Advertisement
Friday, December 18, 2009
Christmas Carolers
Dear insansapinas,
Ito ang mga panahon na hindi ka magkandaugaga sa paglabas para bigyan ng mga barya ang mga carolers na mga bata na sila at sila rin pabalik-balik lang lalo pag masipag kang magbigay.
Pero may mga carolers hindi mo talaga matanggihan. Sila ang mga organisasyon na magpapadala ng sulat saiyo at magrerequest na sila ay pupunta sa bahay mo para mangaroling. Hindi mo mabibigyan ng piso o bente ang mga iyon. Mayroon ka pang ihahanda.
Ang mga teachers din sa school kung saan pumapasok ang iyong anak ay magpapasabi na sila rin ay mangangaroling.Eksena sa bahay noon.
Child: Mom, darating daw ang grupo ng mga teachers ko sa Dec. (insert date)
Mom: Iha, pakisabi, hindi pwede.
Child: Bakit ma, nasa out of the country ka?
Mom: Hindi, kailangan ko lang ng enough time para maitago ko ang mga skeleton sa closet, ang mga kandilang itim, yong mga perang nilabhan ko.
Child: (tiningnan ang mother) nagbibiro ka ma?
Mom: Nakita mo ba akong nakangiti?
Isa pa karaniwan, gabing gabi na sila dumarating.
Child: Ang dami nilang pinupuntahan kasi.
Mom: Alam mo naman ang mommy mo, tinutubuan ng pangil paglumampas na ng alas nuwebe.
Child: Ano ba talaga sasabihin ko?
Mom: Sabihin mo ang sinabi ko.
Child: Ma, magsisinungaling ako niyan.
Mom: sinong nagsabing magsisinungaling ka.
Tapos ngumiti ang mommy, may pangil nga.
Pinaysaamerika
Ang nabasa ninyo ay kathang-isip lang. Pero ang pangil ay may katotohanan. Awoo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
hahahahahaha xmas carole na naging halloween hahahaha.
tama ka dyan mam hahahah nadale mo, yung anak ko ganyang ganyan ang drama hahaha.
anak was 10yr old that time:
ANAK: mama darating daw yung mga teaches magkakaroling.
AKO: lahat ba ng bahay ng studyante pupuntahan nila?
ANAK: yun lang yatang mayayaman at nag aabroad ang ang magulang.
AKO: nyak, at bakhet? my diskrimineysyon sila?
ANAK: diba nag aabroad ka? di ba tayo mayaman?
AKO: sinung may sabing mayaman tayo?
ANAK: kala ko lang po.
AKO: dun ka magsabi sa lola mo.
LOLA: hidwang pananampalataya yang pasko na yan.
ANAK: e bat po si mama sabi mery xmas? bumili pa ng pang noche buena daw?sila ni mami?
(mami ang tawag nya sa sister ko)
SISTER: KJ yang lola mo eh, walang sense of trends and tradition.
LOLA: wag mo gayahin yang inat mami mo, mga hidwa yang mga yan e.
ANAK: (naguluhan) anu po yung hidwa?
LOLA: itanong mo sa ina mo.
siguro feel nya para syang bolang pinapasa pasa.
ANAK: anu nalang po sasabihin ko ky teacher.
LOLA: itanong mo sa ina mo.
ANAK: ma, itanong ko daw po sa inyo.
AKO: (nagiisip) sabihin mo sa lola mo, no idea.
ANAK: (malapit ng umiyak)lola no idea daw sabi ni mama, nakakahiya kay teacher huhuhu.
LOLA: wag mo ng hintaying umiyak yang anak mo, magdecide ka, itatanim mo sa utak nyang wala tayong pasko o lalaking kagaya mo.
(binulungan ako ni sister ng good idea)
AKO: ok anak, may 1000php ako dito,ikaw mag decide pagdating nila teacher, ibibgay mo sa kanila itong pera o iyo nalang pang SM?
(binulungan ni sister si anak, nangiti si anak)
ANAK: SM ko nalang po!
(my pagka devil yang sister ko e... lalaki ngang kagaya ko anak ko, mukhang pera nyahahahaha.
merry xmas mam!
nung sa pinas ako inaabot ng xmas mam, tuwang tuwa ako na nasa beranda lang ako pag caroling season.
my dala akong mga barya.
enjoy ako kasi pati yung mga batang ni hindi pa yata makasalita e my hawak ng tansan na naka tuhog sa alambre at kasama na nung mga malalaking kapatid na nangangaroling at ang nakakatawa pag inabutan mo ng barya e dapat sya din meron hhahaha.
yun yung
namimiss ko twing pasko, yung mga caroling ng mga bata,pero tago galore na ko pag yung my mag aabot ng sobre sa araw at yun ang mangangaroling sa gabi, malakihan yun hahaha sabay patay ng ilaw ng maaga hahaha.
nakakatuwa kayong mag-iina.
sa akin ang mga carolers ko noon, galing sa simbaha, galing sa school at kung anu-ano pang asosasyon.
nagkataon ang aking anak ay nag-aaral kung saan maraming mga OFWs kaya palakihan talaga sila ng bigay.
ako naman hindi pa OFW. labas-labas lang.
kaya pag caroling nila, wala ako. para envelop na lang ang kanilang makukuha. wala na yong mga kaokrayan pag pinatuloy mo.
naku mam, pag kami nagkasama sama sa bahay, rambol hahaha.
nagiisang lalaki yung anak ko lahat kami babae kaya sanay na sya samin, at natutong humaba ang pasensya dun sa maliliit nyang pinsan na puro mga babaeng maldita at pasaway,
lalaking mga pasaway hahaha.
Post a Comment