Advertisement

Wednesday, December 16, 2009

GONE WITH THE WIND

Dear insansapinas,
Seventy years old na pala ang Gone with the Wind. 


This is one of my favorite romantic movies of all time. Yes Virginia, there is a little romantic bone in my body. Ahahahay. Those who have not seen the movie, you can read about it in Gone with the Wind.


I watched it  as an assignment for our  subject. Frankly, my dear, I slept in the first screening.


Then I got to go home early since my "ride" just borrowed her car from her momma who told her that she should bring the car back before 12 midnight or it will turn into a pumpkin. Argh. 


So I watched it again for my assignment sake. This time karetela ang dala namin. Ang takot ko lang baka maging daga naman ang kabayo. hehehe.

And I became hooked. I loved and I hated Scarlett O Hara who was blindly in love with a man who was not in love with her. I found Vivien Leigh one of the most beautiful actresses in Hollywood. Anong panama ni Julia Roberts.



Nainlove din ako kay RHETT BUTLER. Ang martyr na umibig kay Scarlett kahit alam niyang hindi siya iniibig nito. Di ba martir, hanggang maumpog ang ulo niya sa pader...hindi na kasama sa movie...at iwanan niyan niya si Scarlett with the famous quote: Frankly, my dear, I don't give a dam....ermm damn. 



This picture of Clark Gable reminds me of my grandfather. Siguro dahil pareho sila ng era na nabuhay. Pareho yong tambok ng pisni at yong ngiti ng labi. Singkit nga lang ang mata ng lolo ko pag ngumiti.  Hindi kayo maniniwala, 90 years old na yon, hilig pang sundan ng tingin ang mga magagandang babae. But i never heard from my mother that he was a womanizer. He did not remarry when my grandmother died. Sandali bakit tayo napunta sa lolo ko.

What I like in the movie was the complicated personality of Scarlett. She was stubborn (aray), she was strong willed (ahem) and she loved blindly ( ohoy).

Pero mas in love nga ako kay Rhett dahil minahal niya si Scarlett despite her flaws. 

When I came to the US, together with other classic movies, I bought a video of the movie and watched it several times more.  Panay ang laba ko ng blanket. Hindi kasi kasya ang box ng Kleenex. Magaspang naman ang paper towel.


Sandali bakit ba romance pinag-uusapan natin. ERASE, ERASE, ERASe.

Pinaysaamerika 


17 comments:

Lee said...

hahaha.
maryosep na pelikula yan...
bata pako bukam bibig na yan ng lola ko, tapos si mader, tapos napanood ko pa.
kung sinu pa yung namatay sa pelikula e syang pinaka huling natirang buhay in real life hahaha.
at si vivien leigh ay kilala sa pinakamaliit na bewang 17" lang kaya nga sabi ni mader e yung mga artista ngayon na seksi walang panama sa mga artista nung araw sa paliitan ng bewang, dina kako kasi uso ang bigkis ngayon hahaha.

yang mga ganyang vintage na pelikula ang magagandang panoorin, ngayon ala ng kwenta mga love story kaya ayoko manood ng mga love story dina magaganda.

isa pa sa nagustuhan ko e yung "an affair to remember" at saka pala yung "Somewhere in time" ni jane seymore at christopher reeve, yung notebook diko gano type altho maganda naman din.

Lee said...

yung sumikat ng husto yung binalibag ni reth kay scarlet yung, frankly speaking nyang i dont give a damn talagang yun ang sikat na dialogue till now.
tapos kung kelan iniwan na sya ni reth saka nya narealize na mahal pala nya jejeje.
sabi ko nga e,ikaw na lang ang magbibigay ng magandang ending at kung pano sila magkakaron ng magandang ending sa pelikula kasi bitin e hahaha
pero understood na yun diba e head over heels in live sa kanya si reth e.

Lee said...

naalala ko tuloy yung mga local na reth at scarlet...
sila rogelio dela rosa at si carmen rosales...
magtataguan at mag iikutan pa sa puno habang nagpapakipot si babae hahahaha pag naaalala ko yung mga pelikula nung araw, talaga namang oho, natatawa nalang ako.
pero peborit ko nung araw sila barbara perez,gloria romero at tessi quintana.
sa lalaki naman si ramil rodrigo,pancho magalona at robert arevalo.
kontrabida sila eddie garcia, zeny zabala at etang dicher ba yun?

teka "gone with the wind" ang usapan tapos "gone to the topic" na ko jejeje.

cathy said...

napanood ko yong an affair to remember,gusto ko si deborah kerr pero hindi si cary grant.

mas gusto ko pa sila ni yul bryner sa The King and I.

hindi ko pa napanood yong somewhere in time. tuwing palabas yon, paalis ako.

pero gusto ko si christopher reeve.

cathy said...

naku may novel akong nabasa sequel ng gone with the wind parang scarlett letters yata.
lumayo si rhett at nag-asawa. si scarlett naman ang nanuyo. hindi lang isinapelikula yon.

sumikat kasi yong kay jane eyre.

nakakakilig din yon. yong nanny, napangasawa yong boss.

