Advertisement

Sunday, December 20, 2009

Balikbayan pag Pasko

Dear insansapinas,


Nagliliparan na ang mga kakilala ko sa Pinas, Pati pala kamag-anak. Tahimik naman kasi ang Pasko at Bagong Taon dito. Walang kabuhay-buhay. Kaya bili sila ng pasalubong, t-shirt, chocolate, pabango at ibang pang pasalubong. Sakay sa eruplano na ang ticket ay kinuha na as early as September. Kaskas ng credit card. Zoink.



Yong isa kong kaibigan sa New Jersey, gustong umuwi pero kulang daw ang pera niya. Alam mo naman pag umuwi ka sa Pinas, parang tubig kung bumuhos ang pera mula sa bulsa mo. Nakakahiya naman kasi kung sila pa ang pagagastusin mo o kaya magtitireat saiyo pagkatapos mong magpuyat na kulang na lang tukuran mo ang iyong mata pag ikaw ay nasa duty sa ospital o kaya ay lagari ka sa dalawa o tatlong trabaho para makabayad ka ng iyong mga utang. Dolyar kinita, dolyar din ang gagastusin. Pero kung ang suweldo mo naman ay talagang katumbas na ng kinikita ng kaibigan mo sa isang taon, bakit mo naman siya pagagastusin. Di va? Kaskas ng credit card. Zoink.



Kaya ng huling uwi ko, yinayaya ko ang mga dati kong kasamahan sa trabaho at kumain kami sa Barrio Fiesta. Yon ang pinakamalapit.  Hindi ko akalaing mahigit sampu na pala sila dahil kasama nila yong bago. Pero masarap naman ang pakiramdam dahil nagkita-kita kami. Saka na ang aray pagbayad. Pero sa pagkikita ninyo, ang friendship at pagsasama-sama ay priceless. Kaskas ng credit card. Zoink.


So nilecturan ko ang aking kaibigan. Kailan pa siya uuwi. Pag wala na siyang kakilala? Wala na ang mga halakhakan at pagrereminisce ng mga kasanuan noong araw. wala siyang ikakaskas na credit card. Puno na. Zoink.



Pag ang mga dating kakilala ay mga retard eheste retired na at di na pwedeng kumain ng mga crispy pata dahil ang tataas na ng blood pressure at heart attack risk na. Kaskas ng credit card. Zoink




Pag umuwi siya yong nga tumatakbong bata na nahuhulog na ang mga diapers ay siya ngayong naghahabol ng mga batang nakadiapers na rin.

Yong kapatid ko, second time lang niya itong umuwi mula nang umalis siya sa Pinas. Ngayon may anak na siya na naghahanap kung bakit wala raw siyang mga kamag-anak. Kawawang bata. Panay naman kasi ang bakasyon nila pero hindi sa Pinas. Noong isang taon sa Australia. Dinalaw nila ang eldest namin.


Ang pusta ko pupunta sa UP yon at sa PGH para hanapin ang mga kakilala niya. Yong batch naman nila ay halos nandito na.

 Pinaysaamerika

6 comments:

rally vincent said...

At the end kaskas ng credit card, butas na din si bulsa. hays.

that's what we call, holiday spending.

Nice to see you here madam cat. hirap lang magcomment here kasi nirerequire pa ng google account. hehehe.

~Silver~

Lee said...

naku mam sinabi mo pa.
pero sakin naman e ang masaklap wala na kong kaibigan imi meet sa pinas kasi puro mga abrodista na rin.
yung 3 kinuha ko dati pa dito sa company mag join kaso mas lalo napasama, sa ibang lugar nadestino kaya lalong dina kami nagkita kita.
yung 3 naman e dun pako sa south asia e nakuha ko na rin kaya wala na talaga waaaa
ako kasi ang
pinaka unang naka abroad sa grupo,yung iba kasi nung una ayaw ayaw at my maliliit na anak din na kagaya ko.
malungkot din,emails nalang kami, kaya nga yung plan naming EB magkakaibigan dina matuluy tuloy.
yung isa dito pupuntahan daw ako 1 weekend (sus, 2 yrs na nyang promise yun wala paring natutupad hehe)

cathy said...

hello, silver. merry Christmas to you.

cathy said...

karamihan sa mga kasamahan ko rin hindi nag-abroad kasi nagsisimula pa lang ng kanilang family. Di ba sabay-sabay kaming pumasok, doon na sila nagkaasawa tapos nagkaanak.

pero yong iba nadalaw sa akin dito sa States.

So we see to it na nagkikitakita kami pag-uwi ko.

yong iba punta sa bahay.

Lee said...

pero mam sa totoo lang naman, pag ikaw nagaabroad e nakakahiya namang ikaw pa ang magpalibre kaya kahit ma short ang budget, obligadong ikaw na abrodista ang mag spent, nakakahiya naman kung sila pang peso ang sweldo biba naman?

cathy said...

lee,
expected ng mga tao na may pera ka lalo pag malaki ang suweldo mo.

lalo ngayong Pasko, kahit malalayong kamag-anak nadadalaw para mamasko. Kahiya namang di magbigay lalo na kung gumastos sa pamasahe.