Advertisement

Tuesday, April 03, 2007

Nuclear Department, nuclear scientists-Pinay Goes to Hospital

Dear insansapinas,
Araw ng aking laboratory, insan. Maaga akong gumising. Alasingko. Naligo ako at kumain ng aking cerwreal. Tusok muna siyempre ng aking dugo. aray.

Tinanong ako ng aking kapatid kung magpapahatid ako sa ospital. Sabi ko magbabus na lang ako kasi alas nuweve eh, masyado akong maaga.

Yon pala puwede naman ang maaga doon, kasi maaga sa listahan. *heh*

Hinanap ko ang radiology department, ang nakalagay sa pagpasok ay welcome to Nuclear Department. Aha.. mga nuclear scientists ba ang mga tao dito?

Dalawa ang aking appointment. Isang follow-up sa isang lab exam sa San Francisco noong isang taon at isa ang test ko sa puso. Gusto nilang malaman kung may puso pa ako. Ehek. O kaya kung ito ay titibok sa ngalan ng pag-ibig. Hanubayan, pinagsasabi ko. Erase, erase.

Cancelled yong una kong exam. Six months palang daw at kailangan makita nila ang film ng aking chest. Ano raw ba ang dahilan ng aking pagpunta ko. Ipinakita ko yong sulat sa akin ng makulit na doctor. Tawag siya sa San Francisco para iforward yong aking
film pero dahil alas nuwyve pa lang sa East Coast, alas seis pa lang sa San Francisco. Oo, pinsan ganyan ang dipersensiya ng oras namin. Nag-aalmusal na kami dito, naghihilik pa sila.

Balik ako ulit sa reception para sa susunod na exam. Gulat noong clerk dahil ang bilis ko naman. Kaya mamaya lang may tumawag na naman sa akin. Para naman sa test ko sa puso.

Pakistani siya. So kuwento, kuwento. Binutas niya ang parte ng aking kamay kung saan palaging kumukuha ng dugo. Hindi siya kumuha ng dugo, insan. Inenjectionan niya ako ng tatlong chemicals. Akala ko magiging green ako, o kaya magiging invisible. *heh*

Tapos, pinahiga niya ako at kinumutan sa isang kama na may malaking bagay na nakasabit sa itaas. Akala ko ibabagsak sa akin yon para malaman kung kaya ko ang bigat. stress test eh. *heh*

Unit-unti, bumaba ang bagay na yon. Gusto kong sumigaw. Alisin ninyo ako dito. Maiipit ako. Nasaan ba yong bato ni Darna? hehehe

Hindi naman ako pinipi. Umiikot-ikot ito sa malapit sa aking puso kaya nakita ko ang aking puso sa screen na malapit sa akin. Oy mga thumbnails lang, pero iba-ibang position.

Pagkatapos kung mahimasmasan, "binitbit" naman ako ng "nuclear scientist" doon sa isang kama. Pinahiga ako, nilagyan ng IV at ng digital sphygmomanometer ang aking kanang braso. Sa dibdib ko ay maraming patseng ginamit kung saan nilagyan ako ng mga plastic tubes na nakakabit sa isang makina na may monitor.

Bawa't inject yata sa akin nang chemical mula sa IV, tumataas ang aking presyon kaya automatic na sinasakal ang aking bisig ng blood pressure cuff. Tapos dugudong ang aking puso at parang may nakadagan sa aking dibdib. Araaaay. Hinga ako ng malalim. Hinga ako sa bibig. Hah hah hah. Masakit na ang aking ulo. Parang katulad ng mataas ang aking presyon.

Ang cardiologist ay nakatingin sa monitor kung saan may mga lumalabas na maraming linya na liko-liko. May hawak siyang microphone at nagsasalita siya. Para bang nagkakaraoke.

Hanu, kinakanta niya ang aking heart rhythmn? Rock kaya o ballad. Di ko naman siya nakitang lumiyad, liyad o kaya sumasayaw na nagrarap. *heh*

Pagkatapos nila akong i"torture", sabi ng "scientist", kumain raw muna ako, para sa susunod na examination. Hanu, hindi pa pala tapos. Kaya hanap ko ang cafeteria.
Alam mo naman ako, insan, mahina sa direction, kaya kaligaw-ligaw kahit may mga arrows at signs. Wala akong makitang Pinoy sa hospital na iyon. Yohoo, nasaan kayo?
Ayaw yata ng mga Pinoy dito dahil pag winter, may snawww.

Yong ngang kaisa-isang Pinoy store sa malapit na siyudad, nagsara na. Walang namimili eh. Wala tuloy akong mabilhan ng pangsigang, puto, pandesal at kutsinta. Waaah.

Wala ring pinay sa cafeteria. Merong mukhang pinay, pero Thai pala siya. OO, pinsan, karamihang nakikita kong Asian dito ay Thai. Di siya siguro marunong magbasa ng English kasi tinanong ko kung magbubukas na yong parte ng cafeteria na may mga sandwiches at salad, sabi niya pizza lang daw ang tinda doon kasi pizza nga lang naman ang nakaretrato doon sa labas. Pero sa loob a iba-ibang klaseng sandwich ang mabibili at may salad bar pa.

Pagsapit ng alas dose, balik ako sa laboratory. Dinala ulit ako sa lugar kung saan niretrato ang aking puso. Ngayon naman ay niretrato nila ang aking tiyan. Nakita ko ang malaking intestines at maliit na intestines. Mga pakialamero.

Nang sabihin na Tapos na, nakahinga ako. Gusto ko nang umuwi. Pagod ako, hindi naman ako nagtrabaho.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

Monday, April 02, 2007

Medication, DVD at Nars-Pinay Goes Ballistic

Dear insansapinas,

Kausap ko ang aking kuyakoy sa San Francisco at naikuwento ko na pinatitigil sa aking ang aking gamot sa hypertension para sa aking stress test sa Tuesday.

Sabi sa akin ng kuyakoy, Ano sila nababaliw. Paghininto mo yan, tataas ang blood pressure mo at baka ka mastroke. Tawagan mo ang iyong doctor.

Kaya tawag naman ako sa aking doctor. Walang sagot. Voice mail lang ng nars. Iwan daw ng message at sasagutin kaagad kung maari maghintay hanggang dalawang araw. Anoh?

Pero isang oras lang ay tumawag na ang nars. Sinabi ko ang aking problema. Tatanungin daw niya ang doctor ko na may pasyenteng kasalukuyan.

Dalawang oras ulit. Tawag siya. Medyo hilo na ako dahil dalawang araw na akong walang gamot sa aking high blood. Minsan kasi namamasyal at umaakyat ng 250 ang aking blood pressure.

Sabi niya, inumin ko raw ang mga gamot at ang dapat hindi ko inumin ay ang gamot sa aking puso. Tokneneng na mga advice yan. Mali-mali.

Naalala ko may DVD pala ako ng paborito kong artista sa Crouching Tiger. Pinanood ko. Sus, akala ko talagang panay ang slow motion yon pala sira ang DVD.

Sus.

Walang babati, walang kakausap sa akin. Mainit ang ulo ko.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

Sunday, April 01, 2007

Shopping Complex Syndrome 2-Pinay Goes Shopping

Dear insansapinas,

Linggo, insan, lumabas ako para magtapon ng basurs. Tapos dahil lakarin lang ang mall mula sa bahay, pumunta ako para bumili ng canned coconut milk. Bumili kasi ang aking brother ng alimango, eh masarap iluto ito sa gata na may halong squash.

Nakita ko sale. hehehe. Pagkakataong gamitin ang debit card.

So bili ako ng niyog na hindi na kukudkurin. Oy sale din ang kanilang spinach. Pati mangga. Pati cauliflower. Naisip ko gumawa ng chop suey, so bili ako ng brocolli, green beans, at iba-iba pa.

Puno ang aking cart. Wow. Paano ako uuwi nito. So tawag ako sa kapatid ko.
Namili na raw siya, namili pa ako. hehehe, tahimik lang ako. Ito kasing kamay na ito, mahilig magolalagay ng pagkain sa shopping cart.

