Advertisement

Friday, January 26, 2007

Movies imitate movies, sitcom imitates life

Dear insansapinas,

Paborito ko ang Shawshank Redemption, ang pelikula kung saan si Andy Dufresne (Tim Robbins)ay tumakas sa preso sa pamamagitan ng paghukay nang mahigit na dalawampung taon sa pamamagitan ng maliit na martilyo. Pero napanood ko rin ang Great Escape, isang classic film, kung saan, tumakas din ang mga preso mula sa Nazi Camp sa pamamagitan ng paghukay ng tunnel sa ilalim. Hmmm medyo may pareho ang pagtapon nila ng lupa mula sa hukay--sa pamamagitan ng pagtago sa pantalon.

Pero hindi yan ang aking kuwento. O sige Birhinya sampalin mo na ako ng sampalin, libre pero limang minuto lang.

Ang aking kuwento ay tungkol sa isang episode ng Ugly Betty sitcom kung saan ang playboy na bida ay nawala at naging depressed. Karma siya kasi. Napaglaruan nang tadhanang maloko rin ng isang babae.

Ang kuwento ay tunay na buhay. O di va, sitcom imitates life.

Kagaya ng dati kong boss. Bise-Presidente kaya bising bisi siya palagi. Ako ang kaniyang kanang kamay kahit kaliwete ako. Lalaki siya, babae ako (raw) pero sa kaniya, para akong lalaki. Kasama niya kahit saan magpunta. Sikreto niya, sikreto ko. Sikreto naming dalawa sa kaniyang asawa.

Pogi siya. Kilig ang mga goirls na makakita sa kaniya lalo na ang ilang libo naming empleyadong babae.

Misan may nagtago sa kaniyang kotse para lang makasabay sa kaniyang pag-uwi. Di nila alam, kasabay niya ako nang araw na iyon. May "raket" kaming iba.

Kahit di niya tinatago ang sikreto na siya ay pabling, may condition ako sa kaniya na wala siyang isasabay na kakulakadidang niya sa loob ng kotse pag nandoon ako.

Kaya palusot siya. Aplikante raw. "Ah sabi ko, hindi ko alam na nalipat na pala ang Human Resources sa kotse mo?" Ganyan ako kapranka sa kaniyang magsalita. Takot din naman siyang mawala ako. Mawawalan siya ng magandang katulad ko. ahem ahek, hic.

Hininto niya ang kotse. Akala ko ako ang pababain niya. Tiningnan ko ang lugar. Hanep, walang sasakyang dumadaan. Tiningnan ko ang aking high heels. Palagay ko magiging flat ito pag naglakad ako hanggang sa may makuha akong masasakyan. Yon palang babae ang pinababa. May tricycle naman na dumaan kaagad.

Ganiyan siya katindi. Minsan ay tinawag niya ako sa kaniyang opisina. Kala ko ay report. Tinananong niya kung paano niya mapapatunayan kung siya nga ang ama ng bata.

Kala ko, may hinala siya na nasalisihan siya sa asawa niya. Yon pala may isang babae na nabuntisan niya at humihingi ng suporta. Gusto ba namang kunin ang bata at ampunin ko raw. Ano siya nababaliw? Gusto ko siyang ihagis sa Pasig River.

Hindi ako nagresign, pero hindi na ako pumasok. Hayaan ko na lang AWOL nila ako total may iba naman akong "raket".

Nagpadala siya ng emissary sa bahay. Hindi napalambot ang aking puso, kasi sabi nga nila wala ako noon. *heh*.

Sumunod ang kaniyang misis na ang pumunta, nakikiusap na ako ay bumalik. Mainit daw ang ulo ni Boss. Pati raw ang mga utusan nasisinghalan nang wala namang kasalanan. PAti raw ang kawawang aso ay takot sa kanya dahil masahol pa sa naglilihing babae.
May sakit daw at ayaw kumain.

Bakit dala ko ba ang kusina. Sa isip ko lang ito. Naawa ako sa asawa. Kung alam lang niya ang sikreto ng kaniyang asawa.

Pumayag akong bumalik at dalawin siya ng gabing yon. Nasa salas ang kaniyang asawa at kausap ang mga amiga niya. Pinatuloy niya ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto nila.

Nasa harap ng computer ang boss ko.
"Kala ko ba maysakit ka? Magpapadala na sana ako ng bulaklak dito." patuya kong sabi.

" Gumaling na ako nang marinig kong darating ka?" pangisi niyang sagot.

"Pati ba naman ako, binobola mo boss. O, hige, sino na naman ang babaeng prinoblema mo? " Alam ko wala kang problema sa babae.Nankakandarapa silang makuha mo."

" Sakit mo namang magsalita. Hindi naman lahat ng babae, ganyan sa akin. Mayroon din naman akong minahal at iginalang".

Aha, bagong script yan. May bago ka bang writer ngayon. Kasi ako, hindi magaling magsulat at magsinungaling. Buking ako."

"Hindi scripted yan. Totoo yan, galing sa puso." sabi niya.

Oy, parang gusto kong maniwala. Aber, sinabi mo na ba sa babae? Kamalas naman na babae yan?"

"Actually, hindi ko alam kung babae nga siya" At hindi ko masabi."

"Ano, binabae? bakla? Boss, naman, kinikilabutan ako saiyo."

"Bakit bakla ka ba?" tanong niya.

End of the story. dotdotdot.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

,

1 comment:

kiwipinay said...

nakanaman! lufet mo acheng! :D