Advertisement

Tuesday, December 01, 2009

There are no perfect friends but there are perfect friendships

Dear insansapinas,
Just received a call from my past life. She was a co-faculty in the university. In fact she was the one who came to the hospital ( I was confined then) to tell me the news that I got promoted as the Dean. They "strong-armed" the administration to kick my predecessor who was a little tyrannical and an academic entrepreneur with the students as his captive market. He was also the one who kicked me out from my airconditioned office as Asst. Dean and made me occupy a sardine-like cubicle outside his office. Ginawa akong secretary niya. Tcch.



She asked me if I am going back to the academe in case I go home to the Philippines.I enjoy teaching but it is the long faculty meetings that I detest. And also the faculty politics. Yes Virginia, I started teaching when I was in my early twenties, rose from the lowest faculty rank which means I was expected to kiss ass to senior multi-degreed faculty which eyebrows were consistently raised when their recommended course syllabi or course offerings were questioned by the young members of the faculty. Mga tsuplado.



A few years after finishing my post grad and earning credits for my extracurricular activities related to my profession, I became eligible for the position. But then politics intervened. A protegee of one executive got the position. He was not welcomed in the community.


I got no problem when I handled the position. I limited the meetings to a few times only and most of the time the food was on me.


Even before I rose to the position, I know the faculty members. Halos sabay-sabay kaming nagsimula. Lima sa kanila ay doon na nagsipag-asawa. Sama-sama kaming magshopping at manood ng sine. Ang mga boys ang aming driver. I knew their strengths and weaknesses We shared and solve personal and family problems together.



Yong tumawag sa akin  ang parang si Kuya Cesar magsalita. Mabagal. Kung kausap mo siya sa phone kailangan maghello ka palagi dahil ang isip mo wala ka nang kausap kasi ang bagal ng sagot. Kung kaharap ko naman ay pinakikinggan ko siya habang nagchecheck ng mga essay ng aking situdyante. Humihingi naman ako ng paumanhin kasi ang tainga ko naman ay malaki kaya sagap ko naman ang mga sinasabi niya.



Minsan dalawang section ang natatapos ko habang nakikipag-usap sa kaniya.


Kapag sa meeting naman at toka niya ang magreport, may nakahanda kong papel. Dindrowing ko ng mga faculty. Ang mga babae nakasuot ng Darna at ang mga lalaki, nakasuot ng Superman. Pagkatapos niyang magreport, puwede na akong mgpublish ng comics. ahohoy.



2. Yong isang faculty ko naman ay mabagal maglakad. May lahi siyang Intsik at minsan tinitingnan ko kung nakasuot pa siya ng maliit na bakal na sapatos.


Pag naglalakad siya sa damuhan, sa bagal niya, tumubo na ang damo at kung hindi pa siya lalakad nang mabilis baka matakpan siya ng talahib.


Pag kasama naman siya sa out-of-town na mga seminar, may tao akong inaassign sa kaniya dahil baka makalimutan namin, maiwan ng bus.


Minsan kumain kami sa restaurant ng breakfast mula sa hotel. Pinauna ko na ang ibang grupo para umorder. Sinabayan ko siya. Pagdating namin doon, lunch na ang siniserve.
Pero magaling siya ha.



3. Ito namang isang faculty ay palaging late kong dumating. Noong ikinasal nga siya na ang mga ninong ay mg deans sa university na tinuturuan niya late pa rin siya. Sabi tuloy noong isang dean, baka akala niya klase ng naghihintay sa kaniya. Yuk yuk yuk.


4. Ito namang isa ay malabo ang mata na kagaya ko pero ayaw niyang magsalamin. Lagi siyang nakacontact lens, yong hard dahil hindi pwede sa kaniya ang soft.


Pag nahuhulog ang contact niya, para kaming naglalaro ng ISTATWA, walang kikibo o maglalakad dahil baka matapakan habang hinahanap niya ang contact.


Minsan hindi namin nakita so lumakad na kami, alalay namin siya dahil baka madapa o mabangga sa pader. Ang pinakamasahol ang kausapin ang poste sa pag-aakalang tao yong kaharap niya,


Habang naglalakad kami, napansin kong may kumikintab doon sa ruffles ng blouse ng isa naming kasama. Doon pala lumipad.


5. Yon isa naman mahilig magpahulugan ng mga pagkain kagaya ng tocino, longganisa, bangus at atsara.


Hindi naman sa dahil naghihirap siya. Gusto lang talagang gusto niyang matawag na businesswoman. Sa faculty room makita mo ang mga baon ng mga faculty kahit sa ibang College, ay tocino o longganisa. Noong mapunta ang asawa niya sa Saudi ang mga pinahulugan naman niya ay mga alahas. Pag pasok mo sa faculty, masisilaw ka sa ginto na binili sa Drop Drop Terms. hulugan.