Mapalo nga.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

Saturday, March 31, 2007

Shopping Complex Syndrome-Pinay Goes Shopping

Dear insansapinas,

Tuwang tuwa ako insan. Dumating yong debit card ko. hehehe.
Yaya ko kapatid ko para bumili ng bag. Ayoko na kasi ang backpack at saka ang shoulder bag. Ang backpack, sumasakit ang aking back. Syempre. Ang shoulder bag, sumasakit ang aking shoulder. *heh*

Ang binili ko yong may stroller. Parang bata. At dahil, malaki at mabigat ang para sa adult, yong sa bata ang kinuha ko na may Sponge Bob. *heh*

First time akong mamili sa WalMart. Wala kasing Wal Mart na malapit sa lugar ko noong nakatira pa ako sa San Francisco. Meron doon noon KMart na nagsara naman. Kaya mahilig akong pumunta sa Costco o kaya sa Target.

Kaactivate ko lang ng aking debit card. Normally hindi ako gumagamit ng debit card. Hindi pa nga ako nakagamit dahil credit card ang madalas kong gamitin. Ayaw pumasok.
*heh*

Yon namang cashier na sangkatutak ang kuwintas na beads at ang dalawang kamay ay punong puno ng bracelet na beads ay parang timang na wala man lang reaksiyon para tumulong. Siguro nabibigatan siya sa mga suot niya at ayaw na niyang problemahin ang aking problema. So, bayad na lang ako ng cash. Tsee nila.

Pag-uwi ng bahay, nakita ko sira pala ang zipper ng bag na yon. Sale kasi. Naku.

Babalik ka rin sa pinanggalingan mo. Tsee ulit.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

Friday, March 30, 2007

Ang Nars, Bow

Dear insansapinas,

Appointment ko insan sa nars ko na nagmomonitor ng aking asukal sa katawan. Lintek na man kasing diabetes ito, kung minsan wala akong asukal, kung minsan naman ay sobra.
Sana man lang sana ay puwede kung ipagbili kung sobra, eh hindi naman. Kaya lang nakalimutan ko alas 8 pala. Tawag ako sa clinic. Buti na lang nareschedule ng hapon.

Ang nars ko ay Puti. Kung titingnan mo ay biktima pa siya ng diabetes sa akin. Dalawang beses ang laki niya sa akin, ang paa niya ay parang maga. Sa diabetic kasi, tinitingnan nila kung maga ang iyong paa dahil ang circulation ng dugo ay mahina.

Tiningnan niya ang aking record ng blood sugar level na nakatala doon sa maliit na gadget na ginagamit ko.





Tusok system. Tusok ko ang aking daliri, paglabas ng dugo ay sinasahod ko sa isang maliit na strip na siya namang nagpapadala ng impormasyon sa
monitor. O di va, parang TV siya.

Tanong niya sa akin:

Nars: Ano ang kinain mo?
Ako: Oatmeal cookie
Nars: Ano ang oatmeal cookie?
Ako: Eh di cookie na gawa sa oatmeal. hehehe
Nars: Paano ang mukha noon?
Ako: sus ginoo, wala namang mukha yon. Eh di cookie kaya lang imbes na gawa sa arina ay gawa sa oats.
Nars: Ano ang oats?
Ako: Quaker?
Nars: Ano ang Quaker?
Ako: Eh di brand ng oatmeal. hehehe Kulit eh.

Binigyan niya ako ulit ng isang papel para isulat ang aking istorya sa buhay
eheste sa dugo pala.

At sabi ay bumalik ako sa April 13. Friday. Ha?







Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

Thursday, March 29, 2007

YOu got Mail, but your mail box is broke

Dear insansapinas,

Hindi e-mail ito insan. Kung hindi talagang yong mail box kung saan inilalagay ang mga sulat, junk mails, mga flyers ng mga grocery, department, pet at anu-ano pang stores.

Muntik ko nang gibain ang mailbox namin dahil wala ang lock, pati ang pangalan ng mailbox pero makikita mo na may laman. Tawag ako sa post office. Hindi pala alam ng post office na sira ang mail box dahil hindi inireport noong mailman na nasira niya.
Ano kanyo, nambibintang ako. Hindi ah. Siya lang naman ang nagbubukas doon at ako, hindi ko naman pwedeng akusahan ang sarili ko. Eh kung sampalin ako ng sarili ko.
Di va?

Request ko na ideliver sa door yong mga mails dahil nasa labas pa ako. May appointment ako sa isang specialista.

Pag dating ko ay may note sa mail box. You got mails, we put them on hold.

Sheesh, kailangan ko pang puntahan.




Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

Tuesday, March 27, 2007

Lesson Learned, hello

Dear insansapinas,

Gusto kong mangalmot pinsan.

May inaayos akong papeles, insan na ang decision ay dapat nakuha ko kahapon. Sabi naman sa papel na ibinigay sa akin, call this number, if you don't get the result as of Monday. Hige.

Tinawagan ko ang phone.

Phone 1: You've reached....blah blah. leave a message and i'll call you back.

Hige.
Kung ako ay naggagantsilyo, siguro nakatapos na ako ng isang sweater ng bata, wala pa ring tawag.

Tawag na naman ako sa number na nakasulat sa papel.

May sumagot na tao. Aleluya.

Pero, hindi raw dapat yon ang tinawagan ko. Feeling ko ba para akong basketball na pinagpapasapasahan.

Tapos, may nakasagot sa akin. Sinabi ko hindi ko makausap yong dapat kong kausapin.
Sabi niya, tawagin ko ang suprvisor niya. Binigay ang number.

Sumalosep, wala rin .Uhum. Pero nag-iwan ako ng number ko. At kung pwede return call.

Walang tawag. Kinabukasan, may tawag galing sa supervisor, sinabi niya na tapos na raw yong mga papel. Mail na raw nila.

Kung di pa pala tinawagan, di pa maaapprove.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

,,,

Monday, March 26, 2007

Stress Appointment Gives Me Stress

Dear insansapinas,

Gusto kong mangalmot pinsan.


Kailangan ko ng stress test ko para sa aking pusa eheste puso. Kaya tawag ako sa ospital.

Ako: Ello, this is P. I would like to make an appointment for stress test. (blood pressure 130/80)
Phone: What's your last name?
Ako: SaAmerika.(Siyemre, di ko isusulat dito na ang pangalan ko noh. Malaman pa ng nakikibasa dito sa sulat ko saiyo insan).
Phone: What's your first name?
Ako: Pinay (Syempre, di ko isusulat dito ang pangalan ko ay Cathy, noh).
Phone: What's the last digit of your SSN.
Ako: 1234
Alam ko tinatype niya sa keyboard ang mga information na kinukuha niya sa akin. Pagkatapos na ibigay sa akin ang schedule. Tinanong niya kung ang address ko raw ay pareho pa rin. Ibinigay niya ang address. Akkk, hindi ko address yon. At ni hindi ko old address yon. Teka, teka. ano ba ang pangalan sa monitor ng computer niya kaya.
Inulit niya,

Phone: SaAmerikana.
Ako: Hindi sa SAAMERIKANA kung hindi SAAMERIKA lang.

Siguro nagtype lang siya noong unang mga letters, lumabas na yong SAAMERIKA kaya lang hindi niya chineck kung ako ngayon. Binigay ko naman ang aking SSN. 'No kaya ang utak ng babaeng yon at mali-maling file ang kinukuha niya sa computer.

Phone: Hindi ba ikaw itong nagpatingin na dito sa ospita na ito?
Ako: Talagang boba. Sabi ko nang bago lang ako. NEW. Spelling N-E-W-s. ehek.

Sa mahaba namang usapan, naayos din ang aking stress test appointment.
Blood pressure reading 160/90. Waaah

Gusto ko siyang kalmutin.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

,,,

Saturday, February 17, 2007

Lai Se

Dear InsansaPinas,

Kung Hei Fat Choi. OO insan, kahit doon sa San Francisco, dito Sa Washington DC,cinecelbrate ang Chinese New Year. Sa Chinatown sa San Francisco ang saya-saya. May parada ng mga dragon. Dito ang Chinatown, mas maliit at kaunti ang mga tindahan ng intsik. Ang Chinatown si Los Angeles, malaki rin. Sa bangketa marami kang mabibiling mga kakaning Intsik.

Ang titulo ko lai se.

