Gusto ko sanang sundan ang aking article na Kung Fu Shoes pero di na lang. Nakilala ko ang talagang sumulat at napag-isip ko na bakit ako magtatampisaw sa tubig na hindi man lang umabot sa takong ng aking sapatos. Oo Birhinya, ganyan kababaw ang mga reasoning niya na mahihiya pa ang public relations agencty na gawing campaign material ito dahil sa kababawan. Isa pa ay ang pagtawag niya sa mga asawa ng mga kandidato ng sari-saring pangalan katulad ng Matutina, Tiya Pusit at Madam Auring. Maganda kaya ang asawa niya. Napamura tuloy si Lee.
Bulkang Mayon at ang mga Pulitiko
Titigan ninyong mabuti ang retratong ninakaw ko kay professional heckler dahil ito na lang ang huling makikita ninyo ang mga kandidatong ito na namimigay ng mga tulong. Pag nanalo o kaya natalo sila, kesehodang matapak pa sila sa Bicol.
Hanapin ninyo ang naiiba. Pareho silang malilit lang na supot. Ano kaya ang laman. Yong kay Erap lang ang hindi plastic na bag kung hindi gift bag na may retrato siya? Wow. maraming pera.
18 comments:
teka, knta muna tayo ng batibot...
alin, alin, alin ang naiba..
piliin kung aling ang, naiba,
piliing mabuti, piliin kung alik, piliin kung aling ang, naiba!
yung kulay ng damit nila?
hulaan natin ang laman ng supot according to its size...
A.
1kg rice
2cans 555 sardines
half kg sugar
1 tshirt na my mukha nila
1 pamaypay na my mukha nila
B.
1 kg rice
2 ligo sardines
half kg sugar
smallest bottle coffww
1 tshirt na my mukha nila
C.
1 kg rice
2 cheapest sardines
half kg sugar
6 pcs tuyo
sombrero na my mukha nila
oooops, ako din ang sasagot nung multiple choices ko... none of the above.
de puger,binalikan ko yung supot,mas maliit pa pala,yung kay erap mukhang tshirt at pamaypay lang ang laman.
yung kay mar at villar mukhang tigisang kilong bigas at half kg sugar lang ang laman.
ginawang parang
timawa yung mga tao, pinakmukhang lalong nakakaawa.
diko nga malaman kung bakit napili maipost sa B7 yung ganung katangang post e, marami naman sigurong maka noynoy na nagpopost din nung kanilang mga beleifs, pero masyadong OA at mala fairy tale yung dun sa hustisya aka er torotot na yun, masyadong comedy ang dating.
sabi ko nga, ok bobo na ko, tanggap ko ng tanga ko, pero ang diko matanggap e may bobo at tanga pa kesa sakin, at ipopost pang talaga at ipakikipag away pa,
at magdedemanda pa hahahaha.
hay naku lalo lang
nagkakaron ng free promotion itong si noynoy at si hustisya,
baka sumikat pa sila at manalo.
sabi ko nga e....
next candidate pls!
ang isa pang napaka nonsense na reasoning bukod dun sa 33 reasons...
yung pagiging mahinhin at maganda raw ni shalali... anung kinalaman?kung maganda ang pers lady mapapaganda ang bansa? at kung panget e kasiraan ng bansa? tinalo pagka pintasera at pagka laitera natin hahahahahahaha.
lait laitin yung ibang mga asa asawa nung ibang mga candidates,sus ginuo, sana nga maganda ang mga asa asawa nila.
biro mong pintasan si gordon? e mas di hamak ka gwapo ni gordon kay noynoy, nyahahahaha.
ah ewan, basta, pag si noynoy ang naupo, mauupo lang talaga yan, at iba ang magdedecide at kikilos para sa kanya.
Talagang di bebenta ang pelikula ni Manny. Kulang kasi sa substance. I mean, parang chichirya na lang yun. Ewan ko ba sa film industry natin, nagrereklamo silang namamatay na daw yung industry samantalang hindi naman nagiging creative ang iba sa kanila sa paggawa ng pelikula. Tingnan nyo yung titles this film fest - pare-parehas lang yung iba like shake rattle and roll at mano po. hindi na mamatay-matay ang mga estories nila dyan. Isa pa yung mga pelikula na hiniram ang title sa mga love songs. Hayzt. Ano ba yan.