Lee said...

ay ganun? you mean di sila nagkatuliyan? ang alam ko sabi ni mader sa kwento nya e nakapagasawa daw nung lumayo pero sila din daw sa ending nagkatuluyan,
san naman kaya nabasa ni mader yun?

naku mam, gusto ko din si yul bryner,sa the king and i saka dun sa ten commandments.

mam, panoorin mo yung somewhere in time nayan at my naaalala ko na natatawa ko.... sinu na nga yung artistang lalake na si bagatsing?raymon ba yun? yung nakapangasawa ng matandang
publisher na nasa tate?
yun daw ang kanilang love story ek ek ni bagatsing yung somewhere in time na soulmate daw sila hahaha natatawa ko dun.
panoorin mo yun mam ang ganda ng storya,yung kapatid kong lalaki nung teenager pa ng mapanood yun panay panay ang diliryo nain love kay jane seymore hahahaha.

cathy said...

ako nabasa ko sa pocketbook din. naging kawawa naman si scarlett sa pagseselos.

type ko si jayne seymour noon sa james bond, ganda ng mata niya.

nakakatawa siya sa the king and I.

Napanood ko rin siya katambal naman ni Ingrid Bergman sa Anastasia, yong story tungkol sa princesang nawawala na ginawa nilang cartoon na.

Sabay-sabay pala niyang ginawa yon, Ten Commandments at The King and I.

cathy said...

nakasuot ng amerikana si Rogelio dela Rosa samantalang dinadalaw sa bhay kubo si carmen rosales? hahaha

si jaime dela rosa, nameet ko noon. isa siya sa judge sa aming drama contest. Ahem ako best actress noon as baliw. kasi natural na natural. hahaha

Lee said...

hahahaha naka americana sa kubo ang punta.
naku mam bat dika kinuhang leading lady ni jaime?sayang pala no.

cathy said...

hindi na siya artista noon lee, senior citizen na siya.

kaibigan yata siya ng isang faculty doon to represent movie industry. merong writer at merong dating taga Famas.

Lee said...

nyak,oo nga pala matagal ng artista yang mga yan, seniors na nga pala sila nun anu beeeeh hahaha

cathy said...

matanda na siya pero guwapo pa rin. talagang pag nakita mo, artistang artista. hindi kagaya ngayon na minsan hindi mo alam yon na pala ang artista dahil sa plain-looking lang.

Lee said...

totoo yan mam, saka yung mga artista ngayon dina matitikas at kagalang galang na gaya ng mga artista nung raw at ang tatangkad pati mga babae.
sabi nga ni mader ko e si nora daw ang nagpauso ng mga panget at maitim, at maliliit na artista hahaha.
sabi ko sayo mam di kami lahi ng laitera e hahaha,
oooops churi churi kababayan nyo nga pala si nora hahahaha,
my araw mababalibag ako ng sapatos dito na size 12 eh hahaha.

Lee said...

totoo yan mam, saka yung mga artista ngayon dina matitikas at kagalang galang na gaya ng mga artista nung raw at ang tatangkad pati mga babae.
sabi nga ni mader ko e si nora daw ang nagpauso ng mga panget at maitim, at maliliit na artista hahaha.
sabi ko sayo mam di kami lahi ng laitera e hahaha,
oooops churi churi kababayan nyo nga pala si nora hahahaha,
my araw mababalibag ako ng sapatos dito na size 12 eh hahaha.

Lee said...

totoo yan mam, saka yung mga artista ngayon dina matitikas at kagalang galang na gaya ng mga artista nung raw at ang tatangkad pati mga babae.
sabi nga ni mader ko e si nora daw ang nagpauso ng mga panget at maitim, at maliliit na artista hahaha.
sabi ko sayo mam di kami lahi ng laitera e hahaha,
oooops churi churi kababayan nyo nga pala si nora hahahaha,
my araw mababalibag ako ng sapatos dito na size 12 eh hahaha.

cathy said...

lee,
totoo naman yon. Sabi rin ng laitera kong mother (SLN), si nora raw ang nagpauso ng mga hindi mestisahin sa pelikula.

gusto ko iyang umarte pero mas gusto ko si vilma sa pananamit.

si vilma ang crush ng kuya noon. kapitbahay namin siya.

sila pa yata noon ni bobot.

hanggang ngayon, vilma forever pa rin ang kuya ko.

yong isa ko namang kapatid makanora.

kasi gusto niya ang boses.

Lee said...

pareho pala kami ni kuya mo maka vilma hahaha.
si mader din kasi maka vilma,yung bahay namin nuon sa valenzuela ang ginamit sa shooting nung pelikula nyang vilma beinte nuebe,grade 2 yata ako nun.