Advertisement

Thursday, September 30, 2010

Pumapatak na naman ang Ulan

Dear insansapinas,


Lumabas ako ngayon kahit ang lakas ng ulan. Para tuloy gusto kong kumanta ng Singing in the Rain o kaya ng Rhythmn of the Rain ng Cascades o kaya ang kanta ng Apo ng Pumapatak na naman ang Ulan.

Maaga ang aking appointment at hindi ko tinawagan yong shuttle service. Nahahigh blood ako paglate dumating ang driver at kung minsan  hindi ako makitang nakatayo sa malapit sa mail box namin. kala nila mail box pa rin ako? *heh*


I decided mag bus na lang ako. Meron namang bus stop sa tapat at diretso na yon doon sa aking bagong doctor.On time pa. 


Kaya lang paghintay ko ng bus, lalong bumuhos ang ulan. Hindi ko mabuksan ang payong ko. Dami kong bitbit. Besides mula nang palagi akong pansinin ng mga nakakasalubong ko na "Where's the Rain, lady?" pag may dala akong payong, allergic na akong gumamit noon maliban na lang kung talgang umuulan ng pusa at aso. (cats and dogs). Hindi rin ako gumagamit ng malaking sumbrero kahit mainit kasi babatiin din ako ng "Where's the beach o where's the sun, lady?"  Doon kasi sa SF pag lumalabas ang araw, labasan din ang mga tao at parang kinukula ang sarili nila. Hindi ko pwedeng gawin yon kasi ngipin na lang ang makikita sa akin. mwehehe.


Basa na ang aking outerjacket. Bumigat ang aking timbang. para akong sampayan na may nakasampay na basang kumot. mwehehe.


Anyway, nakarating ako sa aking bagong doctor na babae. Tusok dito, tusok doon (they are driving a point) at next week panibago na namang lab works. *sigh* At dalawa pang recommended specialists. 
Palagay ko mahal ang singil doon. Nakanotebook ang mga medical assistant. Direct ang entry nila para sa personal information. Pati yong doctor, hawak din ang computer habang kinakausap ako at kinocontact ang pharmacy. Hindi na niya kailangang magbigay ng prescription. 

Tinanong ako ng nurse kong ano raw lahi ko. Gusto ko sanang sabihin, pit bull. Sabi niya kung Latina raw ako. Sabi ko I am a Filipino sa isip, sa salita at sa gawa.


Sabi niya. Sabi ko na nga ba. Ows? yong boyfriend ng mother niya raw ay Pinoy din. Di ko malaman kung natutuwa siya o nagrereklamo. lll^_^lll

Pagbalik ko ay sa parehong biyahe ng bus din ako sumakay. Iikot lang kasi yon at balik na sa aming lugar. Ang problema di siya dumaan sa kalye namin. Tinanong ko naman kung dadaan, oo raw. So nadala ako sa bus depot. Sus ginoo. Umuulan pa rin.


Tinanong ko siya kung anong bus ang sasakyan ko pabalik. Tinanong kung saan ako nakatira Sabi niya, ihahatid daw niya ako. O sey, parang taxi ko yong bus. Pabalik kami aking lugar nang makita kong may kumislap. Sus, ilaw pala yon.  May isa kasing driver ng taxi na inaaway yong poste ng koryente. Ayun, 
bangga siya sa poste at sumabog yong ilaw sa itaas. Wooh parehong expression namin noong lady driver.

NOLI ME TANGERE REVISITED AND CARLOS CELDRAN

Dear insansapinas,

Binabasa ko ang Noli Me Tangere. Noon kasing high school ako binasa ko yan pero madalian dahil required kaming magbigay ng summary. Hindi written ha kung hindi oral na kailangan mong tumayo sa harap ng klase at ikwento kung ano yong nabasa mo.


Sa isang Chapter ay nagbigay ng sermon si Pari Damaso, sa Tagalog at sa Kastila. Ito ay ang kapistahan ng San Diego.Ang misa ay binayaran ng Php 250 na may pangakong mapupunta sa langit ang makikinig at mapupunta sa impyerno ang mga manonood ng dula. HALA. Ito ang excerpt ng summary.
Humaba ng humaba ang sermon ni Pari Damaso lalo na nang ang ginamit niya ay wikang Tagalog.  Ang kaniyang sermon naman ay panay lang sumpa, pang sisisi, galit na isinambulat niya sa sermon. Wala na siya sa dapat niyang talakayin. Sa pagbanggit niya sa isang makasalanan na namatay sa bilangguan, naisip ni Ibarra kung sino ang pinatatamaan nito. Pinaringgan din siya nito sa pagbanggit ng isang mayabang na mistisong salbahe at pilosopo. Alam ni Ibarra, siya ang tinutukoy noon.
Ito naman ang balita tungkol kay Carlos Celdran. Nang umuwi ang aking kapatid isinama niya ang kaniyang asawang poregner at anak na "Bostonian" sa walk tour ni Carlos Celdran.

 

source of photo: Inquirer
 Holding up a placard with the word Damaso on it, tourist guide Carlos Celdran screams at the clergy to get out of politics during Mass at Manila Cathedral. Damaso, an abusive Spanish friar, is immortalized in Rizal’s “Noli me Tangere.” EDWIN BACASMAS
  Popular tourist guide Carlos Celdran was arrested Thursday afternoon after he held a protest in front of the main altar of the Manila
Cathedral while an ecumenical service was going on.
Celdran was arrested by police after he began shouting for the Catholic Church to "stop getting involved" in politics during a ceremony marking the second anniversary of the "May They Be One Bible campaign," a joint effort by Catholics and Protestant leaders to distribute five million Bibles to five million poor Filipino families.


 Nangyari rin sa amin yan ng mga kaklase ko. Gagraduate kami noon, binigyan kami ng placard para ilabas sa oras ng ceremony. Dala-dala ko pero nang magtaasan na nag placard, isa akong Hudas na hindi sumali. Yong sumali ay naparusahan. Withhold ang kanilang diploma at transcript. Mga bata pa kasi kami noon. Dala ng simbuyo ng damdamin.

Kung kapanahunan ni Pari Damaso nangyari yon, baka hindi lang kulong ang ginawa kay Celdran. Pati si Ibarra na maykaya ay tumahimik habang nagsesermon si Pari Damaso. Ang alperes ay hanggang kunot noo lang. Hindi lang naman si Pari Damaso ang pakialamero, pati si Pari Salvi.

Ngayon ay may freedom of expression tayo. Pero ang freedom of expression na yan ay may kaakibat na responsibilidad nang paggalang sa karapatan din ng ibang mamamayan o komunidad.

Law and Order, Robin Padilla and Condom

Dear insansapinas,

I've got an NCIS, Law and Order and Undercovers overload. I missed the NCIS premiere episode last September 21 because it coincided with GLEE and Dancing with the Stars. It is still number one when it comes to viewership, followed by Dancing with the Stars and Glee. I watched it in my computer while watching the Law and Order rerun kahapon. Sobrang kaloka. 


Last night, the second episode of Law and Order SVU was aired followed by Law and Order: Los Angeles' premiere episode for its first Season. Halfway, I was already sleepy. Mabagal ang pacing. Hindi kagaya sa ibang Law and Order series na the characters are moving while talking. Hindi kagaya sa Pinas, ang mga actors at actresses nagdedeliver ng dialogue ng nakatayo ng either nakaharap sa kausap o nakatalikod (kapag sila ay nag-aaway). Tapos zooom ang mukha. ahoy.

