Advertisement
Friday, December 25, 2009
Christmas Day
Dear insansapinas,
Ang mga bata sa Pilipinas ngayon ang mga mucho dinero. Marami silang collections sa kanilang mga ninang at ninong. Samantalang ang mga matatanda ang bankrupt. Pero masaya sila. Kulang na lang kumuha sila ng home equity sa bahay ng aso nila para makautang sa bangko. Noon pag December, wala talagang kawala ang mga ninang ng aking tsikiting gubat. Kahit na gumastos ako ng galong-galong gasolina at tumanggap lang sila ng pera na kulag pang ipangbili ng sandwich. Ang paniniwala ko dapat makilala ng aking mga tsikiting ang mga godpayrents nila. Lalo yong mga balasubas. Ehek.
Dito sa US, malungkot ang Pasko. Ang mga bata walang pinupuntahang mga ninong. Kamag-anak meron pero memya lang nagmamahjong na ang mga payrents nila habang iniisip nila kung gaano katagal mawatak-watak ang mga laruang natanggap nila.
Ako naman ay walang magawa pagkatapos na makausap ang mga kamag-anak, kaibigan at mga pilit nakikikaibigan...sa telepono.
I was given the following options after I made myself more saintly by hearing mass. Palagay ko napakabanal ko na ngayon na puwede ko na kayong basbasan brothers and sisters. Nanood ako ng mass mula sa Vatican. Wala na yong biglang may tumalong babae. Sakripisyo rin ang ginawa ko. Dalawang oras akong nanood habang umiinom ng mainit na tea. ( Slap self). Tinignan ako ng aking pusa. Roll eyes siya.
Sabi ko nga may options ako:
1. To blog and sleep
2. To sleep
3. To sleep
4. To sleep.
Pinili ko yong ikaapat. Ganiyan ako, hindi kaagad tumatalon sa options na available. Mwehehe
Pag gising ko dami naman namang tawag sa phone. Ginigreet ako ng Merry Christmas. Sabi ko naman natanggap na ba nila yong pinadala kong Christmas card. Hindi pa? Hilakbot ako, habang nilalagyan ko ng stamps yong mga envelop. Salbaheng mga postman yan.
Tiningnan ako ng pusa ko. Tapos lumakad palayo, iiling-iling.
Bukas tuturuan ko siya kung paano magkaroon ng poker face.
Tapos naligo ako. Sa lamig, mas malakas ang bukas ko sa HOT WATER Yong bang mainit na puwede akong magdala ng cup na may instant coffee at sugar at pwede na akong magkape doon sa bath tub.
Halos malapnos ang aking balat sa init, pero ang sarap naman. Pagharap ko sa salamin, para akong roasted duck na naumumula-mula. Arggggh.
Pinaysaamerika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Ako e nagtataka kung baket ang mga tao dito sa pinas, ang tingin sa ninong at ninang e bangko kada pasko. The questions are: pagiging bangko na lang ba ang role ng mga ninong at ninang tuwing pasko?
Tuwing pasko lang ba maalala ang mga ninong at ninang? I always regard my ninong at ninang as advisers, not as banks tuwing christmas kaya I rarely do yung mamasko. Kung magbigay, okay lang. Kung hindi, okay lang din.
~Silver~
hahahaha tawa na a habang nagbabasa hahaha.
mababaw ba ko?
hindeee talagang nakakatawa ka hahahahaha.
my kaisa isa akong inaanak sa pinas,at talagang nag iisa lang yun,nung umalis ako sa pinas,baby pa yun, ay yung kumare ko 8 ang naging anak na sunud sunod at every year present sila at walang absent.
kung pwede nga lang magbigay ng award e mabibigyan mo sila kasi kahil san kami tumira at kahit taon taon kami maglipat ng bahay nasusundan kami kahit dimo sila iinform kung san kami lilipat hahaha.
