Advertisement

Tuesday, December 08, 2009

True luck consists not in holding the best of the cards at the table; luckiest is he who knows just when to rise and go home.

Dear insansapinas,
I had just watched Las Vegas, a TV series about casino and the life in the Sin City. The episode was about a big whale ( malakas maggamble) who was "pirated" from another casino by a lady casino employee whose job is to take care of big spenders.  The " big spenders" are dined, wined and women'ed by the casino while they are throwing their millions in the gambling table.


In the real life, one such big whale is facing prison terms if he  can not pay his enormous debts amounting to 77 million pounds which he incurred after losing several millions. He is suing the casinos for not stopping him to gamble.



The philanthropist, from Omaha, Nebraska, claims the casinos plied him with alcohol and painkiller while he gambled.Throughout 2007, Watanabe, 52, practically lived at the two casinos, betting a stunning total of $825million (£500m).  He would sometimes stay up for 24 hours at a stretch placing bets on games with some of the worst odds in the house - roulette and $25 multi-line slot machines.  
When he played blackjack, he would often play three hands at the same time, each with a $50,000 limit.
A friend of mine lost but his shirts when he was addicted to gambling in Nevada. His mother sent him home (Philippines) after he practically lived in the casinos for months and calling her long distance to send him transportation money. 


Muntik pa nga niyang maisanla nanay niya pa makabalik sa Reno.


Yon namang isang kakilala ko, nanalo muna silang mag-asawa. Every week, they were reserved a room in a hotel as incentive to come back and gamble. 

In a span of few weeks, the money doubled in value not as winnings but as loses.

The couple started to quarrel. Nagliliparan ang mga kubyertos. I know, I used to stay with them during weekend as housesitter while they're gone to Reno. Minsan may laman pa yong platong ibinato sa mister. Balak kong saluhin. Sayang yong chicken.



Lahat ng perang pinagkatiwala sa kanila ay naubos hanggang nagtitinda ang asawa niya ng mga kung ano-ano sa opisina para lang 
pandagdag sa kanilang pambayad sa utang.


Tinatanong nila bakit sa lahat ng isinama nila, ako ang hindi nahilig magsugal.


Nagsusugal naman ako doon. Sa slot machine. Yong nga lang quarters, meron pa nga nickel yata o dime. Pag nanalo ka wala pang 20 dollars. Ewan ko kasi ako naman hindi nananalo. Pag ako natalo ng five dollars, isang dosenang tylenol ang iniinom ko. Hindi pangsuicide anoh, kung hindi sa sakit ng ulo at ng masel sa kalalaro sa slot machine.



Pag nanalo ang mga kasamahan ko, may libre kaming almusal yata o buffet lunch. Hindi ko alam, libre pala ang drinks. Kaso hindi rin naman ako umiinom.



Yong kasama kong nanny ng mga bata, may dalang plastic para sa 

pagkain. Disimulado ang paglagay niya sa kaniyang bulsa.



Pag-uwi namin, dala namin mga tuwalya as souvenir. ayoko naman, nandoon pa rin ang amoy. Mura naman ang tuwalya. 


Yon namang kaibigan ko, nagsugal muna bago nagpakasal sa chapel doon na si"Elvis" ang pari. 


Pinaysaamerika

3 comments:

Twilight Zone said...

nagpakasal na si elvis ang pari hahaha dami naman kasing mga impersonator dun diba?
itong isang colleague ko na nagretired na, mahilig magkasino pero sabi nya e hobby lang at never syang malulong, 500-1000 php lang budget nya twing magkakasino, may kulane na raw yung kilikili nya nun kaka slot machine at yun lang daw ang nilalaro nya sa casino.
never akong maengganyo ng kahit anung klaseng sugal, kahit pa pustahan,basta my invilve na perang laro parang tamad na tama ako laruin hhaha.

cathy said...

yong dati kong boss ,mshilig din sa slot machine. lahat ng tunog na marinig niya parang nahuhulog na barya.

Lee said...

hahaha grabe na pagka adik sa slot machine.
mahirap pag ang tao nalulong sa sugal,kahit gano kayaman bigla magiging pulubi, talo mo pa ninakawan.
my kakilala akong napakayaman nila bigla nalang nawala sa lugar namin yun pala naisugal ng ama lahat ng kabuhayan pati yung bahay at mga gamit sa bahay,kaya
ayun alsa balutan sila ng gabi at balita puntang probinsya.