Saan ba pupunta ang aking artikul na ito? 

Dahil sa mga balitang ito.


1. Frat war may not have caused Bar exam violence — NBI

"There is no clear angle yet, even the fraternity war. There were five young men around the area who did not look like law students. At this point, they're (NBI) unwilling to state clearly that it's a fraternity war," said De Lima.
Biglang nag-usap yong aking kaliwa at kanang utak.


Kaliwa: Ano ba ang mukha ng law student?
Kanan: Baka yong may nakatatak sa kaniyang noo na SCRA . Alam mo na pagnagbabasa ka ng makapal na libro, inaantok ka at napapatulog ka na ang mukha mo nakasubsob sa libro.
Kaliwa: Ang sabi nila kaya hinala nila frat war kasi may nakita silang lalaki na nakasuot ng t-shirt na may Greek letter.
Kanan: Sabihin mo sa kanila manood ang Law and Order at NCIS, yong mga criminal nakakapagdisguise pa ng Officer ng military.

Kaliwa: Pero dapat di ba huwag muna nilang sasabihin na hindi frat war yan hanggang walang investigation kung hindi, ano naman ang mahihita ng manggugulo at may attempt pumatay na walang specific target.
Kanan: In the first place hindi rin nila dapat inilabas ang pangalan at retrato ng suspect hanggang di siya nakiclear. Kung maggantihan o.binugbog na nga raw siya ng frat members.


2. Aquino tells DLSU blast perpetrators to surrender

 "To those of you who are guilty: The full resources of the state are being unleashed against you. Surrender," the president said in a statement. "Do not add to the troubles you are now facing.

Pag sa showbiz ito, ang sigaw ay. Sumuko na Kayo yo yo yo yo yo yo . Napapaligiran na kayo yo yo yo yo yo.

 3. Imam slammed Robin Padilla
No hindi dahil sa pagpapakasal niya sa Ibaloi ceremony. Hindi rin yong pinagbabalita nila na kasal sila sa Taj Mahal sa India na sabi sa Indian embassy ay di pwedeng mangyari.

Slammed siya dahil sa pagpromote niya ng condom.


"Lilinawin ko, isang aktor lang yan. Hindi yan ang opinion ng religious Islam na kapag ang isang aktor sa kanyang pananamplataya sa religious Islam ay nagsabing ito siya, ay yan na ang tutularan. Hindi po ganyan ang Islam," Moxir said in an interview with Church-run Radio Veritas.

Aray.

Wednesday, September 29, 2010

Gagong Gupit

 Dear insansapinas,
May mga biruan tayong ang tanong ay: Sinong gumupit saiyo? Sagot naman eh, ayun, di na makatayo, binugbog ko na." 

source of photo:  
http://www.nyike.com/the-worst-hair-styles/

Pero sa police precinct commander, ikinulong ang barberong gumupit sa kaniya. 

For giving a police precinct commander a bad haircut, a barber found himself spending time in a detention cell in Cebu City.


Radio dzXL reported Saturday the matter was eventually settled after Senior Inspector Mario Monilar accepted the apologies of barber Jessie Tacumba, 32.


The report said Monilar, head of the police precinct in the city’s Guadalupe district, had asked Tacumba to cut off some hair still visible at the back of his head.


He said Tacumba, who was using electric razor, suddenly shaved off a patch of hair that was not supposed to be removed.(kung comedy ito baka nilagyan ng glue ng barbero yong natanggal na hair. bwahaha)


An irked Monilar had Tacumba arrested over the incident, the report said.(ano kaya ang charge? Manslaughter of hair).

Alam kong mali yan, Abuse of power yan pero kung minsan talaga naman matetempt ka na kumuha ng gas, sindihan ang beauty parlor o barberya pag minarder nila ang iyong buhok.

O di va sa California noon, bagong salta ako, may isang bagong graduate lang yata ng hair styling o taga walis lang yon ng mga buhok na nagkalat ang naggupit ng buhok ko.  Parang Murder she wrote ang ginawa niya sa aking magandang buhok. ahem.  Napilitan tuloy akong bumili ng wig na worth more than 40 dollars para mapagtakpan ko yong aking ulo. Eh minsan nawawala yong mop noong janitress namin. Hinihiram ba naman yong aking hair piece. toink, toink

Tuesday, September 28, 2010

Lito Lapid and Excess Baggage

Dear insansapinas,
May bill naipafile sana si Lito Lapid. Yong bawal ang overloading ng school bags ng mga batang pumapasok sa school. .


"At a glimpse, it seems this practice is good to schoolchildren (but) overloading of school bags can cause side effect to the body of the children... since spinal ligaments and muscles are not fully developed until after 16 years of life," Lapid said in his bill.
Binara siya ni DepEd Secretary. Hindi na raw kailangan ang bill.


Education Secretary Bro. Armin Luistro, however, said that there was no need for a law or a memorandum that would limit the weight of school bags. He said school officials can just look into the issue themselves.
Sinagot din siya ni Lito Lapid, Suggestion lang yon. Para bang yong walang assignment pag weekend, sabi ni DepEd, suggestion lang daw yon pero later on itutuloy din ang pag-implement.



Ang mga maykaya hindi apektado nito. Ang mga yaya ang mga nakukubang magbitbit ng excess baggage. Pero doon sa mga walang yaya ay hindi gumagamit ng may wheels na school bags, talagang pahirap ng a ito.


Noong kapanahunan namin, Jurassic years ago, unladylike kahit elementary pa lang ang gumamit ng backpack (knapsack ang tawag noon). Talagang bag na pambabae ang aming gamit pero ako ginagamit ko sa mga kapatid ko. Mas matibay eh. 



KRIS AQUINO is leaving Pilipinas Win na Win

 Dear insansapinas,
Kasalukuyan akong nanonood ng Dancing with the Stars kagabi ng nagring ang telepono. Dati-rati walang makaistorbo sa akin pagnanood ako ng DWTS. Nagiiscore din ako eh. Naging dancing queen din ako eh. Ahem.

Kaibigan kong showbiz na showbiz. Narinig mo na ba ang balita? Sabi ko alin? Si Kris Aquino, iiwanan na ang Pilipinas Win na Win? 
Ows? Ayaw niyang sumama paglubog ng programa? Hindi tinanggal siya,
Haaaaaaaa? (nabilaukan ng ininom na tea).


Yan lang naman ang gusto ko kay Kris Aquino, sasabihin niya ang totoo. Hindi raw siya nagresign o nagquit sa noontime show, kung hindi inalis siya.


MANILA, Philippines - Controversial TV host Kris Aquino confirmed Tuesday that she is leaving ABS-CBN's afternoon variety show "Pilipinas, Win na Win."
In her official Twitter page, the Philippines' "Queen of All Media" said she did not resign or quit but was asked to leave the show just 2 months after its launch.
"I didn't resign or quit. I was asked to leave Win to make room for new male hosts. I'm honest & humble enough to not lie about the true situation," she said in her Twitter page.
She did not say who will replace her on the show.
"Pilipinas Win na Win" has been plagued by timeslot changes and low ratings since replacing its top-rating predecessor, Wowowee, last July 31.
Aquino, who is President Benigno Aquino's youngest sister, is the third Win na Win host to leave the show. Actor Robin Padilla and TV host Mariel Rodriguez also went on indefinite leave from the show to get married.
Hindi kagaya ni Robin Padilla na totoo ngang hindi na bumalik sa PWNW pero nagsinungaling pa noong tinanong kung totoo. Sabi naman ng hotdog sa aking fridge baka naman naghahanap ng sympathy.