Ang lai se ay red envelope na may lamang perang pinamimigay sa bata o kaya ay kung sinong gusto nilang bigyan.

Dalawang beses yata akong nakapagtrabaho sa kumpanya na may-ari ay Intsik at marami akong nakabarkada na Singkit ang mata.

In fact ang ikalawang OJT ko ay sa accounting firm na pag-aari ng isang Tsinoy. Alam mo naman sila, magagaling talaga sa numero. Wika nga ay ayaw kong maging isang maliit na isda sa malawak na karagatan kaya pinili ko ang opisinang yon kung saan ako ay malaking isda sa isang ilog. Hinasa niya ako hindi sa accounting kung hindi sa auditing na pinagkakatiwala niya sana sa mga lalaki mula nang madiscover ko at maireport ang katiwaliang nangyayari sa isang malaking kumpanyang kliyente namin. Sabi niya, you've got to have balls to face them in court para raw maparusahan.

Tumingin ako sa baba. Um umm ummm.

Doon ako unang nakatanggap ng pulang envelope na good luck daw sa pinagbibigyan.

Ang ikalawang kumpanya ay isa sa mga pag-aari ng isang tycoon na pinamamahala sa mga kamag-anak ng kaniyang malalapit na tao na kung tagurian ay ang mga dragon. Nguni't ang mga taong ito ay hindi mga dragon kung hindi mga alimango. Pag may nakitang may umaakyat, kanilang hinihila sa ibaba. May ipinadalang manager doon na nanggaling pa sa ibang bansa. Professional siya at organized. Marunong siyang mag-appreciate ng mga taong may tanging galing. Nang bagong taon na yon ay namigay siya ng envelope na pula.

Ang mga sumunod na buwan ay puno nang intriga. Kaniya-kaniyang sumbungan sa pinakamataas. Na outnumber ang bago naming manager. Naging malulungkutin siya. Ang dating optimismo niya ay nawala, hanggang magbakasyon siya at hindi na bumalik. Huling balita ko ay namatay siya sa sakit. Batang-bata. Apatnapu lamang.

Ang iyong pinsan,

signature of pinaysaamerika



,,,,

Thursday, February 15, 2007

Samson at Delilah

Dear insansa pinas,

Kumusta ka na diyan. Kami dito sa Washington, ay paminsan-minsan naiisnow.

Ang isusulat ko saiyo insan ay hindi nangyari dito sa US of Ey kung hindi sa Australia. Yong liar eheste lawyer pala na nagdamit ng sa babae habang nakikipagtaltalan sa korte.

Maraming mga ginagawa ang mga tao na hindi maunawaan ng marami.Kasama ako, doon. Kailangan yatang iuntog ko ang aking ulo para makatas ng kaunti at makuha ko ang sagot.

Kagaya nang pagsusuot ng damit ng babae kahit naman di siya binababae. Sa San Francisco ang mga gay ay hindi naman nagsusuot nang nakakaiskandalong mga damit babae maliban sa kanilang pagcecelebrate sa Castro, sila ay katulad lang ng mga karaniwang "straight" magdamit.

Ang iba ay parang panata o pangako. Katulad din naman ng pagpagtutubo ng bigote ng aking kaibigang lalaki mula nang siya ay bastedin ng nililigawan niya.

At ang pagpapahaba ng buhok ng aking barkadang lalaki sa takot na mamatay ang kaniyang ama. Paniniwala niya kasi tuwing magpapagupit siya ng buhok, nagkakaroon ng problema ang kaniyang ama na isang abogado na siyang kinaatake nito sa puso.


Kaya madalas siyang mapagkamalang babae pag nakatalikod. Blonde pa naman ang buhok niya dahil mestiso siyang Kastila.Minsan nga gusto kong itirintas ang buhok niya. Minsan natutulog siya, nilagyan ko ng ribbon sa ulo. Bad ko noh?

Ako naman ay parang si Samson noong bata pa. Naniniwala na ang talino ko ay nasa haba ng aking buhok. Kaya palagi itong nakatirintas. Huwag mong hahawakan at buntal ang abot mo kung lalaki ka at sampal at sabunot pag babae.

Kung akala ninyo ay naalis ko na ang ugaling huwag magpahawak sa buhok, nagkakamali kayo. Hindi na nga lang ako nambubuntal at nanabunot, dinedemanda ko na lang ng invasion of property ang magpilit humawak sa buhok ko. mweheheh.

Pero nagpapaputol na rin ako ng buhok. Hindi na kagaya noong hanggang baywang ang buhok ko. Ngayon hanggang balikat na lang. Masyadong magastos sa shampoo at conditioner.

Kaya may excuse ako na kung noon at may photographic memory ako, ngayon ay photocopy na lang. Meaning, kailangang kopyahin ko at iprint para matandaan ko.


pinaysaamerika
,Los Angeles,,pinoy,
,

Wednesday, February 14, 2007

Red Valentine

Dear insansapinas,
Happy Valentine. Ako, tahimik ang aking Valentine.Hindi kagaya noon sa San Francisco na may nagkakamaling maghagis ng tsokolate sa akin at kung medyo maparaan sa park kung saan may mga naliligaw na bulaklak, ribbon na lang ang kulang. Haaay.


White Valentine? Sa akin noon Red Valentine as in red blood.

Acshually, maliit pa ako noon. Grade three to be exact. Pero may mga crushes na rin tayo. Di va? Di va?

Nakared dress ako noon. Kahit may uniform kami. Kasi pinayagan kami ng aming teacher na magsuot ng civilian para sa presentation namin sa klase tungkol sa Valentine's Day.

Eh ang aking teacher, may ka Valentine din, kaya panay ang labas niya. Teeka, teka, saan pumasok ang "my red valentine"?

May kaklase akong lalaki na mukhang nerd. Nakasalamin siya at mahilig mageksperiment.Lahat ng goirls sa klase ay may crush sa kaniya. Galing kasi niyang tumula. Pero hindi ko siya pansin. Kasi may crush akong iba. hehehe. Payat siya at siya ang pinakamatalino sa klase. Sunod sa akin. Aray, bumagsak yong hawak kong bangko.

Pero suplado. Crush naman niya ang kaklase kong mestisa na ang pangalan ay may kabuntot na MAE.

Si Nerd ay panay ang pasikat sa akin. Mas mataas naman ako sa kaniya. *Heh*.

Sabi niya may bago siyang experiment. Oweno.

Lumabas ang aking titser. Umupo siya sa upuan sa may likod ko. Inilabas niya ang dry ice. Inilagay niya sa bote. Umuusok.

Tinakpan niya ang bote. BOOMMM.

Duguan ang mukha niya. Kagulo. Dumating ang titser namin. Nadala siya sa ospital.
Naglalakad ako nang tawagin ako ng aking crush. Akala ko babatiin ako ng Happy Valentine. Yon pala sasabihing duguan din ako sa kamay. Hindi lang makita dahil red ang damit ko. Ang iba, hihimatayin na. Ako hindi. Sana kung lumapit ang crush ko, maghihihimatay-matayan ako. Eh kaso dugo lang takot na. Bigla tuloy nawala yong crush ko sa kaniya. Tsee.

signature of pinaysaamerika


,,,,

Tuesday, February 13, 2007

Skeleton in my Closet Purse

Dear insansapinas,

Naku huwag kang mag-isip na meron nga akong kalansay sa aking closet. Kung may kalansay man ay siguradong kalansay ng mga naliligaw na mth na gustong kainin ang aking santambak na damit. Hindi nangyari ang istorya sa San Francisco o kaya'y sa Los Angeles. Diyan nangyari sa Pinas noong ako ay istudyent pa.

Talagang mga buto ng tao insan. Hindi ako nagbibiro. Mamatay man ulit ang mga kalansay.


Sa College kasi may subject akong human anatomy kung saan pinag-aaralan namin ang mga sulok-sulok ng katawan ng tao. Balak ko kasi noong una ay kumuha ng medisina. Nauwi ako sa pagkuha ng medisina sa medicine cabinet. ehek.

