Advertisement

Sunday, December 06, 2009

HOLY CAT, HOLY CAMOLI MOMENTS-Hayden Kho sa taniman ng pinya?

Dear insansapinas,
These are but just expressions of surprise. Wala akong maisip na Tagalog eh.


1. Mexican Tunnel to US 
Santa Banana na hindi pa binalatan, may tunnel na palang itinayo mula Mexico patungo sa US. 

Although incomplete, the tunnel has lighting, electrical and ventilation systems and is equipped with an elevator, according to federal officials. When Mexican authorities entered the passageway Wednesday morning in Tijuana, they found more than a dozen people, all believed to be Mexican citizens.
Dati inaakyat lang nila ang mga bakod o kaya sinisira ang mga bakod. Ngayon, asensado na sila. Meron na silang tunnel. 

2. Rat cooking in reality show  


SYDNEY, Australia - Two stars of the reality TV show “I’m a Celebrity ... Get Me Out of Here” have been charged with animal cruelty after allegedly killing and cooking a rat to eat during filming.
Ako ayoko talaga ang nanonood ng Reality Show lalo yong kung anu-ano ang kinakain. Pero Santa Barbara naman na hindi naman Streisand ang apelyido, hindi ba grabe naman ang ikulong mo ang dalawang hosts ng TV show dahil sa animal cruelty  sa daga. Pasensiya Mickey ay Minnie Mouse, pero sobra naman yata yon na i-deprive mo ng tatlong taon ang mga taong ire dahil lang sa daga. 


Pwede silang i-fine o balaan na lang o kaya ay ipakagat sa daga ang mga damit nila. 



Sus.

3.  Nagpapakamatay gamit ang pinya?



Hindi raw intestinal flu ag sakit ni Hayden Kho. Ito raw ay nakitang kinikiskis ang mukha sa pinya. Ito ang balita/
Si Andrew na anak ni Rudy Olivar ang unang nakakita kay Hayden na nakabulagta sa taniman ng mga pinya sa Silang noong Huwebes ng gabi, December 3.
Sa kuwento ng mag-ama sa Showbiz Central, nakarinig daw sila ng malalakas na ungol mula sa taniman. Sa pag-aakala na baka may babae na biktima ng rape, nagdala sila ng flashlight at pinuntahan ang lugar na pinagmumulan ng mga pagdaing.

Isang lalake raw na wala sa sarili, nakahiga sa mga halaman ng pinya, umiiyak, tumutulo ang luha, sipon at laway, ang nakita nina Rudy at Andrew.

Sugatan daw ang mukha ng lalake dahil ikinikiskis nito sa matatalas na dahon ng pinya ang kanyang mukha. Napansin din ng mag-ama ang dugo sa kaliwang bahagi ng balikat ng biktima at sa tingin nila, parang may itinusok ang lalake rito.
Nang lapitan nina Andrew at Rudy si Hayden, nagsalita raw ito na huwag na siyang tulungan dahil nagpaalam na siya sa Diyos. "Pakisabi kay Vicks na mahal na mahal ko siya," at "Walang nagmamahal sa akin," ang ilan pa sa mga binitiwang salita ng umiiyak na si Hayden.

Sayang hindi siya naging actor. Kung hindi panalo siya ng Famas, hands down. 

Santa Pinya na maraming mata, kailang ba ito titigil nang pagpapakamatay. Sige siya pag natuluyan siya, patay siya. Para bang yong mg a threat ng matatanda.

Hoy baba ka diyan, pag nahulog ka't namatay, tatamaan ka sa akin. 

 Pinaysaamerika

7 comments:

Lee said...

grabe yan ha? samantalagg satin e pag nakapatay ka ng daga e isang malaking kabawasan sa dibdib mot nabawasan ang mga daga jejeje tapos dyan kukulong pumatay ng daga?parang over naman.
haaay nakoooh si hayd-in talaga wala ng magawa sa sarili lahat ng pagpapapansin gagawin, o perang makapangyarihan pag pumasok sa puso este sa bulda ninuman, kahit magmukhang tanga atmagmukhang gago sa paningin ng mundo e ok lang maibalik lamang ang kanyang vicks na my mina ng pera hmpt!
anu naman kaya ang pakiramdam ni belo? feeling princess ba sya o nauntog na? jejeje.

Lee said...

di ko talaga maubos maisip itong si hayd-in, ginagawa nyang napaka cheap ng sarili nya mapansin lang, my tipo naman sya, di naman sila dukhang pamilya, my pinagaralan naman, at wala namang naniniwalang in love at love nya talaga si vicky e bakit di nalang ayusin ang buhay, manahimik nalang munat wag ng magpapansin ng pinya pa ang ginamit (sana lagare nalang o kaya chainsaw jejeje).
marami pa namang matrona dyan bukod kay belo,nandyan naman si madam auring, bella flowles(yun nga lang di ganun ka paldo ang pitaka).
ayusin nalang nya ang buhay nya, ang hirap nga lang kasi e nasanay na syang magarbo ang buhay at sustentado ni belo kahit dina magtrabaho, yun siguro ang di nya matanggap, ang biglang pagkawala ng swirti.

cathy said...

palagay ko sa iniinom niyang...tubig
dalawa kasi ang possible effect niyan, either nmadepress o maligayahan.

cathy said...

si madam auring gusto niya mas bata pa.

may contact pa rin sila kasi si belo nga ang nagsabi nanarevoke ang license niya.

cathy said...

di ba nga pinag-aaral ng MBA habang hinihintay ang pagbalik ng kaniyang license.

habang in denial ang family na may problema, hindi masosolve.

kaya nga bilib ako kay rudy fernandez pinangatawanan niya ang rehabilitation ng kaniyang anak

yong iba naman kagaya ni dolphy panay din ang depensa sa mga anak niya.

Lee said...

totoo yun, nagbunga naman yung ky mark, tumino lalo na ng magasawa tumino na yung bata.
yan ang mahirap sa mga spoiled brat,at mga kunsintidor na magulang,tumanda na yung anak na parang abnoy, sabi nga ni mader di magandang ang bata palakihing spoiled, nagmumukhang abno,ayun, si hayd-in abnoy na nga.
anu pa ba ang gusto nya?pinapagaral na nga sya at tuloy naman daw ang allowance anu pang habol nya?oo nga naman si madam auring mas mga bata ang type kaya mukhang dina sya papasa ky madam hihihi.
pero bat ako?di naman ako pinalaking spoiled????

cathy said...

ang mga spoiled ang di makatanggap ng pagkatalo sa magandang paraan.

ako spoiled din noong bata pa. Ilang taon din akong naging bunso dahil namatay ang sumunod sa akin. pero nang mamatay ang father ko alam ko hindi na pwede yong spoiled.