Paano na si Pokwang ngayon na sobrang dikit kay Kris at siya yatang dahilan sa nausyaming pagbabalik ni Willie dahil binalak nitong alisin si Pokwang at Mariel Rodriguez? May kasabihan, "Ang buhay daw parang gulong. umiikot hanggang makasagasa ng tae ng kalabaw". ahek.

Annulment ni Kris
Yong unang reason ng annulmment tungkol sa pastor ek ek will not fly. Siguro, gagapang lang kaya inamend ng mga lawyers Kris ang ground para sa annulment--na pareho silang may disorder ni James.

Monday, September 27, 2010

Emotions, Emoticons, Emote koh

 Dear insansapinas,


Gusto kong mag-emote. Eksyus lang. Gagamitin ko ang emoticons para maexpress ko ang aking emotions sa mga balita.


 According to wiki:
An emoticon is a textual expression representing the face of a writer's mood or facial expression. Emoticons are often used to alert a responder to the tenor or temper of a statement, and can change and improve interpretation of plain text.The use of emoticons can be traced back to the 19th century, and they were commonly used in casual and/or humorous writing.Take note humorous writings.
Itong emoticons sa ibaba ay ginamit na noon pang 1881. Sey. 

1. Pero iba ang gagamitin kong emoticon. Ito ang emoticon ng confused. Yong bang parang si Sisa na lalapit saiyo at tatanungin ka, ikaw ba si Basilio?

(( (?_?)))

Ito mula sa GMA7.

 Aquino boasts of $2.7-B investment pledge from US
Ito mula sa  Philstar.
 Noynoy back today, brings home $2.4 billion in investments
  Ito mula sa Manila Bulletin.

RP Gets $2.8-B Investments

 O nakita ba ninyo bakit confused ako? Ano ba talaga teh ang halaga, bakit yata hindi pare-pareho? Mali ba ang pagkarinig o iba-iba ang sources kasi tatlo nga ang nasa Communications Group.

llll^o^llll lol

 2. Ito ang emoticon ng taas kilay. Parang sinasabing, haah, pakiulit nga.

(o_0)

  The Department of Education (DepEd) is looking forward to a textbook-free education.


But the cost will be high but nonetheless this represents a substantial reform as the Philippines moves into a more information technology (IT)-based education mode, DepEd officials said.
 
Before Luisto revealed the DepEd-USAID meeting on a textbook-free education, Angara mentioned a possible shift from textbooks to a computer-based education after DepEd officials told Angara that their textbook budget for next year is P3.65 billion.
“It is not too early to study such technology,” Angara, a former University of the Philippines (UP) president, told Luistro.
Angara pushed for this radical shift in education as the cost of computers in the international market is decreasing with price tags ranging from $100 per computer in the US to $37 per computer in India.
Pakibaba nga ang kilay ko. Upuan nga lang ng mga school children, wala pa. Yong nanalo sa isang photo contest na Filipina, ang photo niya ay isang batang naglalakad sa mga baku-bakong kalsada na nilalakad niya ng isang oras bago marating ang iskwela. PAlagay ko walang kuryente doon. Ngayon gusto pa nila gagamit na lang ng computer para walang textbook. Hilew. Internet lang sa Pinas ang bagal pa, tapos ito ang iniisip nila dahil mura naman raw ang computer sa India. Hindi lang naman computer ang total cost niyan. Baka kamala-mala, isang gamit lang isang taon, patay na ang computer na yon.  Marami sigurong mabubulok na computer imbes na mga textbooks.


Napanood kaya nila ang Legally Blonde. Kahit may kaharap na computer ang mga students sa klase, marami pa rin silang binabasang mga textbooks.


At sino naman ang baliw na author ng libro na magpapublish ng kaniyang trabaho ng libre sa internet? 
Eh ngayon lang kulang ang mga informationg makukuha sa internet at ang iba ay mali pa. 


Pag hindi ninyo nakuha ang point ko, kailangan ninyo ng intelligence funds. Yong mga nasa budget para tumalino ang mga cabinet secretaries. Aroroy.


3. Ito ang emoticon ng umiiyak at galit.

Squatter Pala Kami

Dear insansapinas,

Pag-ahon namin mula sa bundok ng Mt. Mayon para lumipat sa Menila, lumipat kami sa Paco mula sa Tondo.
Nalipat ng trabaho ang aking pader kaya naghanap siya ng matitirhan namin. May kaibigan siya na inoffer ang kanilang bahay. Dalawang storey ito, gawa sa semento at kahoy. Pareho ng mga ibang bahay doon. Kapitbahay namin may piano pa.  Isang araw sabi ng aking mother, lilipat daw kami sa Pandacan naman (kaya siguro pandak ako). Kasi daw pinaalis na ang mga nakatira roon. Hindi ko pa naiintindihan ang tungkol sa mga squatters.


Nang tinanong ako ng aking teacher bakit ako late nang unang araw pagkatapos naming lumipat sinabi ko na malayo na kasi ang bahay namin. Tanong naman ng aking kaklase, bakit daw kami umalis sa dati naming tinitirhan. Sabi ko gigibain na yata ang mga bahay doon. Sabi niya," Ah squatter kayo". Dahil ang paniniwala ko noon mga nasa slum lang ang squatters, sabi ko hindi kami squatter. Kasi isa hindi naman namin bahay yon. Ikalawa, malaki ang mga bahay doon at hindi mga barung-barong. Hindi ko alam na kahit pala isang building na malaki ay pwedeng squatter. Kagaya noong isang building sa Quezon City na itinayo sa dating estero.


Noong binili ng panganay kong kapatid ang lupa sa Tandang Sora, utos ng kapatid kong unang-unang naging overseas member ng family, ayaw ng aking mother. Ang layo raw. Walang sasakyan, walang ilaw sa kalye at malayo sa school , malayo sa trabaho niya sa Makati. Sabi ng kapatid ko, darating ang araw, ang lugar na yon ay mapupuno ng bahay. Ang Fairview noon ay kadawagan pa. Ngayong nagbalikbayan ako, masyado ng crowded. Hindi kagaya noon na tahimik at makikita mo lang mga bakod ng mga villages na naghilera sa Tandang Sora. Ngayon ay may mga iskwela na at mga commercial establishments.


Inilipat ang mga bata sa Claret at Holy Family, ang high school ay sa Philippine Science High School. Ang iba ay napilitang mag-enroll pa ring pumasok sa university belt kasi nagtatrabaho sila sa araw. Minsan nanood kami ng sine sa Manila, wala na kaming masakyan pag-uwi namin ng gabi kaya ang kapatid kong wala pang karapatang magdrive, ay napilitan kaming sunduin sa corner ng Commonwealth at Tandang Sora. Ang aking kapatid na nag-iintern sa Philippine General Hospital (nursing student siya sa UP) ay natuto nang matulog sa dyip na biyahe ng Taft at Commonwealth. Ginigising siya ng driver. Mahigit isang oras ang biyahe niya. Kaya ano ba yong reklamo na kasi daw it takes an hour para doon sa mga ililipat na squatters para makarating sa iskwela nila at trabaho nila? 