Boring na subject, day. Isa, yong professor, hindi nagsasalita. Ang mga lessons ay naka print-out o kaya ay nakasulat sa board. Tapos nakaupo lang siyang parang istatwa na may makapal na salamin habang kami namang mga istudyent ay pasilip-silip sa microscope. Sinusundot sundot namin ang mga parte ng puso. Kawawang puso kung lapirutin para lang makita ang mga maliliit na parte nito. May mga fetus sa bote, at higit sa lahat may tambak ng buto ng tao sa gitna ng klase. Mamili ka kung anong pag-aralan mo.

Madalas naglalaro kami---ng buto. Yeah, that's how bad we were. Walang pakundangan sa
buto ng patay. Yong panga ay ginagawa naming crown para sa ginagawa naming Reyna for the Day. Ang femur (buto sa paa) ang ginagawa naming setro).

Ang mga kaklase kong lalaki ay naglalagay ng mga buto sa bag ng mga babae kaya ako, tinatago ko ang bag ko sa klase.

Pero noong minsan nakalimutan ko yata. Kaya hayun, pagbayad ko sa dyip, umusli ang isang buto sa loob ng bag. Ang sama ng tingin sa akin ng aking katabi.

Pag-uwi ko ng bahay ay tulog muna ako para magising ng hatinggabi para tahimik mag-aral. Nagising ako ng ingay. Ang momsie ko, binuksan ang aking bag at nakita ang buto. Yakitiyak,yakitiyak.

Kaya mula noon, hindi na nila pinakialaman ang aking bag, baka susunod naman ay ahas ang makita nila. ehek

signature of pinaysaamerika


,,,,

Monday, February 12, 2007

Issng Platong Pag-ibig aka Platonic Love

Dear insansapinas,

Kumusta ka na. Dito sa Washington DC ay malamig pa rin. Pero malamig rin daw sa San Francisco. Parang nagyeyelo.

Napansin mo ba na may mga opisina kung saan ay may mga "mag-asawa". Hindi naman dahil sila ay nagtataksil pero naging malapit na sila sa isa't isa kaya ayun ang tawagan nila, honey, darling, sweet at dear.

Sa totoo lang, yon talagang may mga illicit affair hindi ganiyan ka-open. Yon bang parang hindi nagpapansinan pero huwag ka pag nakatalikod ka parang sawa kung maglingkisan.

Mayroon akong ganoong kaibigan. Pero hindi naman kami nagtatawagan ng darling. Kung hindi sinapok ko siya. Pero para kaming kambal tuko. May asawa siya at maraming chicks. Ako kapartner niya in crime. Hingahan niya ako ng sama ng loob, ng stress niya sa trabaho at ng problema niya sa asawa at mga goirls.

Eh bakit ba hindi niya ihinga sa kaniyang mga chicks? Kasi raw, pangkama lang sila. Sayang kung mag-uusap. Mababawasan ang nakaw na sandali. Yon palang lagay na yon ay ako ang kaniyang SHRINK.

Ako naman ay hindi nagcoconfide sa kaniya. Hindi kasi ako mahilig umiyak. Nasisira ang aking make-up.

Minsan, nakita niya akong may kausap sa opisina ko. Uuwi na raw kami. Ihahatid na ako. Masaya naman yong kausap ko kaya panay ang hagalpak ng tawa ko.

Pumasok siyang bigla at ibinagsak ang pinto. Kawawang pinto.

Medyo, natigatig ang aking kausap at magpapaalam na sana nang sinaway ko. Ayaw ko ang ginawa niya. May kabastusan.

Pumasok ulit ang aking kaibigan. Hindi ko pinansin. Hinarap ako at sinabing maglakad ako pauwi. Huh?

Paglabas ko wala na ang kotse niya. Oweno. Sinong tinakot niya. Nag-offer ng ride ang aking kausap na nagpapatulong sa akin sa kaniyang project.

Hindi niya ako kinibo. Di hindi ko rin kinibo. sinovasiya.

Isang Linggong nakaraan, pumasok siya sa opisina ko. Hinagis ang isang envelope.
"Ayan, may asawa, tatlong anak, nasa abroad ang asawa."

Tumaas ang isa kong kilay. Maganda pa naman ang pagkaguhit.

So? tanong ko. Tumaas na rin ang ikalawang kilay. Magkapantay na sila.

Binobola ka lang noon eh. sabi niya.

Hindi naman ako bilog. sabi ko. Saka hindi naman siya nanliligaw. Ako ang nanliligaw
.........binitin ko.


para makuha ko yong project.

Saka bigla akong humirit, nagseselos ka ba?

Hindi ah. Sabi niya, sabay talikod. hehehe



signature of pinaysaamerika


,,,,,,

Sunday, February 11, 2007

A strong woman wears the look of confidence on her face...

Dear insansapinas,

Talaga yatang mas komportable ako sa barkada ng mga lalaki kaysa babae kaya noong nagsusunog ako ng kilay para maging Manager By Accident,in short MBA, tatlong barkada ko nakapantalon, may suot na wedding ring yong dalawa at yong isa naman ay may syota. Kaya nakapantalon din ako palagi. Kung magsilakad kasi akala mo mga simaron, kaya kung nakapalda ako, tangay ng hangin sa bilis maglakad.

Hindi ko pa nakukuha ang aking SO(special order) ay inalok na ako ng Dean para magturo. Notorious ako noong ako ay istudyent, kaya palagi akong nasa Dean's office. hehehe. Nakilala tuloy niya ako.

Isa, nang ilang beses na hindi ako tawagin sa roll call ng isang professor sa Financial Management. Hindi raw niya ako nakita kasi maitim ako. Ang hinayupak, kaunting hilod lamang naman ang lamang niya sa akin sa Puti. Iniinis lang niya kasi ako dahil nagcomment ako sa Income Statement na exhibit sa case. Mali ang Cost of Goods Sold. Kaya ikatlong beses na hindi niya ako tinawag, nagmartsa ako sa office ng dean at nagsumbong. Bago ako pumunta doon, nagpulbos ako ng makapal. Beh. Napahagikhik ng tawa ang dean.

Minsan namin ay ininsulto kami ng professor namin sa Financial Management II. Higpit niya. Kindergarten analysis daw ang ginawa naming grupo. Siyempre, mga kasamahan ko ay mga lalaki at mga managers din naman, kaya nasaktan sila. Pero di sila makapiyok. Ako nagmartsa ako sa office ng dean at sinabi ko na paano kami maeencourage niyan mag-aral kung palagi niya kaming iniinsulto. Sabi ng dean, mataas na nga raw yon kasi ang iba, idiotic at stupid analysis and ibinibigay na comment. Siguro palagi nila akong napag-uusapan sa meeting nila kaya sa mga sumunod na araw ay paborito akong tawagin at pahirapan. hehehe.

That challenged me kaya, yon yata ang panahon na wala akong kilalang artista dahil ni hindi ako pumasok sa sine, wala akong alam na programa sa TV kasi hindi ako nanonood. Kaya kung nag-eenjoy ako sa mga reruns noon sa San Francisco at dito sa Washington DC , kasi sa akin hindi rerun yon kundi talagang tanga ako sa entertainment dahil isinubsob ko ang aking panahon sa pag-aaral nang mga panahon na iyon. Yon pag ginising mo ako ay irerecite ko saiyo ang SWOT, strenghts, Weaknesses, Opportunities and Threats, may kasama pang kumpas ng kamay para sa overhead projector. Wala pa noong power presentation mga kabarangay.

Kaya nang ako ay grumaduate, invitation ang aking tinanggap para magturo. Ahem, ahem. Ako lang ang babae at pinakabata. Kaya noong una, tagakuha ako ng kape ng mga co-faculty ko na dati kong mga professor.Ang mga matatanda. *heh*

At kukuyakoy ako na nakamaong habang nagtuturo. ehekk.

pinaysaamerika
,Los Angeles,,,pinoy,

Saturday, February 10, 2007

What I did for love

Dear insansapinas,

heart-cathcath2.blogspot.com

Love defies age, profession and race ikanga. Valentine na naman kaya ito ang love story para saiyo.

Pero ang titulo ng aking sanaysay ay para sa aking kakilala na umibig sa istudyent niya.

