Appointment ko insan sa nars ko na nagmomonitor ng aking asukal sa katawan. Lintek na man kasing diabetes ito, kung minsan wala akong asukal, kung minsan naman ay sobra.
Sana man lang sana ay puwede kung ipagbili kung sobra, eh hindi naman. Kaya lang nakalimutan ko alas 8 pala. Tawag ako sa clinic. Buti na lang nareschedule ng hapon.
Ang nars ko ay Puti. Kung titingnan mo ay biktima pa siya ng diabetes sa akin. Dalawang beses ang laki niya sa akin, ang paa niya ay parang maga. Sa diabetic kasi, tinitingnan nila kung maga ang iyong paa dahil ang circulation ng dugo ay mahina.
Tiningnan niya ang aking record ng blood sugar level na nakatala doon sa maliit na gadget na ginagamit ko.
Tusok system. Tusok ko ang aking daliri, paglabas ng dugo ay sinasahod ko sa isang maliit na strip na siya namang nagpapadala ng impormasyon sa
monitor. O di va, parang TV siya.
Tanong niya sa akin:
Nars: Ano ang kinain mo?
Ako: Oatmeal cookie
Nars: Ano ang oatmeal cookie?
Ako: Eh di cookie na gawa sa oatmeal. hehehe
Nars: Paano ang mukha noon?
Ako: sus ginoo, wala namang mukha yon. Eh di cookie kaya lang imbes na gawa sa arina ay gawa sa oats.
Nars: Ano ang oats?
Ako: Quaker?
Nars: Ano ang Quaker?
Ako: Eh di brand ng oatmeal. hehehe Kulit eh.
Binigyan niya ako ulit ng isang papel para isulat ang aking istorya sa
eheste sa dugo pala.
At sabi ay bumalik ako sa April 13. Friday. Ha?
Ang iyong pinsan,
Pinoy,Pinay, balikbayah,
love
No comments:
Post a Comment