Advertisement
Wednesday, December 09, 2009
ALIENATION OF AFFECTION
Dear insansapinas,
Dahil mainit na mainit ang balitang pangangaliwa ni Tiger Woods, lumabas na naman ang article na ito about ALIENATION OF AFFECTION SUITS. Hindi ito sequel ng pelikula ni Sigourney Weaver na ALIEN.Would you believe na hindi ko napanood ang sequel nito at ang unang movie ay one fourth lang yata ang napanood ko dahil mas marami pa akong nakitang mga paa kaysa sa pelikula. Sa takot ko kasi, nakatungo ako sa loob ng sine at pasilip-silip lang sa screen. Nakikisigaw pag sigaw ng tao pag lumalabas ang alien. Ngiii. Pero buwelta sa topic. Naligaw na naman ako.
Ang Alienation of Affection suits ay ang demandang puwedeng isampa ng asawa sa mga lovers ng kaniyang significant other dito sa US. Hindi ko alam sa Pinas. Tanungin natin si Biyay ang "talk-to-my-lawyer" na cyber friend ng blog na ito.
Hindi lahat ng States ay may ganitong law at hindi lahat ng suits ay nagpoprogress sa korte. Marami na ang inaayos sa labas pa lang.
Ang pinakahuling demanda ay dinala sa korte ng asawa ng isang rising politician noong July ngayong taon kontra sa isang socialite na lover ng kaniyang asawa. Malaking iskandalo ito para sa isang member ng conservative Republican Party kaya ang kaniyang Star ay hindi lang sa hindi na nagRISE kung hindi naging SUNSET pa.
So kung gustong idemanda ng asawa ni Tiger Woods ang mga babaeng umamin na sila ay nagkaroon ng relasyon kay Tiger, pwede kahit hindi sa Florida. Dami niyang idedemanda. Wala naman siyang makukuhang pera. Pang-intimidate lang talaga.
Ang Nurse
Naikuwento ko na ito pero hindi ko naisip na pwede pa lang magdemanda ang aking kaibigan. Siya yong nagpetition ng boyfriend as fiancee tapos pagkailang buwan, nagkaroon ng iskandalo sa ospital na pinapasukan nito sa Housekeeping dahil balitang -balita ang relasyon nito sa isang nurse.
Sabagay, handa naman ang nurse na bayaran ang mga ginastos ng kaibigan ko pagpetition sa kaniyang asawa sa halagang wala pang walong libong dolyar. Kamura naman ang "Pedro" ng kaniyang asawa. Ang siste, may asawa din ang nurse.
Ilang Linggo lang, nagresign ang asawa niya sa ospital; nagrelocate yong nurse. Hindi siya nagdemanda. Pero sinamahan ko siyang bumili ng itim na kandila sa isang malaking tindahan ng mga kandila sa SF. Nyiknyiknyik. (itong huli ay di po totoo. Promise, masamid man kayo ng iniinom ninyong kape o soda).
Minsan may natanggap akong tawag sa isang babae. Hindi pa ako nakaisang salita, narecite niya na ang buong Bibliya. Tinatanong ako kung bakit daw tawag ako ng tawag sa kaniyang asawa. Ha?
Paano ako makakatawag ng araw ay nasa trabaho ako. Yon pala yong aking tenant na babae na gabi ang pumasok ay ginagamit ang aking telepono pagtawag sa kaniyang lover. Muntik ko nang ituro ang aking hintuturo at gawin siyang ibon.
Kumplikado talaga ang mundo. Sa Pilipinas, ang aking kaibigan na iniwanan ng kaniyang asawa (hindi naman daw talaga siya minahal at napilitan lang pakasalan dahil buntis na siya...eh bakit nagkaroon sila ng tatlong anak), nasira ang pamilya niya.
Ang panganay niya ay naging loner, ang bunso niya ay tinangkang sunugun ang school niya at siya tinangka niyang sunugin ang bahay ng kabit ng asawa niya.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
ako napanood ko yun mam hehehe.
pwede pala yung ganun?kala ko e pwede kang magdemanda ng lover ng asawa mo kung nagkaanak sila,ayun,pwede mo pang pakulong.
meron din kayang ganyan sa pinas?
sa dami ng mga kaso satin e iintertainin pa ba yang mga ganyang
kaso kung sakali?dina nga makandaugaga ang korte sa dami ng kaso,sa remika talaga libangan nalang magdemanda.
matindi naman inabot nung iniwan ng asawa pati mga anak naapektuhan ng husto.
ayokong maging judgemental lalo sa mga ganitong sitwasyon,pero ang masasabi ko lang e pag ang babae ang nagluko,yan, nasisira ang pamilya pati mga anak damay,pero yung tatay ang nagluko,bihira yung ganyan,karamihan sa alam kot kilala kong nagluko ang lalaki e maayos naman ang pamamalakad nung iniwang asawa pati sa mga anak,mas strong ang babae o asawang babae kesa sa lalaki pagdating sa kaliwaan at iwanan,dimo mapapatumba ang babaing iniwan ng asawang lalaki,unless lang na yung babae e talagang nakadepende at nakasandal sa asawa nya emotionally at financially.
walang ganyan dito. ang recourse lang ng asawa laban sa kabit e kasuhan ito ng concubinage o adultery and in both cases, pati yung asawang nangaliwa e kasama dapat sa kaso. so pag pinatawad ni misis si mister, di na nya pwede habulin si mistress. kung gawing civil case ang reklamo, grabeng pasirko-sirko muna ang gagawin dun
lee,
totoo yan. may kaibigan ako, yong babae ang nagloko, sira ang buhay noong lalaki. nagsuicide attempt, hindi nga lang sa pinyahan (mwehehe), umuwi ng pinas. isang taong hindi nakipagsocialize. pinaalis pa niya yong kanyang nunal.
ang asawa naman niya nagkasakit habang kasama ang lalaki.
masahol pa sa teleserye. all the while ako ang hinhingan ng tulung ng mommy niya para maibalik ang kaniyang zest sa buhay.
mahirap ngang magsalita kasi may mga kaibigan din ako na nasa kabilang bakod naman, sila ang kabit.
disente naman sila at in fact sila ang nakakatulong sa pamilya ng lalaki na kakilala ko rin.
kaya lang iniistalk naman siya ng asawa.
biyay,
gastos lang di ba at stress pagkatapos uulitin na naman. hay buhay.
kaya ako ang aking principyo, ayaw mo sa akin, ayoko rin saiyo. biglang sipa ng pinto. araaay.
"once a cheater always a cheater".
pag minsan yan nagloko, nakalusot nman, uulit at uulit yan, kaya sa una pa lang nagloko, goodbye labada,hiwalay ang puti sa de color.
sabi nila,everybody are entitled for a second chance, depende naman yun sa sitwasyon, sakin minsan mo akong niloko means? dika na masaya, ako pa maghahatid ng mga damit mo sa iyong kulasisi sabay sabing...
"madam, no return no exchange, toplachi walang bawi walang balikan, ang magsoli magpapapigsa sa singit" jejeje.
ako lee, may kasama pang libreng detergent.
hahahaha
hahahaha mas matindi ka pa pala mam hahaha
Post a Comment