Pero magagaling sila dahil pag may goal kami ay suportado nila. Para lang kaming magkakabarkada pag nasa labas. Ni hindi nga nila ako tinatawag na Dean O ma'am kung hindi TITA. Lahat naman ng babeng faculty ang tawag namin Tita kahit na yong isa na ang pangalan ay Tita, kaya siya Tita square. Kahit umalis na ako ang camaraderie nila ay nandoon pa. Nag-aabroad silang magkakasama para makatipid.


Miss ko sila Syempre, nang nagabroad na ako.  Noon magkakasama kaming nagfile ng mass leave para ipakita ang aming stand para sa isang issue. 


Noong huling uwi ko nga. Okupado namin ang mahabang lamesa ng MAX. As usual yong kasama naming isang faculty, nauubos ang kalahating bote ng ketchup kahit na yong manok doon ay naging sisiw na lang ayon kay Lee.



Pagkatapos naming mag-usap, may naamoy ako. Niluluto kong long grain rice ay nasunog. Di ko niluto sa rice cooker. Maliit kasi. 
Kaya ngayon mayroon na akong kapeng bigas mula sa tutong na niluto ko. arghh yum.

Pinaysaamerika

9 comments:

Lee said...

tawa ko ng tawa dito sa mga kanya kanyang katangin ang iyong mga friendships mam hahaha.
nakakarelate ako kasi my mga ganyan din akong friendsters na ala kuya cesar magsalita at napakabagal maglakad,ako pa naman mainipin e magsasalita sya ng wala na pala syang kaharap hahaha.
parang itong mga friendsters ko dito na palagi nalang late sa usapan.
ako kasi ontime ako sa usapan,pag sinabing 7am, before 7 nandun nako, e yung iba 7 saka palang aalis sa bahay tapos aangal na ma traffic daw.
nasanay kasi ako dito sa mga aleman na amo ko na pag sinabi yung time kelangan before hand nandu kana at pag dumating yung time ng usapan kunyari e 7 at wala kapa layasan na at wala nbg hintayan,ganun ang gawa ko kaya galit na galit sila sakin e di naman daw ako aleman hahahaha.

Lee said...

tama ka dyan mam, there is no perfect friend but there are perfect friendships.
namiss ko tuloy bigla yung mga friends ko na naiwan ko sa south asia,sa pinas kasi yung mga dating friends ko dun e mga nangagsipag abroad narin kaya twing uuwi ako e yung sister ko lang at si mader ang friensdters ko.

Lee said...

hahaha speaking of rice coffee, nung maliliit pa kami yan ang kape namin pag naubusan kami nung nasa baso na nescafe.
pag nasanayan mo na masarap naman gamot pa nga sa sakit daw ng tiyan, kaso napapanis kaya dapat konti konti lang ang busa.

cathy said...

ako rin american time. hindi ako nalilate. naisstress kasi ako pag iyong nagmamadali ako.

marami pa yan. close naman kasi kami saka may gripe session kami. labasan ng mga gripes ano pa. pag ganiyang habit na talaga, pasensiya na lang kasi hindi rin naman kami perfect. kagaya ko, maingay ako pag tulog. kaya pag sleepover kami o may out of town seminar, walang may gustong tumabi. hahaha. yong iba naman inaabangan ang numerong sasabihin ko.

Lee said...

nyahahaha parang ako pala malakas humilik, buti nalang nga di ako naglalakad matulog lol

cathy said...

lee,
sa amin ako lang yata ang nagmigrate at yong isang lalaki. meron pang isang nagtry pero hindi nakatagal umuwi din. yong isa naman hindi na bumalik at iniwan na ang pamilya. Lahat lalaki ang mga nagmigrate. yong mga babae hindi pwede kasi nagsimula na sila ng pamilya.

kaya nandoon pa rin sila.

apat na babae pumunta rito sa States. Yong mabagal magsalita kasi dinalaw niya ang kaniyang kapatid. Yong isa na na mabagal maglakad. kinausap yong voice mail ko. hahahaha
eh nasa ibang states pala siya.

at yong isa naman ay nanggaling sa saudi, dinalaw ang asawa niya.

pag kita naman riot sa bahay. hahahha

cathy said...

lee,
ako nagsasalita lalo pag pagod kaya minsan nagising ako, nakatanghod sila sa akin. Tanong ko WHAT?

yon pala nagtsisimis ako habang tulog.

Lee said...

nyahahaha ibang klase ka pala mam, kahit tulog nakikipag chikahan hahahaha

cathy said...

sabi ng doctor dahil daw sa anxiety yon. minsan kasi nagrerekalmo ako dahil sabi ng kasambahay ko nagiispeech daw ako habang tulog. hahaha