Nang ako ay makapag-asawa at makabili ng sarili kong bahay sa Las Pinas, isa sa mga kaibigan ko ang bumili rin ng bahay. May kaya ang pamilya nila. Tapos ng Medicine ang kaniyang kapatid. Pero lumipat sa isang squatters' colony ang kaniyang mader. Sayang din daw ang lupa na pwede na nilang kamkamin pag ipinaglaban at manalo. Bumili ng jeep ang mother niya at nagtayo ng sari sari store sa squatters. Pag weekend, nandoon siya sa bahay ng kaniyang anak na tinulungan niya sa pagbili noon.


Mayroon din akong manicurist na pumupunta sa bahay. Minsan nag-beg off siya. Magtatayo raw sila sa bakanteng lote na sinabi sa kanila noong grupo ng mga tao na naghahakot ng mga squatters para sa election. Pero sabi ko may bahay naman sila. Sabi niya sayang din.

Sunday, September 26, 2010

Comedy of Errors and Budget 101

Dear insansapinas,


Error 1
Humingi na ng paumanhin ang US Embassy sa pagkakabaliktad ng Philippine flag. Akala yata nila may giyera tayo sa mga jueteng lords at coddlers. ehek

Error 2


Nanonood ako ng JAWS. OO Virginia, hindi ko pa napanood yon. Ang napanood ko lang sa tv ay yong rerun ng mga Jaws 2, Jaws 3 at Jaws ko 'Day.


Kasi noong mga panahong yon, walang may gustong magsama sa akin sa sine lalo pag disaster o horror movies kagaya ng Jaws at ng Omen. Yong Omen, napilitan lang ako kasi pag nagkukwuentuhan ang mga kabarkada ko  hindi ako makasabad. Pero naman, mas marami pa akong nakitang likod ng upuan kaysa sa pelikula dahil panay ang tago ko.


So noong Thursday, pinalabas ang Jaws sa TV. Pinanood ko, close captioned. Nandoon kasi ang isa paborito ko, si Richard Dreyfuss. Sa isang eksena na nagpapakitaan ng mga scars si Robert Shaw (Quint) isang shark hunter at si Richard Dreyfuss, isang scientist na nag-aral ng tungkol sa mga sharks, nabanggit ang USS Indianapolis. Ang USS Indianapolis ay siyang nagdeliver ng unang mga critical parts ng atomic bomb na ginamit sa World War 2. Ito ay binomba ng Hapon at maraming namatay. Ang mga ibang nakaligtas ay kinain ng pating. Isa si Robert Shaw sa mga navymen doon kaya may kagat siya ng pating. Noong nagkukuwento siya, nangyari raw yon sa TINIAN, LEYTE. 


Isip ko may Tinian ba sa Leyte? Ang Tinian nasa Marianas Island. Kapatid nito ang Saipan kung saan nagkaroon ng Battle of Saipan na nangyari noong June 1944. Iba naman ang Battle of Leyte ang sinasabing the Battle of Leyte Gulf, also called the "Battles for Leyte Gulf", and formerly known as the "Second Battle of the Philippine Sea", is generally considered to be the largest naval battle of World War II and also the largest naval battle in history. Siyempre hindi mo papansinin yon dahil hindi masyadong macatch yong dialogue. Kaya lang ito nakaclose-captioned kaya, nakasulat siya.


Error 3
Raymond Bagatsing who is now in the Philippines with his new girl friend...


Asked if they'll marry soon, the twice-married, twice-divorced actor said: "The fact na dinala ko siya rito is one big step. Yung iharap ko sa inyo.  Kasi, after ni Lara [Fabregas, ex-wife], wala na akong hinarap sa inyo na kahit sino.  Kung ano-ano pang tsismis na lumalabas na kesyo naglaladlad daw ako!" he laughed.
Excuse me, paano naman si Cora Pastrana, yong 60 year old na columnist sa US? 

 http://www.pep.ph/news/20116/Actor-Raymond-Bagatsing-marries-60-year-old-columnist-in-US


(aray sumusobra ka na, pakialam mo kung pinakasalan niya at hindi niya iniharap).

Error 4


Isang novel ng isang high profile, best-selling author ang katatapos ko lang basahin. Sinulat niya na may 100 shares of stock daw ang corporation. 


Huh? Hindi pwedeng 100 shares lang ang corporation. Tapos tumagal nag go public sila. Saan nila kinuha ang shares of stock na ibinenta sa publiko? 


Isa pa yong conglomerate ay nagstart as partnership at napagkasunduan ng Board na mag-expand. Huh? 
Wala namang Board ang partnership. Partners meron. Pag may dedesisyonan sila, nagmimeeting ang mga partners, hindi Board. toink toink.

Budget 101

Saturday, September 25, 2010

Robin Padilla and other Pinocchios

Dear insansapinas,

There is an epidemic going on in the Philippines. It is the Pinocchio Syndrome. As if you don't know, Pinocchio is a wooden puppet whose nose bcomes longer when he tells lies.


Robin Padilla
Sa mahaba at patula niyang pagsagot sa mga tanong, sinabi niya na ang lahat ng mga ginagawa niya ngayon tulad ng pagpapakasal at pagpapapakasal at pagpapakasal ay dahil mayroon silang pelikulang gagawin sa Star cinema.



Biglang sagot naman ang Star Cinema, WALANG HIMALA eheste, pelikulang gagawin si Robin Padilla at Mariel Rodriguez. TOink

Ito ang balita. 

MANILA, Philippines - There is no Robin-Mariel film in the offing. Or so says ABS-CBN’s film arm, Star Cinema.


This runs contrary to what controversial action star Robin Padilla had been saying, as quoted by news reports.


In no definite terms, Padilla insinuated that the various activities he and Rodriguez had been doing of late as a couple, including the controversial Baguio “Ibaloi Ceremony” they participated in, is related to a certain "project" with the network.


But aside from that, according to Padilla, he is set to do a movie with wife Mariel Rodriguez, which he said will start principal shooting by the end of this month.



The supposed movie, to be shot supposedly in India among other places, had long been planned.


“Matagal na po iyan na may gusto akong [gawin] for Star Cinema. Nagkasundo na po kami. Ito pong nalalapit na pagtatapos ng September, kami ay tutulak na sa India," said he in a past interview with “SNN.”
Hanep anoh. buking. Pero marami  ring mga Pinocchio sa gobyerno. DABA? Lalo yong mga nabanggit na kasangkot sa huweteng. ang kanilang pareprehong sigaw ay WALANG HUWETENG. 


O sige na nga. Mag-ispadahan na kayo ng mga ilong ninyo.


Pinaysaamerika

Conversation with the Kids

Dear insansapinas,
A friend who has two kids who were born and raised in the US rang me up.


Alam mo pasaway itong mga anak. Bakit? Ito ba naman ang sabi sa akin.