Bagong salta lang ako sa university nang makilala ko ang propesor na babaing ito. Maliit siya at wala sa mukha niya ang kaniyang edad. Tinuring ko siyang Idol kasi ang laki na ng experience niya sa academe. Full time siya samantalang ako, sa gabi lang nagtuturo. Kaya ang mga natapat sa akin ay mga working students na halos kaedad ko lang. Isama mo ako sa kanila, hindi mo alam kung sino ang istudyent at sino ang propesor.

Isa rito ay isang bata pang lalaking maykaya sa buhay ang pamilya. Palipat-lipat siya
ng kurso na tila hindi nagmamadaling makatapos dahil mayaman si Fafa, sosyalera si Mama.

Matalino naman siya. Siguro interesado lang siya ng Accounting kaya nakita ko siyang
nag-aaral talaga. Panay ang punta niya sa blackboard para magsolve ng assignment.

Hindi ko ugali ang makipagsosyalan sa mga istudyent ko maliban sa isang babae na may edad na at may-ari ng isang customs brokerage. Bored lang siya kasi ang kaniyang asawa ang pinagmamanage niya kaya nag-enroll siya sa subject ko.

Magkaibigan pala sila kaya paminsan-minsan ay nakakasama niya sa pagpunta sa faculty room. Minsan niyaya nila ako sa picnic. Kasama ng ibang istudyent. Sabi ko sasama ako pag may kasama pang isang propesor. Oke.Isinama namin ang aking Idol na may problema sa asawa niya at gusto kong maaliw.

Sa Batangas kami pumunta. Enjoy sila dahil ang ganda ng tubig at saka ang daming alimango galing sa palaisdaan ng aking mayamang istudyent.

Mula noon ang mga ngiti ng aking kaibigan propesor ay naging mula sa isang tainga at kabilang tainga.

Madalas niyang ipatawag ang aking istudyent na lalaki para magpacheck ng papel. Pinatransfer niya na kasi sa kaniyang klase. Oke lang sa akin.

Tapos biglang sabog ang iskandalo sa university. Isang propesor at istudyent daw ay may relasyon. Panay ang pahaging sa akin ng mga tsismosang propesor, lalaki at babae.
Hindi ako ah. Yong aking idol.

Tawag ko sa aking babeng istudyent na kaibigan ko. Aha. Yon pala ang nangyari. Minsan daw ay napunta sila ulit sa picnic. Hindi ako kasama. Sabi ni Idol, huwag akong isama. Oke.

Sa dilim ng gabi ay ginapang daw ng babaeng propesor ang istudyent. *heh*

Tapos nag-iiyak. Nang sumunod na mga araw ay hindi nagpapakita ang istudyent. Kahit sa akin. Hiyang-hiya siya.

Pinuntahan ng propesor ang istudyent sa bahay nila at hindi na siya umalis.

Iniwan siya o iniwan niya ang kaniyang asawa.

Ewan ko kasi mula noon ay hindi ko siya nakita pati ang istudyante na hiyang hiya raw sa akin.

Muli kaming nagkita ay hiwalay na siya sa kaniyang lover na istudyent. Marami na siyang wrinkles at magmumukha na talaga silang mag-ina.

May kasabihan ang pag-ibig daw ay bulag. Ang sabi ko naman, ang pag-ibig ay malabo lang ang paningin. Bigyan mo ng salamin at mawawala ang sinasabing lintek na pag-ibig na yan.


Ang iyong pinsan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,

Thursday, February 08, 2007

The Boy from Hell

Dear insansapinas,
Naalala mo yong kwento ko tungkol sa likot na bata sa Los Angeles?

Ito naman, bata sa pinas.

Kasi may kuwento na sa Russia ay inaabandona sa ospital. Dito sa San Francisco, puwede mong iwanan ang sanggol sa simbahan, sa harap ng ospital nang walang magtatanong saiyo, kung baga huwag lang papatayin baga.

Ang kaibigan ko diyan nagkaroon ng anak. Batang lalaki na nakuha niya sa ospital.

Professor ang aking kaibigan. Maputi siya dahil ang tatay niya ay purong Intsik. Kaya pag nakita mo ang kaniyang pinakikilala niyang anak, alam mong hindi niya anak yon.
Maputi siya, maitim ang bata. Singkit ang mata niya; dilat ang mata ng bata. Madaldal siya pero tahimik ang bata.

Ampon niya. Galing sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kaniyang kapatid na doktora. Una, inuuwi lang niya para ipasyal. Sabi niya mabait, dahil hindi kumikibo. Iniwan ito ng nanay niya pagkatapos ipanganak. Sabi nila kalapati raw na mababa ang lipad. Siguro di na makalipad. Mataas kasi ang ospital na yon. *heh, kulit eh*

Tapos, iniuwi niya na. Tatlong taon ang bata. Matalim ang mata niya. Hindi ko siya nakitang ngumiti. Hindi naman siya bungi. Marahil sa matagal niyang pamamalagi sa ospital na wala siyang naituring na pamilya, hindi siya natutong ngumiti. Sabi ng kaibigan ko, kailangan lang niya siguro ang isang pamilyang magmamahal. Anong pamilya kaya sa isip ko eh dalaga siya? Pero sa isip ko lang yon. Tamad kong sabihin.

Minsan ay may party sa bahay ng kaibigan ko. Hanggang sa labas ang mga bisita. Ako naupo sa dining table. Pagod na ako nang kababalik-balik para kumuha ng pagkain. Upuan ko nga. Naramdaman kong may nakatutok na itak sa likod ko. Meron ba namang manghoholdap sa loob ng bahay na maraming tao. Hindi na po. Magdidiyeta na po ako. *heh*

Unti-unti ang paglingon ko. Eeek, yong bata. Gusto akong gawing tapa. Ayaw niyang ibigay ang itak. Wasiwas pa siya.Bakit naman ako ay gusto niyang hiwa-hiwain? Wala naman akong atraso sa kaniya. Hindi ko naman siya pinandidilatan. Nagkataon sigurong ako lang ang nasa kusina at baka akala niya uubusin ko ang pagkain. BURP. O napanood niya sa mga kungfu movies?

Isinumbong ko sa kaibigan ko. Sabi ko, masama ang vibes ko sa batang yan. He's full of hate.

Ngumiti lang siya at sabi niya siguro with full of love, magbabago siya.

Napasyal ulit ako sa kanila. Malaki na rin ang bata. May asawa na ang aking kaibigan. Marami siyang kuwento sa kasalbahehan ng bata. Sabi niya, natural lang daw yon. Isa pa KSP yata. Kulang sa Pansin. Ang takot ko baka pag nagka-anak siya, magselos at kung ano ang gawin sa anak niya.

Nakaupo ako na nakatalikod sa bintana. Wala silang screen. Silat na silat na salamin ang sarahan ng bintana.

Naramdaman kong may tumutusok na naman sa aking likod. Hee. Ang bata, may hawak na mahabang stick at inaabot ako mula sa labas ng bintana. Buti na lang di pa ako nakapagkape at hindi pa ako hyper kung hindi nahabol ko siya at nabitbit ng patiwarik.

Panay hingi ng dispensa ang aking kaibigan.

Napunta ako sa abroad. Nagkita kami ng magbalikbayan, pero di ko nakita ang ampon niya.

Sa e-mail, sabi niya. Tama ang aking vibration. Dalawang beses na nga raw nilang pinarerehab. Mabubuti naman ang mag-asawa. Wala na silang naging anak kung hindi ang ampon na yon. Wala nang mairereklamo na kulang siya sa pagmamahal.

Ang tatlong taong pamamalagi kaya niya sa ospital ang naging dahilan ng kaniyang peronality o talagang may dugo siyang maitim.

Huwag ninyo akong tanungin dahil ang alam ko lang na maitim ay ang dinuguan.

Ang iyong pinsan,


signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,,, , ,,,

Wednesday, February 07, 2007

Bata, Bata, Bakit ka Ikinula?

Dear insansapinas,

Sa Russia pala ay nilalagyan ng tape ang mga batang iyakin sa ospital.

Kainis di va? Kung pwede mo lang sabunutan, kilitiin, kurutin at bigyan ng sidekick ang mga narses na gumagawa noon, sana ay ginawa natin. *nginig* *nginig*.

Pero may nakakilala akong bata pang nanay na mas masahol ang ginagawa sa kaniyang mga anak.

