Advertisement

Sunday, December 20, 2009

A TREE FELL


 Dear insansapinas,
Bumagsak ang isang puno na matagal ko nang ineexpect mga ilang buwan nang nakaraan. Matigas ang ulo ng may-ari ng puno. Matayog kagaya ng puno na akala niya ay oak tree siya.


Gumigiwang-giwang na ito nang mga nagdaang Linggo. Parang napasaklolo ang may-ari na kung pwede tulungan siya. Tseh niya. Pagkatapos niya akong itulak palabas sa bakod niya.  

Isang bigwas ng hangin, taob.


Tiningnan ko itong nakadapa ang puno na nasa isip ay ang malakas ang lagapak kapag nanggaling sa itaas. 
Hindi ko man lang magawang Christimas tree. Hindi puwedeng sabitan ng ilaw. 




Pinaysaamerika


Salasalwikain:

Ang istoryang ito ay hinango sa tunay na buhay. Ang hindi marunong tumanaw ng utang na loob ay hindi nakasuot ng salamin. BOW.

3 comments:

Lee said...

masyadong malalim at matalinhaga ang iyong tinuran.
kung ating aarukin, anu ba ang sinisimbulo ng puno?
anu ba ang sinisimbulo ng oak tree? teka, banyaga ang oak tree, anu nga ba sa malalim na tagalog ang oak tree?
kakanta muna ko!
oh tie yellow ribbon
in the old oak tree...
lalala lala lalala lala
mali mali pa lyrics, diko lam ang lyrics, diko pinag aralan
kasi di naman ako maka ninoy.
(nawawala nanaman ako sa topic).

pero sa totoo lang mam,
ngayon kolang nadinig ang kasabihang yan, na ang di pala marunong tumanaw ng utang na loob ay di nakasalamin?
aling salamin?
yung sa mata o yung sa tokador?

cathy said...

lee,
ang puno kasi lumalaki at tumatayog. Ang oak tree ay matibay at tumatagal ng dekada kung hindi century.

matibay. may mga puno na hangin lang tutumba na.

dapat pala ang kasabihan ay ang di tumanaw ng utang na loob ay malabo ang mata. bwahaha

Lee said...

nyahaha dapat pala e nakasalamin ako palagi, o kaya magpa lasik nalang para di obvious na malabo na mata ko de puger, binibisto ko sarili ko, matured lang dipa naman matanda.