Little boy: Mom, I want a hot dog.
Mom: But you just had a hotdog this breakfast.
Little Boy: Because when I grow up, I want to become a president.
Mom: Why. do presidents eat hotdogs?
Little Boy: Your president, mom.
Mom: Ow.
Little girl: Is Philippines, very poor mom?
Mom: Why?
Little girl: Because your president eat hotdogs only.
Mom: Naah, he just wanted to eat hotdogs in NY.
Little Girl: Why. don't you have hotdogs in the Philippines?
Mom: We do. You can buy them from the sidewalk too.
Little Girl: But you told us not to buy food from the street vendors. You may never know where they come from.


Wala akong lusot, mare. 


Ako rin nagluluto ng hotdog. Hindi hotdog ang tawag namin. Chicken Franks, kasi galing sa chicken


Pinaysaamerika

Friday, September 24, 2010

911

 Dear insansapinas,
Inaaway ko naman ang sarili ko, yong left brain at right brain ko pero hindi ako nang-aaway ng ibon. That's cuelty to animals. OO na minsan kinakakatukan ko ang mga ibon sa aming balcony dahil mag-iiwan na naman sila ng dumi nila, pero hindi naman ganito na inaway yong kaniyang alagang loro.


ANN ARBOR, Mich. – A 49-year-old Jackson man has been arrested in Ann Arbor following a fight with the pet parrot carried in his backpack. Police told Annarbor.com for a story Wednesday that witnesses reported the colorful bird was shaken so violently that its feathers were scattered.

Three 911 calls were made following the Tuesday night incident. Lt. Renee Bush said the parrot was "squawking loudly" when officers arrived.


But the bird was fighting back, leaving one of its owner's thumbs "scratched and bloodied."
Kawawang loro.Kayo sino ang inaaway ninyo?

Pinaysaamerika

Justin Bieber and Eddie Fisher

Dear insansapinas,
 Wala akong napanood na movie ni Eddie Fisher, wala akong narining na kanta, ang alam ko, naging asawa siya ni Elizabeth Taylor na iniwanan nang makilala si Richard Burton. Before that, iniwanan naman ni Eddie Fisher si Debbie Reynolds, ang mother ni Carrie Fisher, princess Lea ng Star Wars para pakasalan ang kaibigan nitong si Elizabeth Taylor. Napangasawa din pala niya si Connie Stevens. Who she? Isang famous singer din at actress.


Eddie Fisher died at age 82. 


Justin Bieber
Guest siya sa CSI. Suspected bomber at age 16. Natsismis na girl friend niya isang Filam. Pero naging interesado ako doon sa CSI (Premiere presentation ng latest season)  sa pinakita nilang mga roaches na mga nocturnal pests ay lumabas ng araw. Para bang mga bampiro na sa gabi lang lumalabas tapos ay biglang nagsayawan sila sa maliwanag na araw. Ang explanation noong bomb expert, na-attract sa ilaw na ini-emit noong bomba. Food for the brain. Roaches, ewww.

Pinaysaamerika

Thursday, September 23, 2010

Bawal ang Pangit Dito

Dear insansapinas,

Nabasa na ba ninyo ang article ni Katrina Stuart Santiago, the Charice Challenge Yong mga pintasera (aray, tumama ang bato sa akin) basahin ninyo. Agree ako sa lahat ng sinabi niya. Kung susumahin kasi, gamit ang abacus o kaya ang di pukpok kong calculator, ang ating local showbiz ay parang may nakalagay na signage na nagsasabing Bawal ang Pangit dito.


Hindi naman talaga pangit kung hindi plain jane ka lang, walang dugong mestisa na matangos ang ilong at makinis ang balat, matangkad at seksi ang katawan. Pag ikaw Pilipinong Pilipino sa ayos, sa salita at sa gawa, ay 'day relegated ka lang sa mga aupporting roles, binabatuk-batukan o kaya isang sahog ka lang sa sabi ni Katrinang smorgasboard. Pag may kapangitan ka naman talaga ay gagawin kang komedyante kasi ang anyo mo ang pagtatawanan nila. toink toink.

Kaya nakita mo ang mga singers at artista ngayon na sinasabing hindi tumatanda, eh mga salamat kay Dr. Belo o Dr. Calayan naman ang mga beauties niyan. Noon si Sharon Cuneta, minsan ang eyebag niya mahihiya ang dalawang bayabas sa lalaki pero kinabukasan wala na. Ang kaniyang timbang ay yomoyo pero papayat pa rin siya. Kasi kailangan nilang magpaganda.Kaya di ba gustong pipiin ni Vicky Belo ang pisngi ni Charice dahil sa kaniya ang artista ay dapat maganda.


Si Nora Aunor noon ay nabalitang nagpanoselift. Ewan ko di ko alam kung totoo kasi nasundan ko si Nora noong siya ay batikan ng artista hindi as a singer at hindi sa mga pelikula niyang mga kunting romansa pagkatapos sayawan at kantahan na.


Mas gusto ko noon si Sharon sa mga kanta niyang Mr. DJ, hekhekhek at mga kanta ni Rey Valera na kinakanta niya


Sa bahay namin ang daming long Playing Records, bili ng kapatid kong panganay na may ambisyon ding maging singer. LP  kasi pag nagsermon si mader, long playing din...mga records ni Frank Sinatra (ewan ko ba naman bakit gusto nila si Frank Sinatra) eh hindi naman ako nagagandahan ang boses niya; si Andy Williams, Mat Monroe, Perry Como (na ang pakinig ko noon ay pare-pareho ang boses pero di ko alam ang ma mukha ) salamat sa youtube at nakilala ko na sila ahohoy may pinapakinggan kasi ako palagi. Ahem.


So balik tayo kay Charice. Maraming natuwa at marami ring mga namintas kay Charice sa paglabas niya sa GLEE. Sikat siya sa US pero sa Pilipinas hindi pa siya tanggap na phenomenal star.


Pintasan mo ba naman ang acting niya ay di naman drama ang sinalihan niya. Kung hindi okay ang acting niya siguro pinagsabihan na siya ng director. Hindi rin naman dramatic series yong GLEE. Okay ako sa mga nagcomment sa galaw ng kaniyang mga kamay. Pero kung siguro sila rin ang nasa harap ng camera o nasa stage, merong mga body movements ka na gagawin para lang maitago ang iyong stage fright. Sa ibang mga artists (lalo na yong mga foreigners, nagdudroga sila) para lang magkaroon ng confidence. 
I should know, madalas din ako noong nagpeperform ( yon bang pasirko sirko at kumakain ng apoy) ahek. noong istudyent pa ako.
Huwag mong isnabin, Virginia, ang iba sa kanila ay nasa showbiz na. Miyembro ako ng isang dramatic club noon at pag lumabas kami sa stage, ang mga kasamahan ko ay maraming mga mannerisms na lumalabas. Ako raw ay panay ang kumpas para bang may kaharap akong banda. At pag kumanta naman ako Ahem, ahem, ang movement ko ay sideways. bwahahaha.

Wednesday, September 22, 2010

Charice, Mga Engot at Dementia

Dear insansapinas,

Naglabasan na ang mga comments tungkol kay Charice at sa pagguest niya sa Glee. isang comment na nabasa ko ay derogatory raw yong assumption na limited ang English niya as foreign exchange student. SUS naman. Ano namang derogatory doon. Yon na ang expectation sa mga foreigners, mag Filipino at ano mang lahi na pag hindi ka taga US, talagang limited ang Eng lish mo dahil iba ang conversational English dito at yong pinag-aralan natin sa school. Pati ang accent ay iba-iba depende sa States. Iba ang accent sa Noyook, Boston, Texas at San Francisco. Ay day maloloka ka rin. 

