Advertisement

Tuesday, December 22, 2009

Pre-Christmas Jitters

Dear insansapinas,

Kuwento ng kaibigan ko.  


Tingin sa relos. Tingin sa gift boxes. Tingin sa Christmas wrappers. Tingin sa ribbons. Pwede pa. Kasya pa.


Hum ng LSS, Rodolf the Red nosed Reindeer. 


Last box. Alas tres na ng madaling araw.  Tulog na ang lahat. Kahit ang mouse ay antok na rin.


Sinalansan niya ang mga regalong binalot niya sa ilalim ng Christmas tree. Ngayon lang niya natapos kasi panay ang overtime.


Ni hindi pa siya napapatay ang ilaw. humihilik na siya.


Biglang tayo. Tanghali na pala. Kailangang tumakbo sa grocery para bumili pa ng kailangang ingredients sa luluturing noche buena.

Daan muna sa kusina. Kape na walang gatas. Pampagising sa inaantok na diwa.

Punta sa sala para macheck ang mga regalo.

Prrrsssst. Biglang nailuwa ang kape hindi dahil sa init.

Ano ang nangyari sa REGALO. Bakit lahat bukas?

Tumili.......................

Dating ang 3 year old na batang babae.Nerbiyos na lumapit.


Mommy: Ano ang nangyari sa mga regalo.


Girl: Gusto ko kasing malaman ang regalo ko. (Singhot).

Mommy: Pero mamaya pa ang Pasko. Saka sana tiningnan mo na lang sana ang card. Bakit kailangang buksan mo lahat.


Girl: Si Kuya rin naman nagbukas eh.


Kuya: Pero sinasara ko rin ulit.(Laki ng mata sa kapatid). Ikaw pinunit mo.


Girl: kasi sabi ni Lola yon. Pag binuksan ang regalo kailangan sirain para marami pang dumating.


Kablag. 


Pinaysaamerika




4 comments:

Lee said...

nyaaaaaahahahahaha.
baka kung ako dilang maibuga ang kape, bka maipaligo ko pa sa sobrang frustration hhahahaha.
buti nalang pala sa bahay walang ganyan kung hindi
tiyak malamang patay yan dun sa makukulit na chikiting sa bahay hahaha.
walang nangyari sa pinagpuyatan,
ibabalot ulit hahaha.

hoooy mga de puger kayong mga bata kayo, grounded kayo ngayon grrr, go to your rooooms eeeeek!

cathy said...

lee,
ngayon daw, wlang laman ang mga kahong binalot niya. decoration lang.

Lee said...

hahaha diba ganun nga karamihan nung mga gift na nakalagay sa my xmas tree?mga props nalang
wala ng laman hahaha
diba sa news my batang 3 yr old lasing my bitbit na beer tapos ninakaw yung gift dun sa my kapitbahay hahaha masyado ng weird diba.

cathy said...

lee,
haynaku naniniwala ako doon kasi may kailala ako, bata pa ang anak, may criminal mind na. whoa