Advertisement

Monday, December 14, 2009

PERFECT BABIES, IMPERFECT PARENTS and NURSERY RHYMES

Dear insansapinas,



Remember yong pelikula ni Arnold Schwar...whatever at Danny de Vito, ang twins? Usong-uso na ngayon yan. Para bang nagpapasssemble ka ng baby thru sperm donation at vitro-fertilisation
at kung hindi o ayaw dalhin ng nag-order na nanay (ala Jessica Sarah Parker )  merong agency na mag-aarange ng surrogacy option. (karamihan sa India kinukuha) o kaya naman ay may kinukuhang babaeng willing maging buntis at manganak.


Ganoon ang ginawa ni Amy Kehoe.
Unable to have a baby of her own, Amy Kehoe became her own general contractor to manufacture one. For Ms. Kehoe and her husband, Scott, the idea seemed like their best hope after years of infertility.


Working mostly over the Internet, Ms. Kehoe handpicked the egg donor, a pre-med student at the University of Michigan. From the Web site of California Cryobank, she chose the anonymous sperm donor, an athletic man with a 4.0 high school grade-point average.
On another Web site, surromomsonline.com, Ms. Kehoe found a gestational carrier who would deliver her baby.
So ipinanganak ang twins. Tuwang tuwa ang mag-asawa. Pakailang buwan, binawi ng surrogate mother.
Yon pala may history ng mental illness si Amy Kehoe at gamot lang ang nakakapagpigil nito na mabawasan ng turnilyo sa ulo.


Sa US iba-iba ang batas. May mga States kagaya ng California na ang parents ang may karapatan sa bata kapag nagkaroon ng issue ng custody kagaya nang nagbago ang isip ng surrogate mother. Sa ibang States naman ay ang  karapatan ng surrogate mother ang ina-uphold ng batas.


Ang aking sister-in-law na doctor at ang kaniyang ex-husband na doctor din ay di magkaanak. Meron silang nakuhang istudyante na papasok sa Harvard na buntis. Ayaw ng babae na alagaan ang bata at balak ipaampon. So habang buntis siya ay  nagkaroon sila ng agreement ng aking sis-in-law. 


Nang ipanganak ang bata, hindi niya nakita. Ayaw niyang makita. Pero ang aking SIL ay nagpapadala ng retrato sa kanya. Ang guwapo ng bata. Blonde at blue eyes at tiyak matalino dahil 4.0 ang average noong istudyante.


Sabi ng MIL ko; My daughter is crazy sending thse pics to the real mother. She doesn't care. All she wanted is to move on. What if she changes her mind and get back the baby?


Pero hindi nangyari yon. Talagang ayaw noong mother. Ngayon hiwalay na ang SIL ko sa asawa niya at share sila sa custody ng bata. Sad di ba. Yon pala may analk sa iba yong kaniyang asawa.


Nursery Rhymes

Noong maliit pa kami meron kaming Golden Book. Nandoon lahat ang nursery rhymes. Ang saya, irecite kagaya noong Peter Piper pick a peck of peckled pepper...etc. etc.

Pero ngayong matanda na ako (biglang naghulugan ang kaldero, kawali at pati na ang batya) 
narealize ko na nakakatakot pala ang nursery rhymes.

Ito:
Humpty Dumpty sat on a wall.
Humpty Dumpty had a great fall.
All the king's horses and all the king's men
Couldn't put Humpty together again!



Biruin mo yong picture na nakikita mo ay itlog na basag. bwahaha

Ito pa;

Three blind mice,
See how they run!
They all ran after a farmer's wife,
Who cut off their tails with a carving knife.
Did you ever see such a sight in your life,
As three blind mice?

Kung noon ito nangyari, hahabulin sila ng animla rights advocates. Mice with disabilities ito. hehehe 

Ito pa;

There was an old woman who lived in a shoe.
She had so many children, she didn't know what to do.
She gave them some broth,
Without any bread,
Whipped them all soundly, and sent them to bed.

Lagot siya sa Social Services.