Kahit na yong mga magagaling na magsulat ng English sa Pilipinas ay mahihirapang magcommunicate pag bagong saltada pa lang. 


Bostonian accent : howahya. i whent to pahk the cah in harvahd pahk, i went to tha bar.
they  dont speak with our r's.... words that end in a.. change to a word ending in er..

Ako noong una di ko maintindihan yong BALBO PAK. Akala ko balbon at Pak. Yon pala BALBOA Park. toink toink toink

Di lalo naman sa Texas anoh. Talagang heavily accented sila. Tapos ang mga engot na ito ay hindi nila alam ang mga Filipino rin ay nag-aassume na dahil Puti o Itim hindi marunong magsalita ng Tagalog.


Ito ang kuwento ng kaibigan kong kuliglig. Sumakay daw ang dalawang Pilipino sa bus sa San Francisco. Naupo sila malapit sa driver na itim. Inassume nila na hindi marunong ng Tagalog ang driver kaya sabi nila yong driver daw parang unggoy.


Kung naintindihan ng driver ang mga insulto ng dalawang Pinoy, hindi niya pinahalata. May umakyat na isang Pinoy at kinumusta ang driver.


Sagot noong driver. Ito uungoy-ungoy. bwahahaha. Biglang baba yong dalawang Pinoy. Ang asawa pala noong Itim ay Pilipino.


Mayroon din akong nasakyan na bus na ang driver naman ay Italiano. Daldal siya ng daldal sa Tagalog. Hanap ako ng hanap nang nagsasalita sa Tagalog, siya pala. Dalawa niyang naging asawa, mga Pinay. Tinuruan pa siyang magmura ng Pu... leche.


Breakthrough sa Alzheimer's o Dementia

Dancing with the Stars and Glee

Dear insansapinas,
Galit ang aking remote control sa akin. Bah eh, napagod siya kagabi kapapalit ko ng channel. Sa Fox kasi yong GLEE at sa ABC naman yong Dancing with the Stars.

Unang arangkada, talsik ang the Guinness World record most watched TV personality na si David Hosselhof, the former star of Knight Rider (crush ko siya noon, "kilig)" at nakita ko pa si KITT (yong nagsasalita niyang kotse)sa Universal Studios. Sa Baywatch, hindi ko na siya pinanood. Wala na siyang fan base dito sa US pero big star pa rin daw siya sa Germany kaya natalo pa siya ni Situation (Mike Sorrentino ng Jersey Shore).


Ang malaki ang chance na manalo ay si Jennifer Grey, ang kapartner ni Patrick Swayze sa Dirty Dancing (hindi ko napanood, pero nakita ko ng padaplis-daplis sa rerun. Siya rin yong sister ni Matthew Broderick
sa Ferris Bueller's Day Off. Aba eh tapos naman siya ng Dalton Dancing School.


Ngayon ko rin nalaman na anak pala siya ni Joel Grey ang MC sa Cabaret na nanalo ng award Sa Tony.
Gusto ko siya doon sa isang movie where he was supposed to be the kung fu teacher of the hero. Ang problema pag palabas ang isang teleserye, hindi mo siya maalis sa harap ng TV. hehehe.


GLEE


Frankly, hindi ako nanonood ng GLEE dahil kasabay ito ng paborito kong series na NCIS. Rerun ang NCIS kaya, panood ako ng iba.

Tuesday, September 21, 2010

GLEE, gleng gleng ni CHARICE

Dear insansapinas,

Dalawa ang pinanonood ko ngayon ang Dancing with the Stars kung nandoon isa ring FILAM na si CHERYL BURKE at ang GLEE, kung nasaan si CHARICE.

Ang galing ding umarte ni Charice. Di siya pahuhuli sa mga kasama niya. At nabanggit  ang Philippines anoh. Sey mo? Sa selos sa kaniya noong isang character doon, binigay sa kaniya maling address para sa audition sa Glee. Nakapunta siya sa crack house.


May isang character doon na pinagalitan ng asst. principal dahil nagpaboob job eh bata pa. Para bang botox na hindi dapat pa sa mga bata. Hello Belo? 


Buong kanta ang pinatapos sa kaniyang pag-audition samantalang ang iba ay hindi naman.


Pinaysaamerika

Arroyo and Cruz

Dear insansapinas,


Gusto ko itong retrato na ito ni Bishop Cruz. Para bang sinasabi na " ang cute cute ng batang ire". Ang batang ire ay si Brigadier General Bacalzo. hehehe cute diva, yong retrato nila.


Ang pagkikita ay sa jueteng probe kung saan pinangalanan ni Bishop Cruz ang mga anak ng huweteng. 

Lacierda binuweltahan si Joker Arroyo

Binuweltahan ng Malacanang si Senador Joker Arroyo dahil sa paglarawan nito sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na tila pinapatakbo na parang “student council."

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, inisa-isa ni presidential spokesman Edwin Lacierda ang mga magagandang nagawa umano ng administrasyon sa loob ng mahigit 80-araw ng pamumuno ni Aquino.

Naalala ko tuloy noong ako ay istudyent pa at naitulak na tumakbo bilang Vice President. Sabi ng mga kaibigan ko yon daw ang pinakamagandang puwesto, walang ginagawa. Tapos`bilangan na. May nakatabi akong isang lalaki. Parang pamilyar ang mukha. Mas matanda nga lang. 

Monday, September 20, 2010

Super Salmon

Dear insansapinas,
Narinig na ba ninyo itong Super Salmon. Hindi siya lumilipad, hindi siya nagkakaroon ng mga kukong mahahaba, hindi siya nakakatalon sa matataas na building, pero malaki siya. Dahil ito ay genetically engineered. Kita ninyo sa retrato? Hindi po sila mag-ina.
Yong malaki ay gawa ng siyensiya at yong isa ay pinalaki ng maraming pasensiya. Ehek.

Here is the news about the salmon.

Fish or Frankenfish? A Massachusetts company wants to market a genetically engineered version of Atlantic salmon, and regulators are weighing the request. If approval is given, it would be the first time the government allowed such modified animals to join the foods that go onto the nation's dinner tables.

Report ng IIRC sa Rizal Park Hostage Taking

 Dear insansapinas,

Sinumite na ang report ng IIRC at ano fa eh di ganoon na nga ang mga obserbasyon at mga taong kakasuhan daw. Una ay ayaw nilang i-publish. Kaya lang binira sila ng mga congressmen.  
Ikalawa ay dadalhin daw ang report sa China ni VP Binay at DFA Secretary Romulo. Ngayon isinumite na lang sa Chinese Ambassador sa Maynila. 

President Benigno Aquino on Monday said the IIRC recommended the filing of criminal or administrative complaints against 12 individuals and 3 media companies for the hostage crisis.
Among those facing possible administrative or criminal charges are national police chief Jesus Verzosa; then Manila Police District chief Rodolfo Magtibay, National Capital Region Police Office chief Leocadio Santiago, chief hostage negotiator Manila Superintendent Orlando Yebra, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno, Chief Inspector Santiago Pascual, head of the Special Weapons and Tactics (SWAT) team, Ombudsman Merceditas Gutierrez, Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III,  TV5's Erwin Tulfo, Radio Mo Nationwide's (RMN) Michael Rogas, Manila Mayor Alfredo Lim, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, and broadcast networks GMA-7, ABS-CBN, and TV5.

