Advertisement

Monday, December 21, 2009

Puto Bumbong, Bibingka at Simbang Gabi sa US

Dear insansapinas,

photocredit:padala via e-mail galing sa flickr

photoforwarded

When I was in Calif, I attended simbang gabi or more of  a dawn mass kasi it was held at 5:30. The church is only two blocks away from my house. I go to work at 9:00 so I have plenty of time to spend especially after the mass when there was food galore...free. Alam naman ninyo ako pag free, lumalaki ang tenga ko. ting ting ting. Sa laki, pwedeng maging bells.


Yong Simbang Gabi coordinator ang nag-aassigned sa mga parishioners kung sino ang toka sa pagkain. Madali lang yon kasi meron silang private school so siguro, ang mga students ang nagsasabi sa magulang na maging cooperative.Predominantly mga Fil-ams ang nag-aaral sa Catholic school na ang tuition fee isang buwan ay pwede ng magbuhay ng isang pamilya sa Pilipinas. Kayod and Pinoy parents para doon mag-aral ang kanilang mga anak sa Catholic school. Safe sa bullying ng mga ibang lahi at at least ay disiplinado ang mga bata. Disiplinado raw oh.


Balik tayo sa simbanggabi.


Minsan lang yata akong nakakain ng puto bumbong. Sandaling naubos. Siyempre sabik ang Pinoy kumain ng puto bumbong. Karamihan naman na handa sa simbang gabi ay arroz caldo (hmmm, masarap din yong iba. Yong iba naman parang tinorture  lang yong manok at pinalangoy sa magkahalong tubig at bigas). May pancit na maputla. Hot dog ang nasa ibabaw.


Meron ding bibingka na pag lumamig, puwede mong gawing hilod sa tigas.  (laitera ko talaga, kumakain lang naman ako). kasi naman ang lutuan nila ay hindi katulad sa atin na may apoy sa itaas at may apoy sa ibaba. Ang niyog pa ay thawed na coconut powder. Kasi wala namang kudkuran dito anoh.


Noong mga Hispanic naman ang sponsor, talagang di na ako kumain. Napilitan tuloy akong umuwi ng maaga para magbreakfast. There goes my free breakfast. Ang aga-aga kasi may chili. Taga Bicol ako, pero di ako mahilig sa maanghang.


Dito sa East Coast, wala akong mapuntahang simbang gabi. Missed ko tuloy sa Pinas kung saan, aga kong gumising, Magbibihis, magmemake-up ng kunti para di halata ang isang kilong eyebags tapos matutulog sa simbahan habang ang pari ay nagdedeliver ng kaniyang homily.


Ganito scenario.


Pilit bukas ang mata pero talagang mabigat. Bagsak sa kaliwa. Gising. Katabi, nakaingos. Tulog ulit. Bagsak sa kanan. Katabi, ingos.


Minsan biglang tumayo, nagkakanta, hindi pa naman pala dapat. Naalimpungatan. Dahan-dahang umupo. Pilit pinaliliit ang sarili.


Pagkatapos sabihin ang Dominus Vobiscum ng pari, takbo sa labas. Waaah ang haba na ng pila sa puto bumbong at bibingka.


Pinaysaamerika

salasalawikain:
Ang mahirap kunin ay masarap na kainin lalo kung di pa ubos.

5 comments:

Lee said...

nyahahaha yan din ang inaabangan ko sa simbang gabi, bibingka at puto bumbong,lalo
na yung mainit pa at isusubo mo ng umuusok pa kasi malambot pa sasabihin tuloy nung matatanda, salabusab na bata nyahaha.

speaking of catholic schools.
thats the reason why kaya ako nakakuha ng property sa alabang,im dying to get my son enrolled to that school (Bene) kaso the school refused to get my son enrolled, akala ko naman dahil kasi galing sa abroad yung anak ko e kumpleto naman ang papers and besides yabang ko pa, kako sa internationan british school galing ang anak ko, bokya kami, di dahil dun, dahil pala sa religion namin, at ang bastos na school master pwede namang sabihin ng maayos e bastos pa kausap,
so na turn off na rin ako,
ganito ba kako klase ang papasukan ng anak ko?
kala ko pa naman kako e dito matututo ng matino anak ko,
so forget it, most of the catholic schools refused sila kahit till now, dahil pa rin sa religion huh, nyehehe.

Lee said...

heniwey, bitter pako nung una syempre pero later on nung magkaron ng di magandang experienced yung anak ng friendster ko sa same school na yun, na till now na magbibinata na e my trauma pa,di na rin
ako nagregret na wag ipilit ipasok dun yung anak ko, balita ko yung same school master na bastos e yun din yung nangmolestya dun sa anak ng friend ko, tsugi sya sa skul,pero marami na pala syang namolestiya.

cathy said...

may kakilala akong nagtuturo doon.

yong barkada ko na umuwu na sa pinas, doon nagtapos.

nag-aral din ako sa Catholic school pero tumatanggap sila ng hindi Catholic at exempted sila sa mga religious ativities.

Kaya noon pag First Thursday, confession namin, half-day lang ang pasok, kasama ako sa lakwatsa ng aking barkadang Protestante.

Lee said...

ang katwiran naman nung school master (na pari) e kung against kami sa komunyon at di papayagan ang bata e wag nalang dun ipasok, cheh sya (pahiram mam).
nung araw ok lang yun pwede, pero ngayon mahigpit eh, nung panahon ko nga pwede pa e sa catholic school nagaral brod and sis ko e ok naman exempted sila sa ganun,kaso ngayon dina.

cathy said...

lee,
oa naman niya.