Pinaysaamerika 

15 comments:

Lee said...

napanood ko yung movie na yung si arnold at danny.
diba my mga babaeng for hire para dalhin sa sinapupunan nya yung bata at pag nanganak kukunin na ng tatayong magulang?
sa pinas nalang, diba napalabas sa isang documentary na sustentado sila habang buntis sila
pati yung pagpapa prenatal,vits, etc etc tapos additional 1,000 or up ang bayad pag nailuwal na yung baby.
maraming gumagawa nyan lalo pa sa mga below poverty, sabi ko nga e kahit bayaran ako ng 10 milyon, no joke, ayoko magbuntis kaya nga iisa anak ko jejeje.
for 8mos bedridden ako, walang makain kahit ano naka swero, nakakulong sa room, sa loob ng 7mos di ako nakakatayo bubuhatin pako pagpunta sa cr at paliligo.

si mader panay hilot sa binti ko at baka dina raw ako makalakad pa, at nung manganak ako muntik pako mamatay, yun ang dahilan kaya kahit ilang milyon pa yan no thanx jejeje.

Lee said...

my mga babae naman kasing kung manganak e parang pusa, parang walang nangyari.
yung sister ko umabot ng 3 anak kahit bedridden sya, puro CS at kada anak e lumalala yung scolio nya kaya pag medyo lumaki na ng konti yung tiyan nya naka confine na yan ng matagal sa hospital hanggang manganak,
dun na nakatira sa hospital, diko kaya yun hahaha mamamatay yata ako,e type nya maraming anak e.

Lee said...

hahaha anu ba yang mga nursery rhymes na yan nakakatakot hahaha.

cathy said...

lee,
ang laki pala ng sakripisyo mo sa pagbubuntis mo.

ako noong buntis, manganganak na lang nag-eexam pa ako. pagkagaling sa iskul, tuloy na ako sa ospital.

cathy said...

yong hipag ng aking kapitbahay, kinabukasang manganak, naglalaba na.
hindi naman namatay yon sa kumplikasyon. at 40 na atake sa puso. yong anak niya na batang bata pa, namatay doon sa sakit sa puso. apat naman ang anak. wala pag 25 noong namatay.

cathy said...

para maiwasan ang mga issues sa may karapatan sa bata, maraming agencies na kumukuha ng surrogate mother sa India.

bayad sila at pagkapanganak nila, ala na yong bata, dala na sa States.

cathy said...

nanonood ako ng alexander the great habang nagbablog, di ko tuloy naintindihan. Pinapakita doon yong lover ni Alexander na noong mamatay, grabe ang kaniyang grief.

ayoko lang ang lumabas, si colin farrel at nanay niya si angelina jolie. haah.

Lee said...

mahirap talaga sa my sakit sa puso,lahi namin yan,na nagiging active pag akyat ng edad na 30.

hirap talaga mam, kaya nga napaka precious na kahit asar na asar na ko sa kakulitan diko mabatukan e hahaha.

pangarap naming magkakapatid talaga atleast 3 ang anak, kasi kami 3 din, kaso ako ang di nakatupad, yung 2 kong kapatid tig 3 sila ng mga anak.

Lee said...

naku mam, kung ganyan lang sana ko kadali manganak e walang problema kaso simula pa kay mader ganun na rin daw talaga magbuntis,
pero bilib ako, naka 3 pa rin.

Lee said...

diko pa yan napanood mam, gusto ko ngang panoorin yan kaso wala akong makitang dvd nyan dito.

cathy said...

lee,
hindi dvd yong pinanood ko. nasa cable.

Lee said...

aysus ganun ba lol.
ala kasi ko cable dito at di naman ako makapanood dahil puro intchikto ang palabas.

biyay said...

may officemate ako dati, kabaliktaran mo lee. di namin alam, buntis pala. nalaman lang namin, nung nanganak na. e araw araw kami magkakasama. pang 10 na nya. kaya pala laging naka-tucked out ang blouse.

sabihan mo na lang lee yung mga kapatid mo na dagdagan nila mga anak nila para ng tig-isa para 9 pa rin ang mga apo ng nanay mo. :D

Lee said...

hahahaha biyay,
alam mo ba na kaya malalakas ang loob ng mga yun maganak ng marami?
dahil ako nagbabayad sa ospital hahahaha
kaya nga yung mga anak nila lahat tawag sakin mama, mamamatay kako ko sa inyo hahahaha.

cathy said...

biyay,
meron din akong naging kaklase noong first year high school ha. na hindi naman alam buntis. Nakauniporme pa siya.

Akala naman mataba lang.

Pero may tsismis na kagaya ng naunang kaklase namin na akala nila buntis, yon pala tumor.

Siguro mga 14 years old na yong kaklase namin. Malaking tanda sa amin noon kasi nag-aahit na siya ng kilay. Eh kami, hiya pang magpulbos ng makapal.