Advertisement

Wednesday, August 03, 2011

Pumapatak na naman ang ulan

 Dear insansapinas,

Nakapaschedule din ako ng ride kanina para pick-up in ang aking reading-computer glasses. It costs me an arm and a leg and a nail. Buti binigyan ako ng discount kung hindi mayroong nakapatong sa ilong ko nang mahigit na sampung libo (pesoses) ang halaga ng reading glass. Siyenga pala nasaan ba yon? Nakalimutan kong suotin. Ahek.


Tiningnan ko ang weather forecast sa internet.  Uulan daw at ang temperature ay naglalaro sa 83. Wala akong payong kaya yong aking 2 dollar raincoat ang aking sinuot. Wala pa akong isang minutong nakatayo sa labas ay pumatak na ang ulan. Natakpan nga ang damit ko pero ang mukha ko naman ay nababasa pati ang aking distance glasses. Silong ako sa malaking puno. Sus ang ingay ng mga ibon.


Pero hindi talaga ito ang aking paksa. Ang paksa ko ay ang pag-eesplika  ni Carandang bakit huli na nang suspendihin ang eskuwela at ang opisina dahil sa bagyo.


Katuwiran kasi niya ay ang signal number blah blah blah. Eh policy pa yan noong nag-aaral ako na nirehash lang noong 2010. Noon pa  palagi akong basang umuuwi dahil pagdating ko sa iskwela sarado. Ang inaasahan nilang magsususpending mga opisyal ng eskuwela ay wala pa dahil ang simula ng klase ay usually alas syete samantalang ang dating ng mga presidente at academic officials ay alas nuwebe Ang mga rank and file naman ay nagsisiyetehan. Wala pa noong kasophisticated na cell phone na pwedeng tawagan ang guwardiya para pag may nagtanong sabihing walang klase o kaya ipabalita sa radyo.


Noon pwede pa ang signal na pagbasehan dahil hindi pa masyadong grabe ang baha. Ngayon umihi lang ang palaka, baha na.


Sabi iimbestigahan ang PAGASA. Biglang tahimik at tahimik na rin si Salceda? 


Ang tuwid na daan ay lubog sa bahang tubig na marumi, TSEH.


CHEd Memorandum Order No. 34 series of 2010, issued last October 22, 2010, clarified the guidelines for suspension of classes in higher education institutes (HEIs) due to weather disturbances.
Based on the memorandum, classes at the collegiate level, including graduate school, are automatically suspended in HEIs once public storm warning signal number 3 is raised.

However, heads of HEIs have the discretion to cancel classes even if signal number 3 is not yet declared, especially if there are other factors, such as flooding and road damage.



With regard to the late suspension of government work and college classes, Carandang said the Palace needed to evaluate the situation "on a case-to-case basis" and it does not want to disrupt work.
"As much as possible kasi, ayaw natin na magdeklara ng suspension of classes or government work, nadi-disrupt ang flow ng trabaho. Hindi naman pwede basta umulan magsususpindi kaagad, so kailangan talaga natin i-monitor ang sitwasyon at based on our appreciation of kung nahihirapan na ba yung tao, then we make the decision," he said.
Pinaysaamerika

No comments: