Advertisement

Saturday, December 19, 2009

I am dreaming of a White Christmas-Not

Dear insansapinas,


Natulog akong may warning alert tungkol sa winterstorm sa DC, Virginia, Maryland at ibang States sa East Coast. In fact ang Virginia ay dineclare ng may state of emergency. 

The National Weather Service issued a blizzard warning for the D.C. area. Snowfall accumulations from 12 and 22 inches along with 40-mph wind gusts were "expected to create whiteout conditions later this afternoon."
Other areas braving and expecting heavy snow included Baltimore, Maryland, where a blizzard warning has been declared; Philadelphia, Pennsylvania; New York; Richmond, Virginia; and regions from Tennessee and North Carolina to the southern New England states.


Paggising ko para checkin ko ang pinalalambot kong beef sa slow cooker...yes Virginia, sa kabagalan ng pagluluto, pwede kang maligo, manood ng TV at matulog...Ahhhhh, nakakasilaw na Puti sa labas. Pwede na akongmagtayo ng factory ng halo-halo. Panay ang bagsak ng snow(flurries) at first time akong nagsuot ng medyas at nagsuot ng longsleeves na T. 

photocredit MSNBC

Tawag ako sa kaibigan ko sa ibang State. Saka na lang raw niya ako tatawagan. Hinuhukay pa nila yong kanilang kotse. Baon sa yelo.


photocredit: CNN

Dito napansin ko walang masyadong garahe, kasi walang kuwenta pag pumatak ang snow, natatabunan ang pinto ng garahe. Sa California, sa labas din ang kotse, kasi ang mga junk naman ang nasa garahe ng mga tao. 

Kung minsan mga tao ang sinasalansan nila sa garahe lalo pag Pinoy. Ginagawa nilang in-low or in-law ang garahe. Ibig sabihin converted nila na kuwarto tapos pauupahan. 

Walang bathroom at walang kitchen minsan. Makikitichen ka sa may-ari ng bahay sa itaas. Kung ang may-ari ay mag-asawa at paminsan-minsan ay nagbabatuhan ng kawali, kaldero at pinggan, maghihintay kang humupa ang "bagyo" bago ka makapagluto.

 Sandali, bakit napunta doon ang usapan?



Basta ako, kumakaway ang unan at ang kumot para ako bumalik sa higaan. Tssk tsssk sinasalba pa rin ang aking pera. Balak ko pa namang pumunta sa Macy's/


Pinaysaamerika

3 comments:

Lee said...

ganun? kaya naman pala sabi ko sus e wala bang mga garahe yang mga yan?mas gusto pa nilang mahirapan sila sa snow kesa igarahe,
my kotse pero walang garahe susme.

taka ka mam, kita ko nga sa mga palabas nila na yung garahe e naging utility o tambakan ng mga abubot nila,pero
ang nakakatawa e yung ginawang paupahan? nyahaha
hanggang sa tate ba binitbit nila yung mga ganung asal?
sigh, dito
malungkot ang white (white sa alikabok) xmas ko huhuhu.

mam, panay din ang kaway sakin ng unan at kumot kaya lang walang akong choice kundi isnabin sila huhuhu sarap pa mang matulog e kelangang kumayod.

cathy said...

lahat ng bahay sa california, may garahe, kaya lang talagang hindi nila magamit dahil sa mga tambak na gamit.
ang garahe, nasa ilalim ng bahay kaya three storey kasi, yong garahe na kung minsan nandoon ang washing machine at dryer. Dito naman sa East Coast, ang mga lumang bahay, may garahe na hiwalay sa bahay. pero may basement naman o kaya attic kaya may tambakan ng mga junk.

Hindi pa rin nila ipinaparada sa garahe dahil gamit ang kotse dito anytime.

kami sa calif. may mga tarantadong neighbor, nagpaparada sa harap ng aming garahe. hindi tuloy kami makalabas. kaya minsan kahit ayaw ko, pinatow ko yong kotse.

Lee said...

nyahahah e di nakatapat sya ng luko na kapitbahay,kala nila sila lang ang luko huh!
well,minsan minsan makita nilang astig ka rin para di ka abusuhin.