Advertisement
Wednesday, December 30, 2009
Sea Lions and Ham Sandwich
Dear insansapinas,
Ringgggg
Me: Hello. ( Kuha ng slice ng ham, isinubo, nguya, nguya, nguya).
Friend: Nabasa mo na ba itong balita tungkol sa sea lion sa Pier 39?
Me: Hindi pa. kagigigising ko lang at nanonood ako ng balita. (Kuha ng slice ng cheese, isinubo, nguya, nguya).
Friend: Naglayasan ang mga sea lion as in nag-alsa balutan. Mahigit sila 1,500 daw noon pero ngayon sampu na lang.
Naalala mo noon pag nakasakay sila sa balsang kahoy at pinanonood natin . unahan pa sila. Tapos ang ingay. Tapos awayan. Parang mga bloggers. Ahoy.
Me: Ang tataba nga. Pero saan naman pupunta yon eh hindi naman sila kinakain. (Kuha ng slice ng tomato,isinubo. nguya, nguya, nguya)
Friend: Sabi baka raw dahil walang makain sa SF. Pati ba naman sea lion affected ng recession?
Me: Kakaawa naman sila. ( Kuha ng dalawang pirasong tinapay. Nilagyan ng mayonnaise, pinagtaklob, isinubo, nguya, nguya, nguya).
Friend: Kumain ka na ba?
Me: OO, ham/cheese sandwich.
Iinom lang ako ng kape para paghaluin yong mga ingredients sa aking tiyan.
Friend: Hindi ka na nagbago. At least kumakain ka na tinapay. Noon yong palaman lang.
Glug glug glug. Malamig na ang kape kadadaldal.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Interesting. Talagang umalis na ang mga sea lions? Or talagang dwindling na yung numbers nila?
Hahah..tirador ka pala ng palaman, madam cat. LOL.
silver,
alam mo silver ang apprehension ko ay ang tubig sa dagat na umaapekto sa kanilang pagkain.
noong minsan, yong red tide pumatay sa mga plantons na kinakain ng mga isda na kinakain naman ng malalaking isda o tao. Alam mo na ang food chain.
nasosobrahan lang yata ako sa pagbasa ng marine adventures kung saan ang mga scientists ay pinag-aaralan ang mga changes sa water at sa mga underwater creatures.
Pwede nga mangyari yun madam. Maliit na pagbabago lang sa foodchain e apektado na lahat. :(
mam, malamang nagpuntahan dito sa china yang mga seals...
malas lang nila, dito na matatapos ang kaligayahan nila sa mga tsikwititas.
sa bahay mam, yung palaman ubos na e yung tinapay mapapansin lang pag pagkaubos nung palaman.... at the same time, puro mga pinaglihi sa piranha mga bata samin, pero pakainin mo ng kanin at sasagutin ka ng...
"kanin nanaman?2 days back lang kanin na kinain namin ah".
kala yata ng mga de puger na batang to e lason yung kanin.
silver,
first time na nangyari ito. kasi wala namang ginawa yan kung hindi magsunbathing noon sa SF.
ang lalaki.
maraming pagbabago sa tubig dagat na hindi pinapublish sa newspaper para hindi magpanic.
ang ipinublish lang nila yong pinatay ang mga Asian carps kasi
mas malakas kumain sa mgal local carps at later on baka patayin din ang ma local na isda.
nagkaroon din ng red tide sa Bay Area noon at inimbestigahan nila ang mga dahilan.
lee,
kahit dito sa States, parang hindi ka busog pag walang rice.
yong anak ng aking kaibigan na dito na pinanganak, mga tinapay din. pero pag ang niluto ng aking kaibigan ay tsampurado o kaya ay arrozcaldo, kainan sila.
ang mga aunties at uncle sa father side ko (kuwento ng aking mater) pag kumain daw (sama-sama sila) banyera ang nilalagyan ng kanin. walo sila eh na malalaking tao. (malaki sa average na mga Filipinos). Hindi pa raw nakakaabot ang usok sa kisame, wala ng kanin sa banyera.
Banyera din ang mga piniritong isda na hinuhuli nila sa dagat sa harap ng kanilang bahay.
mas mahilig sila sa isda kasi lahat sila high blood. Lahat nga ng ikinamatay nila, alta presyon.
hahaha banyera, naalala ko tuloy yung kapatid ni lowla na 14 ang anak, susme, pero maganda ang buhay nila kasi mataas ang posisyon yung asawa nung asawa sa US military base sa pinas, naalala ko pa yun nung maliit pako ang haba ng lamesang kaninan, kawa lutuan tapos pagdating nung ama galing sa trabaho sa gabi,
bibilanging isa isa yung mga anak na natutulog,
kasi dina nya malaman sa dami hahahahaha,yung
mga anak naman mga sutil,
pag alam na nandiyan na yung ama e my isa o dalawang magtatago sa aparador,
matataranta ngayon yung ama, kukunin yung listahan
nung mga anak at hahanapin kung sinu yung nawawala,
pag nalaman na nya kung sinu yung
nawawala,gigisingin yung
asawa at sasabihin kung sinu nawawala(alam nung asawa na nanloloko yung mga anak),
lalabas ngayon yung
nagtatago at babangon yung papalit na magtatago,kaya
yung ama litong lito,kaw ba magkaanak ng sangrekwa e
mga sutil pa.
Post a Comment