so, sa iisang inaanak ko,pag pumunta sa bahay e isang batalyon daw(wala ako palagi pag pasko naglalayas ako hahahaha),
naka ready naman na ang regalong toys at pera sa inaanak ko,
ang nakakasindak,tuwing pasko nadadagdagan yung
anak ng kumare ko at nadadagdagan ang regalo kasi
naman e alangan namang dimo
bigyan ng regalo yung iba?
kaso tatandaan mo na sa next xmas na dalaw nila
e dadagdagan mo ang regalo kasi taon taon nanganganak sya.
so nung kinuha ko si mader at bunso sa abroad,yung
si sister ang obligadong magready ng mga regalo para sa isang batalyon nadarating,yap isang
batalyon pero isang pamilya lang yun hahaha,para narin akong
nagkaron ng isang batalyong inaanak.
nung kinuha ko na rin si sisteret sa abroad,di run
nagtapos ang aking obligasyon sa inaanak,yung bayaw ko ang nagtuloy nyahahaha.
lumipat kami sa manila so nakaligtas ng 2 xmas ang bulsa ni mader at si bayaw ay di mahagilap sa bahay at si sister ay sumama sa manila,
nung umuwi ako netong august lang,umwi ako ng bulakan for some paperworks,nahuli ako
ng kumpare ko,pero
proud naman syang sinabing 10 yung anak nya at tinigil na nila,wala na silang plan na dagdagan pa,
so habang magkausap kami
tinatawagan na yung pamilya na puntahan nako at nandito na raw ako(kahit diko naman sila inimbita) nyahaha
so nasa munisipyo,wala akong kawala at si kumpare pala e dun na nagwowork, parang mga kidlat
yung mag iina sumugod,wala pang 40min nasa munisipyo na,
nasa skul daw yung iba kaya di kompleto,
pinaalala pa kung ilang pasko ang utang ko at dalaga na ang inaanak ko at dina mahilig maglaro ng toys(anu na kayang nilalaro?)
para matapos na ang kwentahan,
dumukot akot inabutan ko ng $100 kasi kung hihintayin ko syang matapos pag kwenta baka doble pa dun ang lumabas na utang ko waaaaaaaaaaaa.
so, kahapon daw nagbilin dun sa inlaws ng aking sister
na babalik daw sila dun today,
ewan kung sinung pilato aabutan nila dun e yung bayaw ko nandun sa manila nagpasko nyahahaha.
next time uwi ko ng pinas,
di muna ko papakita sa bulakan,kasi nung last time na magkita kami
nung aking kumare,sakin
pinasasagot yung
pagka college nung inaanak ko,
de puger,kakalimutan ko na ang bulakan,mag iistey na ko for good sa manila bwahahaha
sorry inaanak,
patawarin mo ang ninang mo hahahahaha magsolian na lang kami ng kandila bago ako ma bankrupt.
pero mas sushal ang aking mga (2) inaanak abroad, ang kanilang mga request ay psp, ds, ipod (ka-blag hinimatay)kala kasi nung mga nanayBFF ko) e mura dito sa china di nila alam mahal din yang mga yan dito
lalo pat yung mga orig.
next na my kumukuha sakin maging ninang, sabi
Sorry bawal sa religion ko bwahahahahahaha.
silver,
yon kasi ang nakagisnan ng mga bata na ang godparents nila ang kanilang bangko every Christmas.
Padamihan pa sila ng "collections".
Iba mas preferred pera para nga sila ng bumili ng kanilang regalo.
Iba naman "kinukumpiska " ng nanay. hahaha
lee,
yong ang isa pang kinagagastos ng mga ninang at ninong. Yong may dala pang isang batalyon na anak na wala ka namang pakialam sana dahil di mo naman sila obligasyon. Pero kailanganding bigyan mo. So may tradisyon na.
pero alam mo ba noon na kaladkad din ako (pareho lang tayong kaladkarin) ng aking kaibigan pag Pasko papunta sa ninang niya.