Bata pa ako noon. Nakitira kaming pansamantala sa isang malayong kamag-anak sa Quezon City. Sa "kalayuang kamag-anak," kailangan mo pang sumakay ng bangka at pagdating sa lupa ay magtatricycle pa. *heh kulit eh*

Mahilig kasi noong mag-ampon ang aking grandmommy kaya marami siyang mga anak. Sa kaniya ang mga ulilang kamag-anak, kapitbahay ay parang kuting na kailangang bigyan ng shelter. Naalala ko ang sinabi ng aking momsie na may panahon daw ang bahay nila ay napakaraming tao na ang isang baboy ay ubos sa isang Linggo lang. *burp*

So detour, detour, nawawala tayo sa topic.

Sa baba ng bahay na tinitirhan namin ay nakatira ang anak ng "malayong" kamag-anak. May asawa siyang batang bata pa na hikain. Si Daisy. Daisysyete.


May baby siya na siguro tatlong buwan pa lang. Kasi pag pinakakalong niya sa akin ay parang yong manika kong malaki.

Pag sila nag-away ng kaniyang asawa, nagliliparan ang mga gamit. Pag narinig mo ang kalabog ng pinto, ibig sabihin noon, umalis ang asawa. Susundan na ito na pagmumura ni Daisy at pag-iyak.

Noong minsang nag-away sila ay nakadungaw ako sa balkonahe sa itaas. Alam naman ninyo ususera na ako noong bata pa.

Pagkaalis niya ay nakita ko si Daisy. Dala ang batang nakabalot sa lampin. Pumunta siya sa may kulahan. Ang kulahan ay gawa sa chicken wire. Alas otso pa lang kaya wala pang masyadong araw. Maputi naman ang anak niya. Bakit niya ikukula?

Taranta ako. Wala pa namang matanda sa bahay. Ano ang gagawin ko?

Buti na lang nakita nang malayo naming kamag-anak. Akala raw niya lampin lang na nakabalumbon. Matanda na siya at malabo na ang mata. Baba ako. Kaway ko sa kaniya.
Kandahulog siya sa pagkuha sa baby.

Haah. Gusto kong sumunod sa kaniya doon sa ibaba ng bahay namin at tingnan ko kung anong gagawin niya kay Daisy.

Mga ilang araw naman, sweet na naman ang mag-asawa. Mga ilang Linggo na naman, nagliliparan na naman ang mga pinggan. Sana may laman, makikisalo ako.

Mga ilang buwan lang, buntis na naman si Daisy. Sa isip ko kailangang palakihan ang kulahan. Ngeeek.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,,, , ,,,
,, ,

Tuesday, February 06, 2007

Nutty Professor

Dear insansapinas,
Sa San Francisco, nakakapanood pa ako sa sinehan. Dito sa Washington, DVD na lang ako.

Pinanood ko angLittle Miss Sunshine kung saan si Frank (Steve Carell)ay isang Proust scholar at propesor sa isang university. Muntik na siyang mamatay dahil nagsuicide siya pagkatapos mawala sa kanya ang kanyang mahal sa isang ring propesor na lalaki. Lalaki rin ang mahal niyang yon.
little miss sunshine
Akala mo sa sine lang. Eskhyus me pero meron din akong kasamahang propesor na ganiyan. Isang babae at isang lalaki.

Yon munang lalaki. Tahimik siya. Hindi siya sociable. Wala siyang masyadong kaibigan. Pero dumadating siya pag may meeting.

Minsan hindi siya dumating. Nasa ospital daw. Naglaslas ng wrist. Buti na lang hindi bago ang blade, kung hindi nakikipagmeeting na sana siya kay San Pedro.

Siyempre, dalaw naman kami. Wala yata siyang mapghingahan ng loob kaya akong nag-iisang dumalaw ng oras na iyon ang napagsabihan niya.


Nahuli raw niya ang kaniyang batang-batang boy friend (lalaki siya ha) na may girl friend. Muntik nang tumalon ang Santo Kristo ko sa dibdib hindi dahil sa pagkabigla kung hindi sa hindi ako makapaniwalang ang taong may doctorate na katulad niya ay
magiging ganoon kadesperate dahil lang sa pag-ibig.

Ang boy friend pala ay pinag-aaral niya sa UST at nakatira sa kaniya nang mahigit ng limang taon. Sa awa ko medyo naiyak din ako at gusto ko sanang gamitin iyong bed sheet pangpunas pero baka magalit ang nars.

Nang lumabas siya ay lalo siyang naging tahimik. Hanggang isang araw ay nagkagulo sa isang classroom. Ang propesor ay nasa itaas ng lamesa at nagtatalumpati.

Iniabot ng senior professor namin ang kamay niya sa professor na iyon at sinabing sila ay may pupuntahan.

Maamo naman siyang sumunod. Nakita ko sa labas ang van ng Mental Hospital.

Minsan dumalaw kami sa kaniya ay si Rizal na siya, kausap si Bonifacio.


signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,
,, ,

Friday, February 02, 2007

One man's folly is another man's wife.

Dear insansapinas,


Bise Presidente si lalaki. Bising-bising mambabae. Eh kung ikaw ba naman ay may mga girl prens sa lahat ng sulok ng organisasyon na yon, anong tawag mo sa kanya? Ah hindi siya yong ng kinuwento kong bise-presidente sa isa kong blog entry. Mas matanda ito at mukhang hindi makapatay ng langaw sa hinhin. May pagka-old fashion pa Day. Ang pomada niya sa buhok ay mga trans fat. Yuck.

Si Babae naman ay isa ring Opisyal. Mas mababa lang isang baytang ng kaunti kay lalaki. Kakilala ko si Babae. Nakasama ko sa isang organisasyon. Napakahinhin din at old feshyon. That time, nagsisigarilyo pa ako at nakabarkada sa mga boyz.Ayaw ng mga babae sa akin. Mas maganda ako sa kanila. Araaaay, naman. Sinong nambato diyan?

Panay siya patutsada sa akin na easy girl daw ako. Easy girl nga ako dahil pag nalasing ako, nambugbog lang naman ako nang magkamaling tumapik sa aking balikat. HIC.

Habang panay taas baba ang kaniyang kilay pag nakita niya akong pumasok na may mga kasunod na boys, tuloy naman ang mga "raket" namin ng mga boys na ito.

Minsan ay nakita ko siyang maganda ang damit. Medyo yata namalikmata ako at nakita ko siyang nakangiti imbes na ismid. Oy, nawawala yong mga wrinkles niya. Baka gumamit siya ng Oil of Olay? Ang mek-ap niya mama ay isang kilo ng Max Factor. Nalagyan ng filling yong mga butas sa mukha niyang gawa ng taghiyawat.

Mukha na siyang Geisha sa puti ng mukha at pula ng labi. Nawala ang pagkamanang niya. Pati asawa niya ay nagmukhang tagadala niya ng sapatos.

Kung baga sabi ng alaskador kong barkadang lalaki. BlOWMING SIYA?

Tapos bigla siyang disappear sa organisasyon. Pati ang bise-presidente.

Oy naku ha. Hindi sila nag elope.

Nahuli sila. Ganito yon. Lunch break. Ganoon pala ang ginagawa palagi ni Babae. May dalang mga folders, may didiscussin daw kay Bise. Sarado ang office kasi confidential daw. Closed Door meeting.

Ang siste nito, yong sekretaryang nasa labas eh, lumabas sa reception Room. Biglang dating ang Kaitaastaasan na may karapatang bigla na lang sumulpot kung gusto niyang sumulpot.

Ahhhhh, si Babae nakaupo sa upuan ni Bise Presidente. Anong masama doon?

Eh nakaupo rin si Bise-Ppresidente. Alangan namang isipin ng Kaitaastaasan na kulang sila ng upuan kaya sila ay magkakalungan.

Naku mga kabarangay, laking iskandalo. Parehong may asawa ang dalawa. Ahek.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

Thursday, February 01, 2007

Burning is a sweet sorrow

Dear insansapinas,

Patay siya, bata siya. Si former minister ng Italy ay humingi ng tawad sa asawa sa pagkikiri niya sa publiko. Yan ay pagtutuksi-tukso lang eh pano naman kung talagang traidor, taksil at ang asawa at may kabit na ibinabahay. Kahit na ba siya ang ibinabahay.Katulad ng frwend kong ito.