Baket di na lang sila magcreate ng ibang films na mas iba ang approach? Parang lumalabas na takot mag-experiment ang ibang moviemakers dito sa pinas. Kung ano lang ang bumenta last year, yun din ang gagawin ngayon. Parang regalo na iniba ang gift wrap pero ganun pa rin ang laman.
Baket di nila maipalabas yung pelikula ni Brillante Mendoza? Ayun, mas panunuorin ko pa yun kesa sa wapakman at mga paulit-ulit na title sa film fest. Parang lumalabas pati na recycled ang film festival dito sa atin. :(
lee,
alam mo bang yan sana ang ilalagay ko. yong alin ang naiiba.
palagay ko t-shirt lang yan. pwedeb ring pandesal na may palamang margarine, o kaya naman ay croissant na may white cheese.
baka yong kay villar ay house and lot.
noong mabasa ko yong article ilang beses kong binalikan. irrational at ginawang santo at hero si noynoy.
sus. meron na akong bulleted response pero hindi ko na ang itinuloy. sumikat pa siya. eh pamilyar sa akin yong isa niyang handle. palaging ganoon ang mga reasoning niya. walang laman.
naku lee hindi naman sa mauupo lang. ang hinala ko diyan si roxas ang talagang magtatrabaho.
kaya gusto nila ang honest at sincere para madaling mamanipula.
noong buhay si cory at lumaban siya pagkasenador, hindi pa siya nag top.
silver,
tama yang sinabi mo. nakakainsulto sa mga tao. ang dami ng artista na pumasok sa senado at congress panay pagpabuti ng industriya. latest ay yong bill ni bong revilla na babawasan yta ang pagpapalabas ng foreign films.
kahit naman pagbawalan nila, marami pa ring hindi manonood sa mga pelikulang nakakaisulto ng mga tao.
si manny pacquaiao naman hindi marunong umarte.
si nora noong una parang istatwa rin kung umarte. pero nag-aral siyang mag-emote.
dito halos lahat ng actors nag-attend ng acting classes.
at talagang pinipili sila thru audition.
tapos ginagastusan talaga ang pelikula.
si erap talaga, patawang tunay, kapag nanalo pa yan di na ko babalik ng Pinas!
si manny kulelat nga daw. tsk kawawa naman. kasi naman ang panget ng publicity, nega pa.
sayang pera nya. tas matatalo pa sa eleksyon. hay...
dencio,
pag maraming pera di nila feel ang mawalan ng milyon as long as makuha nila ang imposibleng makuha kung wala silang pera. sino ba ang kukuha sa kaniyang artista kung hindi siya sikat na boxer. pero walang boxer ang naging sikat sa movie.
alam mo parekoy,dami na talagang movies na walang quality,
puro nalang gaya and remake.
pero yung ky brillantes diko rin typw e,masyadong violent ang pagkakagawa,he shows not the real story but the violent,dun nya kino concentrate yung effort nya
instead na dun sa story.
and speaking of many movies nowadays lalo na yung mga independent na producers,yung mga gumagawa ng mga B movies,
masyado nilang idinidiin yung kahirapan,kasamaan,karumihan nung lugar at mga karakters sa storya,for example nalang yung serbis diko type, yung mga squatters na ipinapakita yung klase nung maruming pamumuhay nila,kung panong pati patay e iraket,yung my makain lang
ibebenta kapalit ng isang kilong bigas o isang kilong pako yung kanilang katawan, yung mga ganung klaseng movies ayoko.
bakit ba my movie?bakit ka manonood ng movie?diba para maintertain?and for me thats not the way of intertaining yourself,sana mabalik yung mga movie ni chiquito nyahahahahaha.
what movie really impress me e yung mga my sense.
o kung wala mang sense atleast tatawa ako ng tatawa ng walang humpay.
manny movie? kahit ilibre moko at pagkatapos panoorin ng movie nya e pakainin moko sa 5star hotel,
thanx nalang but no thanx.
parekoy,
kaya kong sikmurahin yung kay brillante mendoza knowing for the fact na mas brutal pa rin talaga ang real life. hehehe.
madam cat,
kaya ako bugnot sa MMFF kada taon. puro recycled na lang.grrrr...
lee, silver,
kaialngang italo ninyo ako para madala sa mga palabas na ganiyan.
dito namimintas din ako ng mga movies na corny.
Post a Comment