Meron nga kayang ulong gugulong?

Galing kay Ellen Tordesillas, ito ang ilan sa mga kasalanan ng grupo.

Sunday, September 19, 2010

Friday Sickness, TGIF, No Assignment to bring on Friday

Dear insansapinas,

Friday sickness
Huwag na huwag kang magpafollow-up ng mga papeles pag Friday. Wala kang makikitang masyadong empleyado sa mga government offices sa Pilipinas. May Friday sickness sila.


TGIF not


Bakit ang reports, sinusubmit pag Friday? To buy time para mabasa at mapag-aralan ng weekend at makatago sa Press. toink.


Bakit ang mga warrant of arrest, sinserve pag Friday. Para hindi makapagpiyansa.


Bakit ang mga tseke, innissue pag Friday. Para di ma iencash ng weekend. May time maghanap ng pera kung walang pera.


No Assignments on Friday.


Tinuturuan ng Deped na maging tamad ang mga bata. Sandali, bago ninyo ako batuhin ng jolibee na may kasamang diet pepsi, pwede itong regulasyon para sa elementary mula grade 1 at grade 3 kung saan hindi pa naman kailangang malaman ng bata ang mga phylom, sub phylum ng mga iba't ibang kaharian ng hayup at halaman, ang history ng mundo at ang mga culture ng ibang lahi, sasanayin ang mga batang magpaeas-easy pag weekend, maging complacent ng dalawang araw tapos biglang sabak na naman pagdating ng Monday.


Ang dapat sigurong gawin ay balansehin ang assignments para matuto ang mga batang magmanage ng kanilang time. Isang training din ito.


Pwedeng ibigay na ang assignment for the whole week para utay-utay ang paggawa ng assignment. Anong ginagawa ng syllabi ng mga teachers o wala silang lesson plan na ginagawa lang nila sa gabi bago pumasok?


Pinaysaamerika

Saturday, September 18, 2010

Robin Padilla- Walang bawian

 Dear insansapinas,


Wala akong pakialam kung magpakasal si Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa itaas ng puno o kaya sa ilalim ng dagat. Wala akong pakialam kung sinasabi nilang legal ang kanilang kasal sa Ibaloi tribe custom.  Wala rin akong pakialam kung ikinasal na naman sila sa pastor na siyang naging basehan ng annulment ng kasal ni Kris Aquino na hindi naman sila miyembro ng simbahan na yon. Muslim si Robin at Katoliko si Mariel Rodriguez.


Wala akong pakialam kung sabihin ni Boy Abunda na hindi niya alam na kinasal na pala silang dalawa. Haa?
 Ows, sila pa ? na dapat  alam ang lahat ng tsismis. eksplosibo!!!, eksklusibo!!! Ha? Pakisuntok mo ako. 


Pero kung babawiin ang sinabi nilang kasal at gustong ipahiwatig ni Robin Padilla na merson silang proyekto, sobra na sa Gimik yan. Tseh.


Ito ang balita ng kasal:

Mariel Rodriguez and Robin Padilla married each other twice in Baguio City last Monday, September 13.

The first ceremony was conducted by an Ibaloi native priest while the second one was officiated by a pastor.

According to a report of TV Patrol aired earlier today, September 16, a native priest named Jimmy Ong officiated the Ibaloi ceremony that lasted for one and a half hours.

Also known as a mambunong, Ong said that the ceremony took place at around 3 p.m. at Camp 7 in Baguio City.
 Ito ang denial pagkatapos i-congratulate ng lolo ni Mariel Rodriguez ang apo.


MANILA, Philippines – Was their Igorot wedding for reel or real?
Actor Robin Padilla reportedly denied in an interview with ABS-CBN's Gretchen Fullido on Saturday that he and Mariel Rodriguez tied the knot in Baguio City last Monday.
“Hindi po iyan kung ano ang mga bagay na ating nakikita at naririnig ay yun na po yun,” Padilla told ABS-CBN News.
Asked for his response to his daughter Queenie's congratulatory message, Padilla said: "Congratulate? Saan? Huwag kang magalala anak, darating ang panahon, ma-cocongratulate mo ako ng harapan."

Pati matanda niloloko ninyo.

No Travel insurance

Dear insansapinas,
Tumawag na naman ang aking kaibigan. Tinatanong kung ano ang difference ng angioplasty at by-pass.. Yong kaibigan ko sa New York na slim at healthy-looking at bata pa ay nagkaroon ng angioplasty, a year ago. Para raw yong baradong tubong papasukan ng balloon catheter para linisin ang mga nakabara.


Mahilig tumawag sa akin yon para lang ipaalam na masarap ang kinakain niya, adobo, lechon, at iba pang artery clogging food.


Yon namang naging tenant ko ay nagkaroon ng by-pass. Diabetic naman siya. Ang by-pass naman ay may inilalagay na graft para siyang daanan ng dugo dahil barado nga ang arteries. Parang dinivert ang flows.


Sabi niya bakit daw ganoon kamahal. Yon daw palang Php 1.5 million ay hindi kasama ang doctor. Sabi ko maraming doctor kasi ang involved diyan, hindi lang doctor sa puso. Lahat yan magpapadala ng  separate na bill. Icoconsolidate na lang sa statement sa hospital.

Friday, September 17, 2010

Crookedest Street

Dear insansapinas,

Between San Francisco and the Philippines, there is a lot of things to see and places to visit in the Philippines. 

In San Francisco, you have only Golden Gate and Crookedest Street. Well, there is the  The Fisherman's wharf which  is nothing but a haven for souvenir-seeking tourists and a good place to eat sourdough and overpriced clam chowder.

This is the Crookedest Street in Lombard Street in San Francisco.

This morning, I am watching Dirty Harry, a Clint Eastwood movie. Just got interested why Alfredo Lim was branded as Dirty  Harry. The movie was shown in 1971 and it was shot in San Francisco. During the chase, Clint Eastwood was shown driving in the Crookedest Street. Wala pang masyadong bahay at madawag. Now look at the picture. Hindi na talaga kalye, parang park lang na maraming mga bulaklak at mga bahay sa bawat sides. Yes Virginia, mga bahay yan, walang mga commercial establishments na nakahilera diyan sa kalye. Tuloy-tuloy lang ang drive. Walang hintuan. 

Noong nag-aaral akong magdrive para sa aking driver's license, sa Streets of San Francisco ako dinala ng aking tutor. Akala ko dadalhin niya ako diyan. Galing ko. Ahem. Parang bundok ang mga kalye, hindi mo makita ang makakasalubong sa kabilang kalsada. Pag pabulosok, break lang ang tatapakan mo dahil gugulong ang sasakyan kahit hindi mo tapakan ang gas.Unang test ko bagsak. hehehe. Layo ng parking ko sa gutter. 

Diabetes

Dear insansapinas,
A few days ago, my friend called me to ask how to bring a deceased back to the Philippines. He died while the ship was in US territorial waters. He was her brother-in-law, a seaman. I advised her to cooordinate with the shipping agency because he died while on duty.


