Advertisement

Wednesday, December 30, 2009

Jose Rizal's letter and the Execution monument

 Dear insansapinas,
Today is the commemoration of the 113 th death  anniversary of Jose Rizal, the National Hero. There are suggestions that there should be no 
observance of Rizal Day on the date of his death.


The old picture of Jose Rizal's execution






This is the Execution monument of Jose Rizal in Luneta.



Something is wrong with the monument. I already discussed this observation in my Now What, Ca t?


Para bang patakas  si Jose Rizal at siya ay hinabol ng firing squad. What do you think?



Isipin ninyo sa musketry execution or firing squad, nakalinya at sabay sabay magpaputok ang mga sundalo na ang mga baril ay hindi lahat may balang pampatay para hindi nila alam kung sino talaga ang pumatay.



Kahit sa coup de grace na sinasabi sa mga execution na hindi namatay kaagad ang binabaril, squad  pa rin ang magpaputok. Kaya nga may second standby na team para dito.


O kung hindi man, team, mismong yong execution officer ang magbibigay ng coup de grace pero sa malapitan at sa may tenga ang baril.


Ewan ko siguro kasi nabasa ko na bago namatay si Jose Rizal, iniharap niya ang katawan sa firing squad. 



Isa pa yong Amerikana niya mukhang style ngayon. Tingnan ninyo ang Amerikana noong kapanahunan niya sa itaas. Pati ang hati ng buhok mali.


Letter of Jose Rizal



Here is the letter he wrote to his family how he liked to be buried.
To my family,

I ask you for forgiveness for the pain I cause you, but some day I shall have to die and it is better that I die now in the plentitude of my conscience.

Dear parents and brothers: give thanks to God that I may preserve my tranquility before my death. I die resigned, hoping that with my death you will be left in peace. Ah! It is better to die than to live suffering. Console yourselves.

I enjoin you to forgive one another the little meanness of life and try to live united in peace and good harmony. Treat your old parents as you would like to be treated by your children later. Love them very much in my memory.

Bury me in the ground. Place a stone and a cross over it. My name, the date of my birth and of my death. Nothing more. If later you wish to surround my grave with a fence, you can do it. No anniversaries. I prefer Paang Bundok.


Have pity on poor Josephine.
___________

The decree issued by Emilio Aguinaldo on December 20, 1898 was to observe national mourning  not only for Jose Rizal but for those brave 
Filipinos who had fallen during the Revolution.




Pinaysaamerika

19 comments:

Lee said...

mam, ang alam ko, yung biglang pagharap nya para nakaharap syang mabaril,
diba nirefuse nga nya yung piring.

dyan nagpuputok ng husto ang butche ko,yung mas pinapahalagahan pa nila yung iba kesa ky rizal,samantalang sya nga ang national
hero natin,they should not forget that,not even a second...

kahit ba sabihing di sya lumaban kagaya ni bonifacio(another very important hero)pero mas matalim at makamandag yung panulat nya kaya nga sya ipinapatay ng simbahan,
wala syang takot
magbulgar ng anomalya kahit sinu kapa,kahit katolliko
sya,di sya nagbulag bulagan,
pagkatapos
mas pinapahalagahan pa nila yung pagiging bayani kunu ni ninoy?na pati si cory bayani na rin at the worst gusto pang gawing santa?
at si noynoy my dugong bayani??????????
EEEEEEEEEEEEEEeeeeeeeeee!
wala lang mam,
tumili lang ako nyahaha.

Lee said...

kahit nga si aguinaldo, i never
consider him as a hero,pati
nayung berdugo nya na ginawa ding hero...... mga herodes na yan!

Lee said...

maraming baliw na pilipino (isa nako dun jejeje) na dina pinagaaralan mabuti,basta
lang feel nila gawing bayani,bayani na, feel nilang gawing santa/santo e santo/santa na.
kagaya nalang nung paggawa nilang santo kay lorenzo ruiz,nakakahiya... bandido naman pala, pero wala na e,kahiyaan na
dina mabawi yung proclamation kaya pilit nalang itinago yung scandal

cathy said...

e sino ba ang nagpush para maging bayani sina aquino, di ba ang mga kamag-anak at yellow brigade.

yong isa ngang dating secretary ni cory, gusto pang gawin siyang santa?
ha?

ang inis ako yong pinagkakuwarthan nila ang aquino family.

nalita mo ang yellow tshirt, ang yellow ribbon. Nadismaya ako nang pati ang pagrorosaryo ng mga kapatid noong maysakit si Cory ay binebenta rin. Ewan ko kung totoo.

