Advertisement
Friday, December 18, 2009
Grapes
Dear insansapinas,
photofwded via e-mail
Hindi kumpleto ang Pasko noon sa amin pag wala ang grapes. Kaya sugod sa Quiapo o Divisoria para bumili ng grapes.
Me: Bigyan nga ninyo ako ng dalawang kilo.
Tindero:( Lagay sa plastic, ibinagsak sa timbangan at ibinigay sa akin). Ito ale.
Me: Parang kulang sa timbang ito ha.
Tindero: Lumang pelikula na yong Tinimbang ka Ngunit Kulang.
Me: Di bale na lang.
Punta ako sa isa pang nagbebenta ng grapes.
Me: Bigyan ninyo nga ako ng dalawang kilo.
Tindero: (Lagay sa plastic, ibinagsak sa timbangan at ibinigay sa akin). Ito ale.
Me: Kulang yata sa timbang.
Tindero: Lumang pelikula na yong Tinimbang ka ngunit Kulang.
Me: Kasama ninyong nanood yong tindero doon ? Sabay turo.
Tindero: Ah hindi, hindi kami sabay manood ng pelikula ng kapatid ko.
TOINK.
Pinaysaamerika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
bakit nga ba?
ako din e pag walang ubas na prutas sa lamesa pag pasko e parang kulang ang pasko.
marami akong experience sa mga kilohang madadayat kulang nayan bukod pa dun sa pag inabot mo yung pinili mong prutas para ilagay sa plastic e papalitan ng mga bulok,at kung magpapapalit at magsusukli sayo e kulang at nilito ka lang sa pagbilang.
kaya nga ako e kahit sabihin nilang mas mura sa bangketa e never akong namangketa dahil dyan, babayad nalang ako ng mas mahal sa supermarket tama pa sa timbang at walang magpapalit ng bulok na prutas sa plastic bag ko.
hay,pasko nanaman, merry xmas mam, magpapasko akong nag tatatalak sa planta,wala manlang even a day break ng pasko.
kung bakit naman kasi itong mga de puger na mga boss ko (wala silang Dios/religion/pinaniniwalaan) e kung baklit wala man lang kaming xmas break.
sabi ko nung minsan sa boss ko, xmas naman wala ba kaming day off man lang, sabi nya "its up to you, wala ka bang trabaho that day?" meron kako, e meron pala e bat ka magde day off, grrrrrr!
yon namang kaibigan ko, bumili ng lanzones.
ang daming langgam.
nagreklamo siya. sabi sa kaniya, baka naman gusto pa ninyong libre ang insecticide. hjeeheheh
dito naman sa america, kahit hindi sila Christian, pinagbibreak nila ang mga empleyado nila.
ako ang break ko lang noon Pasko at Good Friday. Jewish ang boss ko.
Pag December, celebrate naman kami ng Hannukah.
kaso nga dito e yun pa naman ang araw na bc ako, sa 25 jejeje pero maaga nalang ako uuwi,kaso wala namang gagalaan waaaa ang ginaw ginaw sa labas.
Post a Comment