He died of kidney failure due to complications of diabetes after being in a coma for three days. He was not aware that he was diabetic. They have no relatives in that state where he was brought in the emergency ward of a hospital. 

Even i was not aware that I was diabetic not until I lost consciousness when I was all alone in my home. When I woke up, I was shivering. No amount of heat can stop me from shaking and feeling cold.

The following night, again, I fell inside the bathroom. I was lucky that my head fell outside the toilet where there was a heavy carpet.
I called up my friend when I regained consciousness. For how long i was knocked out, I did not know. I did not even know where I was. Early morning, I was brought to the doctor by a friend. My blood sugar was 400 up. She was amazed that I was still standing up and she said that I got a lucky angel  when I did not fall into coma when I lost consciousness not once but twice. Masama ngang damo eh.


Yesterday, my friend rung me up again. Her husband is already in the Philippines waiting for the casket. The agency took care of the hospitalization and the shipment of the body which ETA is going to be this Sunday. With him are his parents who flew in from Canada. His siblings also arrived from other parts of the world for the burial of the eldest son.


His parents are permanent residents of Canada.


She said that the family needed Php 1.5 million, not for the burial expenses but for the mother who suffered from cardiac arrest. The mother is also diabetic and was found to have clogged arteries. She needed a by-pass. The stress in the travel and the anticipation for the arrival of a dead son must have taken its toll. She is now  confined in St. Luke's.


I advised my friend  to consult the medicare coverage of the mother-in-law in Canada. She is elderly and is covered by government health insurance. Here in the US, if the medicare patient travels outside the United States, the hospitalization is paid by the medicare as long as the person remains a US resident. Those who chose to live permanently outside US no longer enjoy the medicare coverage.


Last night, she called again. They still need the money although they can claim for reimbursement later from the medicare. The old woman was stressed and dehydrated due to hot weather in the Philippines.


My friend-doctor in the Philippines wrote that the heat in the Philippines can kill diabetic and hypertensive patients especially if you come from a country with cold climate.


Pinaysaamerika

Thursday, September 16, 2010

OFWs Promote Tourism

Dear insansapinas,
Remittances are not the only contributions of the OFWs and Overseas Filipinos. They also promote tourism thru word of mouth. They become tourists in their motherland. Bicol Region with its majestic Mayon Volcano, Hoyophoyopan Cave and Cagsawa Ruins is one of the tourist destinations  down Southern Luzon. I know, I was born in Bicol and unlike some Bicolanos who did not have a peep on the beautiful volcano, I had been to these tourist spots.


A friend of mine, a lovely expat had just been there with her family upon the invitation of a friend. She sent me several photos na muntik nang magiba ang aking mailbox sa bigat. makikita ninyo ang mga photos sa ibaba. Ororoy. Kaya masama ang loob ko na binawasan ang budget para sa mga OFW .  Ang laking pera ang ginagastos ng mga balikbayan sa mga tourist spots na ito. Ito ang igaganti nila. Tseh.

Ito ang Cagsawa Ruins. 

Hindi ko alam kung sumasaludo ang nasa pic, o nakalimutan niya ang kaniyang expensive na eye shades o gusto lang niyang suklayin yong buhok niyang gagong eheste bagong gupit. bwahahaha


In 1814, Mt. Mayon, in the province of Albay, the Philippines, erupted and devastated the surrounding communities. This is what remained of the Cagsawa church, whose bellfry has remained standing as a mute testimony of the enormous disaster caused by flowing lava. Some 1,200 people sought sanctuary in the church, thinking that they would be saved from the fury of Mayon volcano.
Ito ang close-up niyan. hindi noong turista kung hindi yong Cagsawa.


Nang huli ako mapunta sa Cagsawa ay bata pa po ako. Adventurer. Umaakyat ng mga bundok, nagbabaging sa gubat at tumatawid sa mala Indiana Jones na mga hanging bridge. Hindi pa masyadong developed ang nasa paligid ng Cagsawa. Hindi kagaya ngayon.  Noon para  nga lang karaniwang lumang simbahan na naputol ang belfry. Mataas ang simbahan at kung ang belfry na lang ang natira, ang daming lahar o lava ang nagbaon dito sa eruption ng Mt. Mayon. Ang pinagtataka ko ay bakit mayrong mga broken sea shells doon.


Ito ang Mayon Volcano (short for Magayon which means beautiful in Bicol).
Maraming bundok sa Bicol pero hindi mo siya mamimiss. Ang iba baku-bako ang paligid ng bundok. siya almost perfect cone.  Noong bata pa ako, naalala ko sumama ako sa grupo na na aakyat sa bundok  pero hanggang sa mababa lang kami nakarating dahil takot ang mga matatandang lider na mapahamak kami.


Kaya pinagbuntunan namin ang Mt. Bulusan kung saan nakarating kami sa kahalatian, nagtayo ng tent at naglaro ng flashlight dahil kami ay dinadaanan ng ulap at almost zero visibility. Parang sasakyan.

Dito makikita ang Mayon Volcano. Pwede ang photoop. Noong umuuwi kami sa Albay, ang probins ng aking mader, nakikita namin siya mula sa bus na sinasakyan namin. Pakiramdam ko ba sinusundan kami kahit saan magpunta.


Nang ako ay lumaki na at may mga projects sa Bicol na dinadalaw, kasama namin ang mga Germans. 

Wednesday, September 15, 2010

The Venting Place

 Dear insansapinas,
Pambihirang negosyo ito, basagan. Hindi ng mukha kung hindi ng mga pinggan, tasa at baso. Mas malaki ang binasag, mas mahal.


Stress reliever daw.


TOKYO - It's a smashing sort of therapy for the stressed: a Japanese entrepreneur is offering those strained by the financial crisis a chance to vent by hurling crockery against a wall, and then paying for it.In a corner of Tokyo's bustling electronic gadget shopping district, a group of chiropractors, led by Katsuya Hara, dish out plate-smashing therapy from a truck named "The Venting Place."
And the cost depends on how much you need to destroy — small cups can be smashed for 200 yen ($2) each, while bigger dishes go for 1,000 yen ($11).

May kakilala akong mag-asawa ang kanilang lambingan ay basagan din. Liparan din ang mga baso, pinggan at tasa pag sila nag-aaway. Lalo pag natalo si mister sa casino.


Pero habang ang nagbabatuhan sila ay darleeng ang tawag nila sa isa't isa. *heh*


Ako may stress reliever din noon. Manika. Tinutusok-tusok ko naman. hehehe


Pinaysaamerika

Tuesday, September 14, 2010

Beef Stroganoff si Lady Gaga

Dear insansapinas,
Tinalo niya pagkagimikera si Cher at si Madonna. Si Lady Gaga talaga kahit ano susuotin kahit magistula pa siyang timbangan ng karne.


Kung beef ito, niluto ko na ito sa slow cooker na beef stroganoff at kung ito naman ay pork, pwede kung gawing adobo. mmmmmm.

Pati hair accessory niya karne. Parang gusto kong habulin ng soy sauce at budburan ng black pepper saka pigaan ng kalamansi. yum.

Eh sabi may maggot na raw. Bah parang yong karneng baboy damo sa itaas ng lutuan ng mga lolo at lola ko. Smoked meat pero may nahuhulog na mga uod. ngiiii. Pero masarap naman pag inihaw na at pinagpag ang maliliit na uod.