Hindi ko naman inexpect ang regalo dahil hindi ko naman kilala ang mga ninang at ninong niya.
Bah, binigyan ako pera. Tiningnan ko ang mukha. Nakangiti naman.
Mixed ang feelings ko kasi hindi ko na nakita ang ninong ko. Masaya at malungkot. Di kasi ako sanay tumanggap ng pera kahit noong bata pa ako.
parekoy, malas ko wala akong ninong at ninang, sa kasal meron,pero diko na mahagilap lahat silang 6prs nyahaha.
ganun kasi talaga anga ang pagkaalam nila sa ninong at ninang e,di naman pinaliwanag ni nanay at tatay kung anu ang role nila,basta pag pasko hala punta kayo sa ninong ninang,
at ang nakakatawa lahat ng ninong nianng ng bawat isa e pupuntahan nila kaya sila doble doble ang napamaskuhan kasi
yung mga kasamang kapatid nung inaanak e aabutan mo rin.
hahaha tama ka dyan mam, pagdating tatanong nung nanay kung tig mamagkano, sabay sahod ng kaya at sasabihing itatago daw nya muna nyahaha
hahahaha buti mam dimo sya ginawang poster ninong/ninang hahaha.
si mader di nagbibigay ng pera sa inaanak ko pero sabi ko bigyan din bukod sa laruan,
para naman mabawi yung pamasaheng ginastos dun sa isang batalyon hahahaha.
kaladkarin din ako mam, palagi akong kaladkad ng lola ko kahit sa pumunta hahaha.
ako siguro ang pinakamasamang ninang. kasi naman di ko alam ninang pala ako by proxy.
tapos di rin ako mahagilap.
alam mo yong pangany ko, ang mga ninang at ninong, kaklase ko. di ba nga ang aga kong lumandi. hehehe
walo siya sila noon. amg gulo namin sa simbahan. nakalinya sila parang may flag ceremony.
nang malaman ng iba kong kaklse na sila di kasama, umoorder ba naman ng isa pang bata para naman daw sila ang maging ninang at ninong.
pero isa lang ang pinupuntahan namin pag Pasko. At inaanak ko rin ang anak niya nang mag-asawa siya after College.
So parang exhcange gifts kami. hehehe walang lamangan.
lee,
a sobra naman yong pagikaw pa ang pinasagot sa College. Ano ka bangko.
PAWITHDRAW NGA. KAZZZING.
Ewan ko nga ba. Hahhaha.. As in kaching here, kaching there ang mga bata tuwing pasko sa mga ninong at ninang nila. :D
Parekoy,
Talo mo pa ang nagkaroon ng isang regiment sa military. Bwahahha. As in isang batalyong inaanak. Litsi!
mam, kaya nga gusto ko ng magtago for life at isoli na yung kandila e,gusto akong gawing bangko para sa college hahahahaha.
lahat naman ng inaanak ko puro my proxy,yung pinakalast na inaanak ko e sa Milan,kaya proxy din,
ayun magiisang taon na next month wala manlang ako naibigay na gift hahaha.
o diba, sa pinas ang uso apagkuha ng ninong at ninang at paramihan pa, e yung my mga pera?
kasi dami pakimkim at papasko hahaha.
kaya after nung ceremony naman wala kang mahagilap.
parekoy, kaya nga nagtatago ako ngayon as in TNT bwahahaha.
kabilang na ako ngayon
dun sa mga ninang na nagtatago sa inaanak hahaha
kampai kampai nalang parekoy habang TnT ako nyahahaha kawawang inaanak.
lee,
minsan umuwi ako, may nagmano sa akin. di ko kilala. sabi niya anak daw siya ni ano at ninang daw ako.
binigyan ko na lang ng pera kasi kawawa naman namasahe.
pero ang laki na naman niya. kailan ko kaya siya naging inaanak?
Post a Comment