Kapapatayo pa lang niya ng bahay sa Ayala Alabang. Bongadera siya. Kabarangay niya ang mga Zobel. Bago ka makapasok sa kanilang village, kulang na lang na ii-scan ang iyong retina at dumaan ka sa x-ray machine para makalampas ka sa security.

So invited niya ako. Wow, gara. Pero bakit wala ang haligi ng tahanan?

Sabi niya nasa Japan. NagJapayuki? Biro ko. Smile lang siya. Kasi alam niyang kulang ako ng tornilyo sa ulo. Minsan nga may dala siyang screw driver. *heh*

Isang gabi, malapit ng alas dose at hindi na ako tumatanggap ng bisita sa bahay kahit emergency dahil humahati ang katawan ko (hakhakhak) narinig ko ang screech ng kaniyang kotse.

Wala siyang make-up. Gusot ang kaniyang buhok. Siya yong tipong hindi mo mahuhuling walang lipstick at eyebrow. Pero noong gabing yon, para siyang sinabunutan ng isang dosenang kabaro ni Zaturnah.

Galing siya sa isang village. Sa bahay ng kabit ng asawa niya. Sinunog niya ang mga damit ng asawa niya sa harap ng bahay.

Sabi ko buti hindi ka pinapulis. O kaya pinahuli ka sa mga barangay tanod?

Papano sila gagawa niyan eh sikat ang babaing kabit niya. Gusto ba nilang maiskandalo?

Mahal pa rin niya asawa niya. Patawad, alis patawad, alis ang gawa sa kaniya.

Kaya pagkukuwento siya, naiisip ko kaya may martir sa mundo ay dahil may mga taksil na asawa. Ahoy.

Ang inyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

,

Friday, January 26, 2007

Movies imitate movies, sitcom imitates life

Dear insansapinas,

Paborito ko ang Shawshank Redemption, ang pelikula kung saan si Andy Dufresne (Tim Robbins)ay tumakas sa preso sa pamamagitan ng paghukay nang mahigit na dalawampung taon sa pamamagitan ng maliit na martilyo. Pero napanood ko rin ang Great Escape, isang classic film, kung saan, tumakas din ang mga preso mula sa Nazi Camp sa pamamagitan ng paghukay ng tunnel sa ilalim. Hmmm medyo may pareho ang pagtapon nila ng lupa mula sa hukay--sa pamamagitan ng pagtago sa pantalon.

Pero hindi yan ang aking kuwento. O sige Birhinya sampalin mo na ako ng sampalin, libre pero limang minuto lang.

Ang aking kuwento ay tungkol sa isang episode ng Ugly Betty sitcom kung saan ang playboy na bida ay nawala at naging depressed. Karma siya kasi. Napaglaruan nang tadhanang maloko rin ng isang babae.

Ang kuwento ay tunay na buhay. O di va, sitcom imitates life.

Kagaya ng dati kong boss. Bise-Presidente kaya bising bisi siya palagi. Ako ang kaniyang kanang kamay kahit kaliwete ako. Lalaki siya, babae ako (raw) pero sa kaniya, para akong lalaki. Kasama niya kahit saan magpunta. Sikreto niya, sikreto ko. Sikreto naming dalawa sa kaniyang asawa.

Pogi siya. Kilig ang mga goirls na makakita sa kaniya lalo na ang ilang libo naming empleyadong babae.

Misan may nagtago sa kaniyang kotse para lang makasabay sa kaniyang pag-uwi. Di nila alam, kasabay niya ako nang araw na iyon. May "raket" kaming iba.

Kahit di niya tinatago ang sikreto na siya ay pabling, may condition ako sa kaniya na wala siyang isasabay na kakulakadidang niya sa loob ng kotse pag nandoon ako.

Kaya palusot siya. Aplikante raw. "Ah sabi ko, hindi ko alam na nalipat na pala ang Human Resources sa kotse mo?" Ganyan ako kapranka sa kaniyang magsalita. Takot din naman siyang mawala ako. Mawawalan siya ng magandang katulad ko. ahem ahek, hic.

Hininto niya ang kotse. Akala ko ako ang pababain niya. Tiningnan ko ang lugar. Hanep, walang sasakyang dumadaan. Tiningnan ko ang aking high heels. Palagay ko magiging flat ito pag naglakad ako hanggang sa may makuha akong masasakyan. Yon palang babae ang pinababa. May tricycle naman na dumaan kaagad.

Ganiyan siya katindi. Minsan ay tinawag niya ako sa kaniyang opisina. Kala ko ay report. Tinananong niya kung paano niya mapapatunayan kung siya nga ang ama ng bata.

Kala ko, may hinala siya na nasalisihan siya sa asawa niya. Yon pala may isang babae na nabuntisan niya at humihingi ng suporta. Gusto ba namang kunin ang bata at ampunin ko raw. Ano siya nababaliw? Gusto ko siyang ihagis sa Pasig River.

Hindi ako nagresign, pero hindi na ako pumasok. Hayaan ko na lang AWOL nila ako total may iba naman akong "raket".

Nagpadala siya ng emissary sa bahay. Hindi napalambot ang aking puso, kasi sabi nga nila wala ako noon. *heh*.

Sumunod ang kaniyang misis na ang pumunta, nakikiusap na ako ay bumalik. Mainit daw ang ulo ni Boss. Pati raw ang mga utusan nasisinghalan nang wala namang kasalanan. PAti raw ang kawawang aso ay takot sa kanya dahil masahol pa sa naglilihing babae.
May sakit daw at ayaw kumain.

Bakit dala ko ba ang kusina. Sa isip ko lang ito. Naawa ako sa asawa. Kung alam lang niya ang sikreto ng kaniyang asawa.

Pumayag akong bumalik at dalawin siya ng gabing yon. Nasa salas ang kaniyang asawa at kausap ang mga amiga niya. Pinatuloy niya ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto nila.

Nasa harap ng computer ang boss ko.
"Kala ko ba maysakit ka? Magpapadala na sana ako ng bulaklak dito." patuya kong sabi.

" Gumaling na ako nang marinig kong darating ka?" pangisi niyang sagot.

"Pati ba naman ako, binobola mo boss. O, hige, sino na naman ang babaeng prinoblema mo? " Alam ko wala kang problema sa babae.Nankakandarapa silang makuha mo."

" Sakit mo namang magsalita. Hindi naman lahat ng babae, ganyan sa akin. Mayroon din naman akong minahal at iginalang".

Aha, bagong script yan. May bago ka bang writer ngayon. Kasi ako, hindi magaling magsulat at magsinungaling. Buking ako."

"Hindi scripted yan. Totoo yan, galing sa puso." sabi niya.

Oy, parang gusto kong maniwala. Aber, sinabi mo na ba sa babae? Kamalas naman na babae yan?"

"Actually, hindi ko alam kung babae nga siya" At hindi ko masabi."

"Ano, binabae? bakla? Boss, naman, kinikilabutan ako saiyo."

"Bakit bakla ka ba?" tanong niya.

End of the story. dotdotdot.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

,

Thursday, January 25, 2007

Sad movies and Sad Songs Make Me Cry

Dear insansapinas,

Photobucket - Video and Image Hosting
Hanube yan, isang nag-audition sa American Idol ang nagsabi na ang kakantahin niya ay inspired ng break-up nila nang kaniyang girl friend. Malungkot daw at tiyak na babaha ng luha. Ako naman si gaga't kalahati ng one fourth ay inihanda ang kumot na malapit sa akin. Baka nga naman ako maiyak. Alam ninyo naman, dinaanan din natin yang mga broken broken heart ekek na kung minsan ay wala akong ganang kumain hanggang maamoy ko ang dala- dalang pizza ng aking karoommate noon. Yum yum, saka na ang sintir de asukal. Kain muna. Ano nababaliw na magutom.

Eh, balik tayo dito sa mamang nangangalandakan na siya ang susunod na American Idol at sabi niya ala Sharon Cuneta, BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA kasama raw si Paula Abdul.