It is all about commercialism of the name and riding on its popularity to gain more power.

TSEH. sabog laway.

cathy said...

haynaku, in my book, hindi hero si aguinaldo.

cathy said...

kahit Katoliko ako lee, hindi ako agree sa pag kacannonze sa mga tao para maging santa.

marami ring donation si Vatican yan. Ooops, sama ko talagang Katoliko.

Besides, hindi naman nila alam ang buhay ng mga taong ginawa nilang santo at santa.

Ang mga bansa lang kasi gusto lang magkaroon ng santo o santa. Lalo naman ang mga OPrders ng Pari kagaya ng Franciscans at mga dominicans.

Wala akong galit sa mga orders na ito pero pulitika rin ang relihiyon.

Aray sinong bumato sa akin ng kurus at sumaboy ng holy water.

Lee said...

hahahahahahaha sakit ng tiyan ko hahahahahaha.

hay naku mam, diba sabi nga ni rizal?lahat ng pwedeng pagkaperahan.....

ayun, my nakanting kalyo, bumayad para sya patayin...

nabasa mo ba mam yung original na noli metangere na tinago nila at ginawan nalang ng edited version,yun nga yung nababasa in public.....?

sayang si Rizal,kung nabuhay pa sana sya ng mas matagal, pero di rin, di rin sya mabubuhay ng matagal,simbahan ba naman kalabanin nya...

and another berdugos,
Aguinaldo was a killer and a traitor...

His berdugo ng tirad pass na pumapatay sa utos nya...

And his shamefull defeat...

mga hero-des!

nyahahaha, sasabihin nanaman ni dencio pag nakita tong comment ko e hanggang dito my hater hahaha.

cathy said...

lee,
nabasa ko yon. tawag doon unexpurgated version yo. sayang nga at nabasa at nasng libro kong yon.

nagbibigay kami ng summary noon ng bawa't tsapter, iba ang ibinibigay ko. hehehe

sa Catholic school pa naman ako noon.

grabe yon.

cathy said...

ang maganda doon sa nobela, hanggang ngayon, nangyayari pa. ilang ba sa mga kakilala ko anak ng pari.

ilang milyon ba ang ibinayad ng Catholic Church sa mga nagdedemanda sa mga paring pedophiles dito sa US mula noong isang pari ay pinatay sa isang preso dito nang maconvict siya.

mula noon hush hush ang mga kaso at kahit hindi totoo nagbabayad na lang para di na mamedia.

ang pinakahuling balita ay yong obispo na nangrape ng bata.

Hindi Catholic bashing ito ha. CAT oliko ako pero ang nobela ni Rizal ay relevant hanggang ngayon.

biyay said...

natawa naman ako lee sa hero-des mo. di bale na cath yung mga pari na may "asawa", choice naman nila yun. pero ano ba ang ginagawa ng simbahan sa mga paring pedophile? binayaran lang nila yung mga nagreklamo pero inaalis ba nila sa order ang pari? o nililipat lang ng assignment? kokonti na nga lang ang mga pari, grabe pa ang mga kalokohan

cathy said...

dito biyay, nililipat lang kaya nauulit ang kaso.

lalo dito walang masyadong mga pari.

diyan uso may anak ang pari; dito ang uso, maraming mga inaabuso ang pari na parang anak na lang nila.

Lee said...

mas maganda nga kung ang mga pari e pinayagan nalang nilang magasawa...

at yun naman mga pedo na pari, sana naman e pinaparusahan nila,ibitin ba ng patiwarik sa altar este sa langgaman hahaha...

biyay, yan naman ang tawag sa mga bayaning nadaan sa bayaran jejeje.

marami akong kabarkadang pari dati,dito kasi walang pari e,peborit akong kabarkadahin ng pari kasi palagi nilang sinasabi, my pagasa pakong tumino,
ayun awa ng juice sila nasiraan ulo nyahaha.

my tiyahin akong niligawan ng pari, umalis sa pagkapari pinakasalan sya,kaya lang parang lolo na nya,ganda pa naman nung tiyahin ko mistisa at dating announcer sa radyo.

dating madre si lowla na tumakas lang sa kumbento,kaya maraming alam na kalokohan sa loob.

si aguinaldo, parang si ninoy, nadaan sa pera pagiging hero-des.

yun pala ang tawag dun mam, hahaha

masaya akot na cancel yung alis ko,after new year na daw jejeje.

rally vincent said...

