito. Ito ang igaganti nila. Tseh.

Ito ang Cagsawa Ruins. 

Hindi ko alam kung sumasaludo ang nasa pic, o nakalimutan niya ang kaniyang expensive na eye shades o gusto lang niyang suklayin yong buhok niyang gagong eheste bagong gupit. bwahahaha


In 1814, Mt. Mayon, in the province of Albay, the Philippines, erupted and devastated the surrounding communities. This is what remained of the Cagsawa church, whose bellfry has remained standing as a mute testimony of the enormous disaster caused by flowing lava. Some 1,200 people sought sanctuary in the church, thinking that they would be saved from the fury of Mayon volcano.
Ito ang close-up niyan. hindi noong turista kung hindi yong Cagsawa.


Nang huli ako mapunta sa Cagsawa ay bata pa po ako. Adventurer. Umaakyat ng mga bundok, nagbabaging sa gubat at tumatawid sa mala Indiana Jones na mga hanging bridge. Hindi pa masyadong developed ang nasa paligid ng Cagsawa. Hindi kagaya ngayon.  Noon para  nga lang karaniwang lumang simbahan na naputol ang belfry. Mataas ang simbahan at kung ang belfry na lang ang natira, ang daming lahar o lava ang nagbaon dito sa eruption ng Mt. Mayon. Ang pinagtataka ko ay bakit mayrong mga broken sea shells doon.


Ito ang Mayon Volcano (short for Magayon which means beautiful in Bicol).
Maraming bundok sa Bicol pero hindi mo siya mamimiss. Ang iba baku-bako ang paligid ng bundok. siya almost perfect cone.  Noong bata pa ako, naalala ko sumama ako sa grupo na na aakyat sa bundok  pero hanggang sa mababa lang kami nakarating dahil takot ang mga matatandang lider na mapahamak kami.


Kaya pinagbuntunan namin ang Mt. Bulusan kung saan nakarating kami sa kahalatian, nagtayo ng tent at naglaro ng flashlight dahil kami ay dinadaanan ng ulap at almost zero visibility. Parang sasakyan.

Dito makikita ang Mayon Volcano. Pwede ang photoop. Noong umuuwi kami sa Albay, ang probins ng aking mader, nakikita namin siya mula sa bus na sinasakyan namin. Pakiramdam ko ba sinusundan kami kahit saan magpunta.


Nang ako ay lumaki na at may mga projects sa Bicol na dinadalaw, kasama namin ang mga Germans. 



Tinitiyak noong aming secretary na ang aming hotel o resthouse na ginagamit ay binubulaga kami ng Mayon volcano sa umaga at natatanaw namin sa gabi habang kumakain kami ng laeng at alimasag.
Yong mga kasamahan naming foreigners, isda kinakain nila. Lapu-lapu at saka lobster. yum.

Pinaysaamerika

3 comments:

Anonymous said...

anu raw? tama ba yung nabasa ko? lovely daw ba? di halata sa chura mam lol.

baka my kuto mam, ang pula ng buhok e mukhang natapunan ng atchuete.

cathy said...

ang alam ko mestisa siya. italiana.
ita at whatever. bwaahaha.

natempt nga akong ipost yong pic na panay legs sa hoyophoyopan cave at yong close up kaya lang baka sugurin ako dito ng mga tagahanga niya.

nagwawala pa yog aking firefox kahapon.

Anonymous said...

mam, kapag yung ganung klaseng legs ang idinespley mo, di lang firefox ang maaasar seyo... pati blogspot iba blocked ka na bwahaha.