Advertisement

Tuesday, September 21, 2010

Arroyo and Cruz

Dear insansapinas,


Gusto ko itong retrato na ito ni Bishop Cruz. Para bang sinasabi na " ang cute cute ng batang ire". Ang batang ire ay si Brigadier General Bacalzo. hehehe cute diva, yong retrato nila.


Ang pagkikita ay sa jueteng probe kung saan pinangalanan ni Bishop Cruz ang mga anak ng huweteng. 

Lacierda binuweltahan si Joker Arroyo

Binuweltahan ng Malacanang si Senador Joker Arroyo dahil sa paglarawan nito sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na tila pinapatakbo na parang “student council."

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, inisa-isa ni presidential spokesman Edwin Lacierda ang mga magagandang nagawa umano ng administrasyon sa loob ng mahigit 80-araw ng pamumuno ni Aquino.

Naalala ko tuloy noong ako ay istudyent pa at naitulak na tumakbo bilang Vice President. Sabi ng mga kaibigan ko yon daw ang pinakamagandang puwesto, walang ginagawa. Tapos`bilangan na. May nakatabi akong isang lalaki. Parang pamilyar ang mukha. Mas matanda nga lang. 


Usap kami. Ang hinayupak, isa pala siya sa tumakbo rin ng Vice-President. Yong retratong ginamit niya ay yong mas bata siya. Nagkahagalpakan kami ng tawa ng magkakilanlan kami. Siya ang nanalo sa eleksyion. 
Natapos ang isang taon, ang project nila ay yon lang oath taking ng mga officers. 


Pinaysamerika

No comments: