Advertisement

Thursday, December 10, 2009

Entrepreneurs-Born or Made?



Dear insansapinas,

May taon noon na gustong irevise ng Singapore ang kanilang curriculum para raw maging entrepreneurs ang kanilang mga graduates. Ewan ko ano ang nangyari. Maraming nagpupuna sa mga OFW na walang entrepreneurial spirit dahil mas gusto nilang bumili ng mga designer goods kaysa mag-ipon para magnegosyo. Kung magpalit sila ng cellphone parang damit. Kung ano ang uso.


Madaling sabihin pero hindi ganoon kadali ang magnegosyo. Yong iba, may pera nga, lugi pa rin. Yong iba naman kawing-kawing ang business degrees  na ang diploma ay pwede ng isubstitute as wall paper, awa ng Santong pinagtirikan ng kandila,wala pang ilang buwan, mahihiya ang opisina o tindahan sa langaw na siya lang pumapasok.


May mga wala namang pinag-aralan, bigyan mo lang ng maliit na lamesa, isang bangko, meron ng sa malamig.


Kaya may pag-aaral na ginawa ang Case Western University kung ang pagiging magaling ba sa negosyo ay genetic o napag-aaralan.

Entrepreneurial tendencies -- including the ability to recognize business opportunities -- are heavily influenced by genetic factors, according to a study co-directed by Scott Shane, a professor of entrepreneurial studies at Case Western Reserve University. Shane and his fellow researchers compared the entrepreneurial activity of 870 pairs of identical twins -- who share 100% of their genes -- and 857 pairs of same-sex fraternal twins -- who share 50% -- to see how much of entrepreneurial behavior is genetic and how much is environmental.

Finding showed that: 
    Entrepreneurs, are about 40% born and 60% made.
So yong.palaging pagkabusiness-minded ko...ubu ubu ubu ay minana ko at 60 per cent noon pala ay nakuha ko sa aking  pinag-aralan at experience.


Dumugo man ang tenga ninyo uulitin ko nakuha siguro sa lola ko na kahit walang pormal na edukasyon ay nakapag-paaral ng dalawang anak na lalaki sa UP at sa isang private school sa Naga habang siya ay nagnenegosyo sa ikapitong bundok ng Bicol kung saan, mga isla ang kaniyang ginagawang Baclaran at Divisoria.

Nang napunta naman siya a Binondo, kahit Bicol lang ang tataramon niya, she almost sold the Jones Bridge to a fellow businesswoman in the barrio. At siguro kung buhay siya ng makarating ang tao sa Pinas, isa siya sa unang-unang magbebenta ng t-shirt tungkol sa buwan.

Sa lahi ng aking father, hindi ko nakilala ang aking mga grandparents pero sa laki ng lupang hawak nila, marahil ay mga negosyante rin sila. May pinsan ako na negosyante, maliit lang ang pwesto niya sa palengke.

Ang aking father ay walang kainteinteres sa negosyo. Siguro dahil lumaki siyang spoiled at carefree. Noong mapangasawa na lang niya ang mother ko at ng maging boss niya ang isang Kano, saka siya naging hardworking. 


Ang mother ko rin naman, spoiled dahil bunso. Ang alam ko lang na negosyong pinasukan niya ay banana cue. Hindi pa naubos kaya napurga kami pagdating ng hapon.


Noong itinayo ko ang negosyo kasama ng aking mga "kaibigan" akala nila sila ang dahilan kaya lumaki yon. 
Hindi nila inintindi  na naging Dracula ako noon. Ang gabi ay ginawa kong araw at ang araw ay araw pa rin. Alangan namang padilimin ko.


Minsan nga hinahanapan nila ako ng pangil. Baka may tumubo na.

May kaibigan naman ako na may pamangkin. Inaway ang tatay ng hindi siya bigyan ng capital sa negosyo. Ang dialogue daw eh.. "Anong klase kang ama, ang iba nga pinipilit pa ang mga anak para mag-isip magnegosyo."



Binigyan naman. Ayon sarado na yata ang negosyo at mayroon na siyang apo. Yong ang tubo.


Sa third generation, isa ang sumusunod sa aking yapak errm flip-flop. Noong tanungin ko kung gusto niyang capital, sabi niya pag-iipunan na lang daw niya.


Siguro kung namana ko ang aking hilig sa negosyo sa father side ko, nagpapahulugan na ako ngayon ng payong, kumot at 5/6. Lahing Bombay kasi.


Kung namana ko naman sa mother side ko, masyado naman akong kuripot. Singkit kasi lolo ng lola ko, Galing sa Tsina. 

Pero magaling pa rin ang Filipino. Nang ilubog ng lahar ang Gitnang 
Luzon, ginawa nilang negosyo ang lahar. Pag bumabaha noon sa Espana, tinatakpan ng mga ilan ang imburnal para lalong bumaha tapos maglalagay sila ng tulay.

Ang mga militar daw ay nagbebenta ng mga baril sa mga private warlords at mga rebelde. Walang capital. Ang mga "rebelde" ay ginawang cottage industry ang kidnapping habang ang mga congressmen naman ay meron silang piggery farm galing sa kanilang pork barrel.  Laban kayo? Ang haba ng diskusyon, sa simbahan din pala ang tuloy.



Pinaysaamerika








14 comments:

Lee said...

aba, ok, like ko tong topic na to eh...
syempre kahit ako naman kasi nagiisip na din naman kung paguwi satin at wala nakong hanapbuhay dito e anu bang maganda.
unang una feel ko hindi ako inborn o made para mging isang entrepreneurs, parang
akoy isinilang upang maging habampanahon na alilang hampaslupa hahahahaha ng multimillion-company,argh!
nabanggit ko sayo minsan na malamang paguwi ko e magtinda nalang ako ng babanaQ, ngayon naiisip ko baka isumpa ako ng aking mga kasambahay dahil mapupurga sila sa di nabiling bananaQ hahaha.

bibilib ka talaga dun sa mga gifted na entrepreneurs, kasi di lang naman pera talaga ang kelangan,kahit nga napakaliit lang na kapital pwede na,talagang tyagaang umaatikabo,paduguan ng ilong at gaya ng sinabi mo,nagiging bampira este ginagawang araw pati gabi.

so ngayon, sinci di naman ako papabata at di naman habang buhay na magiging alipin ako ng kompanya dito sa ibang banda e akong nagiisip isip ng pwedeng pagkakitaan pagbalik ng pinas,syempre bukod sa pagtitinda ng bananaQ.

pero twing uuwi ako sa pinas at nagmamasid ako sa paligid kung anung magandang idea, parang wala e, siguro dahil wala lang akong isip at utak para mgisip (ang gulo).
so matatapos ang aking bakasyon na babalik at babalik din ako dito na walang naisip kung anung mabuting pagkakitaan sa pinas
kung sakalit akoy wala ng pagkakitaan dito.

Lee said...

parang ang dami kong sinabi pero lahat walang katuturan...
my bago pa ba sakin hahaha
palagi namang ganyan.

Lee said...

both sides kasi ng parents ko e mga talented talaga kung sa talent lang pero yung mga talent na yun e di ginamit.
pero wala sa magkabilang panig na my dugong pagka bisnes blood,
sa father side puro sila artist,magagaling kumanta at magagaling ang kamay sa pagpinta at pag guhit pero mas
ginusto nilang kumita sa mas madaling paraan na di gagamitan ng pagod, pawis, at nung talent nila, maganda naman ang naging resulta kahit na nga ganun sila
ayun awa ng langit e maliit pakong bata buong pamilya nila sa US na
nagsipag stay,pero
iba naman ang katwiran netong kabilang panig (mother side) masyado silang bukod sa matatalino,aristokrat e masyado namang straight at against sa
mga gawain nung father side ko,kaya ito namang mother side e puro pride, malinis na pangalan, pagiging straight pero kumukulong mga tiyan ang ipinamana samin.

teka naliligaw nanaman ako ng topic hahaha.

kaya eto ang resulta, habang panahong kumakayod at kumakahig na paghinto ng pagkahig e wala ng matutuka, di gaya nung kung ikaw e naging isang negosyante,dimo kelangang magpaalipin sa mga kompanyang pinagsisilbihan mo at sana kung ikaw e my dugo manlang na pagka negosyante e sa halip na dito sa mga kompanya mo ilaan ang iyong serbisyo, why not to your own company diba?
kaya nagiisip ako anung maganda...

bananaQ co. ltd
kamoteQ manufacturing ltd
binatog and fishball mfg ltd

siguro naman bago dumating ang retiring age ko e nakaisip nako ng magandang negosyo, sana uso pa ang saging that time.

cathy said...

lee,
lahat gustong magnegosyo pero hindi lahat ng negosyo gusto ang lahat.
ako pag inaalok ngayong magnegosyo, thank you na lang.

pag corporate slave ka, pag-uwi mo pwede ka ng matulog. pag may negosyo ka, hanggang nakahiga ka, nagtatrabaho ang iyong utak.

kaya siguro ako kahit tulog, gumagana ang cash register.

pero siguro kung hindi ko inilagay sa negosyo yong savings ko every week, wala akong dinukot noong kasagsagan ng aking pangangailangan.

pero siguro kung hindi lang naging gahaman ang aking mga kapartner, buhay pa yong negosyo at mas malaki na.

yong biglang dating ng pera ang nakakasira sa mga tao, akala nila permanente na.

magtatayo ng branch, hindi na ako isinama. o loko, hindi nila alam kung paano ang gagawin.

kaya nga ba nakapag-asawa akong muli biglaan. (ano naman kaya ang relasyon noon?)

cathy said...

minsan maiinggit ka sa mga batang-batang nagnenegosyo pero kung aalamin mo kung saan nanggaling ang capital, galing pala sa magulang.

kaya wala silang harabas kung gumastos.pag nalugi, hindi nila ramdam.

minsan naman akala mo profitable ang negosyo, pero front lang pala.

kagaya noong kasama namin sa village na sa customs nagtatrabago. nagtayo ng hardware store, wala namang kinikita. masabi lang sa customs na doon nanggagaling ang kanilang kaperahan.

Sa awa ni kulapo, dalawang anak nila lulong sa drugs. apektado na ang utak.

nang bumalik ako doctorate na rin daw siya. all the while palang kumikita siya ng milyon sa mga padulas, inggit siyang makakuha din ng title. panay doctor ang patawag niya sa mga kapitbahay, hindi naman marunong manggamot. (ehek).

cathy said...

masarap uriratin ang family tree natin.

kagaya sa father ko, ang alam ko ang great grandparents ko ay nanggaling sa India o kung saan mang lugar na ang mga tao ay malalaki ang mata at maiitim ang kutis. Malakas ang dugo nila. Hanggang sa mga third generation, abot ang dugo.

ang kuntil butil na kuwento ng aking mother ay nagtrabago raw sa isang bombay (lahat ng tao noon tawag Bombay kahit taga Middle East) ang aking lolo ng lolo. Minsan daw ay inutusan ito na pumasok sa kuwarto ng boss. Nakita niya ang isang libro. Binasa niya at itinago.

hinanap ng boss niya, nagsinungaling siya pero all the while tumataas daw siya (elevate).

Para maitago ang sikreto ng bombay, isinama siya sa pagtravel nito. Nang bumalik siya ay matanda na ay may anak yata.

Magaling din sa negosyo pero meron siyang power na ibinigay ng bumbay.
na pinamana naman daw sa aking lolo at sa aking tatay.

hindi na pinamana ng tatay namin kahit kanino. malaking responsibility raw yon. hindi rin nga niya ginamit noong nagkakaisip na kami.

cathy said...

ang lolo ng lolo ko naman sa mother side ko ay galing sa China kung saan magaling siyang cook.

doon siguro nagmana ang aking pamangkin at kapatid.

Lugaw yata ang negosyo at pansit. Mi haw ma?

sa bicol siya nagstay. yong ibang mga branches, naging mga obsessed sa diploma kaya lahat ng anak nila ay kuwadrado (ibig sabihin degree holder).

Lahat pa ay marunong tumugtog ng piyano. Kaya pag bumisita ka kulang na lang ang na sabihin mong mga recital dahil pipilitin kang makinig sa mga tugtog sa piyano.

Hindi nila alam may bulak ako sa tenga.

Pasaway talaga.

Lee said...

hahhaha nagkahalukayan ng mga family tree, yung family tree namin mahihiya sa tree ng talong,bakit kamo?
yung si mader di kabisado lahat ng names ng kanyang mga ninuno kaya ako walang mabuong family tree, pag alam nya name di nya alam surname, pag alam surname di alam kung babae ba o lalaki yun maryosep.
magulo mam hahaha, pero minsan my advantage naman, wala kaing mga kamaganak kaki kami lang, pag uuwi ako e kung diko bubuksan yung bitbit kong maleta e walang magtatanong na anu ba yong dala ko o kung my pasalubong ba ko at wala ding dumarayo samin kahit sinung ponsyo pilatong malayong kamaganak hahaha,kaya tahimik ang buhay at walang naghihintay ng pasalubong, at yung mga tao sa bahay e
ayaw ng pasalubong,
sasabihin sayo na perahin mo nalang,ganun mga garapal at mukhang pera kami hahahahahaha.

tama ka dun mam, walang tigil ang takbo ng isip mo at kung nagnenegosyo ka minsan panalo minsan talo, pero sa panahon ngayon di na kagaya ng dati, dati pag sinabing bisness means mayaman o yayaman, mga ganun ba ang dating, pero ngayon pag sinabing bisnes e para lang maka survive at kahit konti my pumapasok na pera at di puro palabas.
sayang naman pala negosyo nyo mam,ganun naman yata talaga,pag kumukita na nagkakaonsehan na haha pero diko pa naman na try yung magnegosyo till now,
maraming nagsasabi sakin na bakit daw di ako magnegosyo e nandito lahat ng productong pede kong maibenta,
ganun lang ba kadali yun,di yun ganun.

Lee said...

hahahahaha tapos habang nagrerecital sila sa piyano,nakaupo ka sa sofang malambot nahilik na hahaha.

sigh, pero siryusli, nagiisip ako talaga, dipa now kasi dipa nga nakakatuntong ng college yung aking binata e, mahirap
magisip lalo pa matagal pa naman, kaya hala paalipin nalang muna kapalit ni washington hahaha.

Lee said...

Kung ang tatay my lahing bumbay...
at ang nanay my lahing inchik...
mam, means, bumchik ka pala?

cathy said...

lee,
inakyat ko pa ang punong yan.

ang sa father ko ang lalaking tao.

Ang father ko kasi matangkad din. ang mga kapatid niyang babae hindi bumababa sa 5'6 ang taas.

May dumalaw sa amin noon na pinsan daw. Babae. hanep, six footer.

wala tuloy makapartner sa sayaw. Walang bed magkasya sa kanila. kaya sa floor siya natutulog.

Lahat halos pare-pareho ang feature, matangos ang ilong, maitim ang balat.

Yong iba hindi mahilg maligo nwehehe


i shall return.

cathy said...

palagay ko nga. yong isa namang branch ng lola ko mga kastilaloy. ang mga mata yon bang mga ash brown at ang buhok ay medyo blond na hindi naman galing sa bote ang kulay.

ang puputi, hindi nga kami mapagkamalang mga kamag-anak.

doon galing yong brig. general kong pinsan na sabi ng kapatid ko corrupt daw.

cathy said...

inilabas ko ang pera ko doon ,bago yon lumubog. ngayon balik empleyo yong kapartner ko. kinuha kasi ang pagkapresidente, hindi naman marunong magpatakbo ng negosyo.

ibigay ang gusto. hige sila ang bahala. bagsak.

Lee said...

aba at my brig.gen. ka palang pinsan mam, bigaaaaaaat...
yun nga lang kukurap kurap pala, baka nagpapa kyut lang naman sya.

samin naman kay mader lang talaga lumabas yung feature na di pinoy.
ako nga pango e hahaha pinoy na pinoy.

buti nalang matalino ka mam, tamo bago nagkaluku luko yung negosyo nailabas mo na yung pera mo, sa galing galing e nakikinabang sila ayun tuloy nawalan.