~dala ng payong panangga sa laway na tumilamsik mula sa tseh ni madam cat~

masarap pag-aralan ang buhay ni rizal - the hidden histories and controversies na din. I admit na kahit ako, kulang pa ang kaalaman ko about him kaya natutuwa ako pag may nalalaman akong bagong impormasyon about him as well as the other heroes sa ating kasaysayan.

Yes, hindi ko rin kinonsider as hero si Aguinaldo. Marami pang pilipinong lumaban noon ang hindi nakilalang bayani - yung iba, halos di mapangalan ng mga estudyante at kabataan ngayon.

Ewan ko ba kung bakit tamad ang karamihan sa mga estudyante ngayon sa history. Di kaya takot silang magka-stiff neck sa kakalingon sa ating nakaraan o sadyang wala na silang pake sa ating kasaysayan.

Tinalo pa nang natutulog na mantika ang mga tulog na utak ng karamihan sa mga kabataan ngayon. Mas ramdam ko ang frustration ko over that nitong nagtuturo na ako. Mas kilala pa nang mga kabataan sina Zorro at Marimar kesa kina Jose Rizal at iba pang pilipino na lumaban para sa tinatamasa nating kasarinlan ngayon.

rally vincent said...

Speaking of religion and the santa-santo issues, i admit na may pagka-agnostic ako pagdating sa point of view ng religious systems.

*binato din ng krusipiho at holy water* aray!

naniniwala ako sa isang supreme being katulad ni God pero hindi ako agree sa religious authority eklavu ng mga pari etc. kasi naman, pare-parehas lang tayong tao at iisa lang ang makapangyarihan sa atin di ba? *sabay turo sa itaas*

its really way too much kung gagawa pa nilang santa si Cory. tama na yung siya ang isa sa mga icon ng democracy dito sa pinas - wag na nilang ihalo ang religion chorvalais.

rally vincent said...

pasintabi lang ha...baka may matabig akong religious people here.

~binato ng basin ng holy water~

aray!

cathy said...

lee,
mabuti naman nacancel. postpone lang pala. alam ko mabobore ka rin.

may nakaopisina ako na dating nobisyada. lumabas. naku mas taratitat sa amin sa opisina.

tapos nalaman namin kaya pala pinalabas dahil pinaghinalaan na may relasyon sa isang madre.

sabi nga one swallow does not make a summer...

kasi marami pang ibon. ehek ano baang pinagsasabi ko.

mas marami pa naman ang matino siguro kaysa sa mga dysfunctional.


pero yong aking kaibigan lumabas sa seminary dahil steak ang kinakain ng kanilang mga superiors samantalang sila ay isda.

cathy said...

silver,
katulad mo I believe in the Supreme Being. Ang mga tao religious, hindi spiritual sa atin.

ang mga taong nagkakaroon ng power at ang nagaabuso ng power nila na ginagamit pa ang Diyos ang sobra na.

I know Cory will object to be elevated as a saint. minsan ang mga followers na walang clout ang gumagamit sa kaniyang legacy para magbenifit din sa sympathy ng mga tao.

ang naiinis ako ineeexploit din ng mga anak niya ang popularity ng kanilang magulang.

nakakasawa na iyong palagin memention sila tuwing may pangyayari sa buhay nila.

Anonymous said...

sabi ng teacher namin kaya biglang humarap i dr. jose rizal kasi ayw nyang magingg tryador para kasi ang pag taliko ay patratraydoy..kahit na daw naki usap si rizal na pa harap barilin hindi pumayag ung mga espanyol kaya nung na rinig nya ang sa litang "fuego" meaning daw un fire biglaa daw humarap c rizal...hmmmmm

Anonymous said...

sabi ng teacher namin kaya biglang humarap i dr. jose rizal kasi ayw nyang magingg tryador para kasi ang pag taliko ay patratraydoy..kahit na daw naki usap si rizal na pa harap barilin hindi pumayag ung mga espanyol kaya nung na rinig nya ang sa litang "fuego" meaning daw un fire biglaa daw humarap c rizal...hmmmmm