Advertisement

Thursday, December 03, 2009

Pay phone

Dear insansapinas,

photocredit: Michael Varcas

Hanep talagang mag-isip ng pagkakuwarthan ang mga Pinoy. Ito pay phone sa jeep.


No one beats this jeepney driver’s ingenuity. Rather than complain about the spiraling prices of fuel and basic commodities, he found a way to confront the problem – bringing with him his wireless landline and using it as a pay phone right inside his vehicle. The photo was taken Thursday in Cubao, Quezon City.
May tali kaya ang mobile phone niya? Baka itakbo ng gumagamit? Magaling nga naman ito lalo kung naipit sa traffic at kailangang ipaalam sa naghihintay.


Isa pa bawas ang ingay para marinig ang kausap ng tumatawag. 

Nang minsang umuwi ako diyan sa Pinas, dumating ng maaga ang eruplano. Wala naman akong phone card para tawagan ang susundo sa akin.

Yong mismong binarayan(edit pweh, binayaran) hehehe ko para kunin ang luggage ko ang nagpahiram sa akin. Added service sa bayad ko sa kaniya.

Ano kaya ang sunod na pakulo ng mga sasakyan sa atin. Baka maglagay sila ng washing machine. O di va sa traffic makakatapos maglaba sa loob ng isang oras.

Ilalagay sa sing, tumatanggap din ng labada.Ahohoy.

Ang laki talaga ng pinagbago sa pinas at sabi wala raw asenso. I should know may jeep kami noon ang ruta ay Cubao. 


Pinaysaamerika


9 comments:

Lee said...

hahahahaha baka pwede na ring na karaoke yung hinuhulugan ng limang pisong coin habang kumakanta yung pasahero, siguro pagbaba mo ng jeep bingengot ka na.
sana nagtinda narin sya ng mineral water, stork at juicy sa loob diba?wag lang yosi at uubuhin mga pasahero.
dyan ka bibilib sa abilidad ng mga pinoy, bagsak ang economy at yung mga taga ibang bansa panay panay ang suicide di nila manahin ang mga pinoy,wala ng makain nakukuha pang tumawa at magkakanta sa kanto.
yung kapitbahay namin na asawa ni aling juling,pag walang gagawing poso tambay, pag walang makain takbo ang aling juling sa mga kapitbahay at manghihingi ng pagkain, ganun nya kamahal asawa nya kahit sila dina kumain basta yung kanyang pinakamamahal na asawa e makakain hahahaha.
buhay nga naman.

cathy said...

ang alam ko lee, sa long distance trip ng mga bus sa probinsiya mayroon ng karaoke.

noon meron din akong nasakyang bus na ang driver may tindang bottled water, mani, itlog at iba pa.

nagulat nga ako nang minsang magbalikbayan ako na may TV /VCR na sa bus papuntang Makati mula Cavite.

noon pag umuuwi lang ako sa probinsiya meron nyan.

cathy said...

lww,
kaya nga diyan lee, buhay ang mga tao kahit naghihirap. dito walang mahingan ng pagkain not unless pipila ka sa mga soup kitchen.

mga homeless naman yong mga yon na ang problema ay di sa kahirapan kung hindi dahil may bisyo, may tupak, mga runaways at mga tamad.

biyay said...

isang beses, nagpunta ako sa legazpi city. yung bus na sinakyan ko, nagbebenta ng load sa cellphone tapos meron pang cold water. yung bus driver din naman namin nung pag punta namin ng hk, nagbebenta din ng cold water at mga souvenirs.

sa bus na byaheng visayas, meron din daw videoke

Lee said...

ay oo mam, sa manila yung mga a/c bus my mga tv at dvd movie pa na mapapanood ka, yanga nga pag maganda palabas tapos tayuan na naharangan na yung palabas haha.
nakupu,kung my karaoke ang bus ayoko na,dina ko makakatulog sa ingay pag long diatance ang byahe.
kaya nga e atleast sa probinsya di mamamatay ng dilat ang mga tao sa gutom.
sabi nga mam, ang tamad nagugutom at nagdadamit ng basahan,atleast kahit mahirap ang buhay kung masipag kat maabilidad e dika magugutom.
nung bata pako kala ko bawal sa tate ang tamad.

Lee said...

hahaha biyay, buti dika binentahan ng mga pirated dvd's hahaha.

cathy said...

biyay,
kaya sino ba ang nagsabing walang entrepreneurual spirit ang mga pinoy?

ang concept naman nila kasi sa mga entrepreneurial ay yong negosyong may magandang opisiona o may magandang pwsto sa mga mall o kaya mga pang intellectual na mga negosyo.

pag umaakyat kami ng
baguio noon may movie na pinapakita. feeling ko nasa eruplano.

cathy said...

ang balita ko may mga pasahero nalalampas kasi tinatapos yong pelikula. hehehe

Lee said...

hahaha ayaw mabitin sa panonood kahit na lumampas hahaha.
minsan na feel ko yun e nanghinayang pako nung pababa kasi diko natapos yung palabas ang ganda pa naman.