Pinigil ko pa ang punta sa bathroom para hintayin siyang kumanta. Kumanta na po. Saan ba nakatago yong pambambo ko. Tinamaan ng lintek. Love song ba yong nag raRap siya roon. Tsee niya.

Noong isang araw naman ay pinanood ko ang pelikulang JEZEBEL. Hindi yong sirenang lalangoy langoy na tinampukan ni Vilma Santos, Alma Moreno at ang pinakahuli ay si Charlene Gonzales.

Ito ay lumang pelikula na tinatampukan ni Bette Davis at Henry Fonda. Maganda pala si Bette Davis noong bata pa.At siyempre, guwapo talaga si Henry Fonda.

Dito sa pelikulang ito nanalo ng Academy Award si Bette. Bakit ako naiyak kanyo, kasi naalala ko sarili ko sa katigasan ng ulo niya. Nang sabihang bawal ang magsuot ng hindi puting damit para sa mga babaeng wala pang asawa sa kasayahang dinadaos taun-taon, nagsuot siya ng pula. Ako naman nang sinabihang bawal ang magpantalon sa graduation at kailangan nakabestida ang mga babae, nagsuot pa rin ako ng pantalon. Nang makita ako ng usher, pinatupi sa akin bago ako umakyat sa stage. Buti na lang mahaba ang toga ko.

Ang nakakaiyak pa sa pelikula ay kung sino ang di mo aakalaing maksasakripisyo sa pag-ibig ang siyang nagpakamartir sa bandang huli. Ako, sabi nila martir, pero ayaw kong mabaril sa Luneta kaya puede ba.

Haynaku, kay Jackie Chan na nga lang ang papanoorin ko.

,,

Tuesday, January 23, 2007

My First Excursion in Snow Part 2

Dear InsansaPinas,
Sensiya ka na. Kailangan kasing break para sa topic na ito. Dami ko ring ginagawa.

So nasaan na ba tayo? Alam ko nandito ako sa Estet, at ikaw diyan sa pinas. Silly.

Ito pa ang ibinigay sa akin ng kapatid ko. Ang snow cap.

image of snow cap

Pag sinuot mo kasama ng itim na pantalon at itim na pang-itaas,hindi ka na makikita sa dilim. Lagyan mo lang ng dalawang butas sa mata, puwede ka nang mangholdap ng bangko na hindi makikilala. Kaya lang sira ang hair do mo. *heh*

Wala akong snowcap sa San Francisco. Meron ako beret.

image of a beret

Yong nakikita niyong suot ng mga Italian painters. Either nakakiling sa kaliwa o sa kanan. Feeling ko pag suot ko yon at ako ay naglalakad sa financial district ng San Francisco ay model akong Italiani spaghetti. Pag nakita naman ako ng aking kaibigan na may tupak din ang ulo, tinatanong kung nasaan ang aking easel at mga pintura. bwahaha.

Isa pang ibinigay sa akin ay ang scarf. Pantali sa leeg. Para hindi ginawin, silly.

image of scarf by pinaysaamerika

Ayan kumpleto na kaya, dya dya yan.

pinaysaamerika in snow cap

Ito ang mga dinaanan ko.

Ang snow sa tanim. Akala mo bula ng laundry detergent na isinaboy sa tanim na gumamela.
image of snow in a bush
Remember yong ginagawang kulahan ng ating mga inang?

imageof snow by pinaysaamerika


Ito close-up. Para namang ginadgad na yelo. Parang gusto ko tuloy gumawa ng halo-halo.

image of a snow by pinaysaamerika

Daming halo-halo sana nito insan.
image of snow

Ang iyong pinsan,



signature of pinaysaamerika



,,,,Los Angeles,,pinoy,

Monday, January 22, 2007

My First Excursion in Snow

Dear Insansapinas,

Syempre, kailangan kong mag-explore. Kung baga sa business plan, I got to strategize. *heh*. Sorry insan, force of habit. Talagang lumalabas pa rin ang mga corporate bullshits sa aking brain. O di va may time nga noon tulog ako pero I sleeptalk na panay daw numero ang sinasabi ko sa aking sleep. Buti na lang hindi blah blah blah.

Pero hanube ang gagawin ng katulad ko na first time lang magtatampisaw sa snow?

imag of body warmer by pinaysaamerikaBinigyan ako ng aking kafatid ng body warmer. Hindi ko tiningnan masyado. Kala ko thermal (yong yong suot mo sa ilalim ng damit para hindi masyadong ginawin). Sa isip ko kaliit naman. Baka nakatupi. Yon pala eh para siyang malaking Salonpas na puwede mong itapal sa balat para magbigay ng init. Pwede rin sa sakit sa kasu-kasuan, sa mga muscle cramps.
Oy, wala nito sa pinaggalingan kong baryo.

Binigyan ako ng aking kapatid ng gloves. Dyan dyan.ROCKY movie sound track.

image of snow gloves by pinaysaamerika
Ang kapal. Parang pagsuot mo ay di mo na maramdaman ang hinahawakan mo.(wiss wiss) Sound of shadow boxxxxz Hindi kasi sanay eh.


Sa San Francisco kase, may gloves nga ako pero yon bang maninipis lang na fashionista. May manipis na faux leather,
image of leather glove by pinaysaamrerika

May knitted na black and white.

image of knitted gloves by pinaysaamerika

Itutuloy ko ang aking adbentyurs sa snaaw.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


tags : ,,,

Sunday, January 21, 2007

Let It Snow, Let It Snow

Dear Insansapinas,
Aleluya, first time , hindi second time pala akong makakita nang snowfalling from the sky. The first time when I was just a week old dito sa Estet. Pumunta kami sa Reno noong boss ko at ang kaniyang whole family para pumunta sa Harrah's at magcasino habang ang mga bata (kasama ako roon) ay sa Circus Circus, tatambay. Biglang nag fall ang snow sa kotse. Hay, taranta ang mga chikiting gubat na kasama namin.Imagine, kala ko pa naman lahat ng Puti, nakakita na ng snow. Pre-preho lang pala kaming first time. Ako kunwari hindi excited pero kung pwede nga lang ba na makipag chorus ako sa mga bata pagsabing "Pull over, dad, wanna play outside and catch the snow", sana ay ginawa ko na. Pero siyempre, ngiti lang ako.Para bang keber ko sainyo noh. Pero, mahina lang. Parang sinabuyan lang ng asin ang aming kotse. Tunaw kaagad.

image of snow fallingPero kahapon, habang yakitiyak kami sa telepono ng kaibigan kong nasa Los Angeles, aba nakita ko parang lumilipad na mga maliliit na bulak sa hangin. Snow, snow. Gusto ko sanang magtatalon kaya lang baka isipin ng aking kapatid, natuluyan na akong masiraan. Hindi naman dahil may hinala siya pero malapit na rin doon. ahek.

Tuloy pa rin kami ng aking kaibigan pagtsismisan. Pero lumabas ako sa balkonahe at ibinulas ko ang aking palad para makahuli ng snowflake. Huwag kang maingay, itatago ko sana sa ref.
image of snowcovered walkwayWala. Pero namumuti na ang barandilya namin. Para bang naglagay ng asin na pinong-pino. Parang margarita. HIC.

Mga ilang minuto lang, aba, nagiging puti ang paligid. Wala na yong damo na green. Wala na rin yong mga naghahabulang mga squirrel.

Pero yong puno, hindi pa masyado ang snow at ang walkway ay nakikita pa.

Sige daldal pa rin. Siguro mahigit isang oras yong aming usapan. Sakit ng tainga ko pagkatapos. Pero yong mata ko nakatingin sa labas. Nag-iisip ako kung gagawa ako ng
halo-halo o tatakbo ako sa labas para magretrato.



image of snow covered green grassMga ilang minuto pa ay puti na ang paligid. Parang May nagsabog ng maraming arina. May snow na nakasabit sa puno. Naalala ko ang aking Christmas tree sa San Francisco pag Pasko. Nilalagan ko ng pekeng snow. Singhot. Naalala ko sa Pinas kung saan may pekeng snow at ice. Pumupunta kami kahit mahal ang bayad. Nakasuot pa kami ng snowjacket. Photo-op lang. *heh*

pinaysaamerika
,,,

,,,